CHAPTER 13: No Boyfriend Since Birth

1575 Words
ILANG BUWAN na ang nakakalipas. Halos naging maganda ang solo prod naming tatlo tuwing Saturday. Naging maganda rin ang feedbacks sa amin ng mga customer at ni Mr. Phil. Natanggap ko na rin ang unang sahod ko rito sa bar. Syempre una kong ginawa ay nag-deposit sa bank para makapag-ipon ako sa pampagawa ng paupahan naming nasunog. At, iyong iba ay pinambili ko na ng mga school supplies namin this school year. Nakapasa pala ako as scholar ng Carter's University kaya makakatipid ako sa tuition fee ko, need ko na lang ay ang books mukha 'di ko na rin dapat problema-hin niyon dahil may allowance rin daw ang mga scholar sa CU. Noong una kinakabahan akong tignan ang result ng entrance examination, may kahirapaan din kasi ang exam sa CU kaya nag-aalinlangan ako baka hindi ako nakapasa. Kapag hindi ka kasi nakapasa sa entrance examination, hindi ka na rin p'wede mag-exam para sa scholarship kaya talagang kabado ako noong lumabas ang result, kaya sina Mariel at Ariel na nga lang ang pinatignan ko. Buti na lang talaga pasado ako at napasa ko rin ang exam for scholarship. Sina Mariel and Ariel naman ay Grade 12 na this year. Malapit na rin sila mag-college kaya 'yon ang paghahandaan ko. Gusto kong mag-college sila na walang iniintidi sa tuition fee at dapat naka-focus lang sila sa pag-aaral nila. “Ate Gizzy! Nandito na po si ate Toni!” Napatigil ako sa aking pagluhod at napatingin sa may hagdan. Narinig ko ang malakas na boses ni Mariel. “Sandali lang kamo, Mariel. Bababa na rin ako!” sigaw ko pabalik sa kanya at binalik ang tingin ko sa altar namin. Lumuhod ako at nag-alay ng munting dasal. Malapit na ang birthday ni Mama. Pagkatapos kong mag-alay ng dasal, tumayo na rin ako at ngumiting tumingin sa larawan nina Mama at Papa. “Sana proud pa rin po kayo sa akin kahit nagtrabaho ako bilang dancer, 'Ma at 'Pa. Promise ko po sa inyo, magtatapos ako bilang isang teacher.” Kausap ko sa kanilang picture frame at hinaplos ito. “Gagawin ko po ang lahat para lalo kayong maging proud sa akin at promise po hinding-hindi ko po kayo bibiguin!” Hinalikan ko ang larawn nilang dalawa at binalik ito sa tabi ng altar. Binalingan ko ang larawan ni tita Jenny. “Hi, tita Jenny! Tutuparin ko rin po ang pangako sa inyo. Ako po ang bahala kina Mariel at Ariel!” Yumuko ako para magbigay pugay sa kanilang tatlo at ngumiti nang napakalaki. “Bye po, 'Ma, 'Pa at tita Jenny! Papasok na po ako!” paalam ko sa kanila at bumaba. Nakita ko si Toni na abalang nakatingin sa kanyang cellphone. Kaya hindi ko muna siya pinuntahan. Lumapit ako sa dalawang pinsan ko. “Mariel at Ariel, painitin niyo na lang ang pagkain na niluto ko, ha? Papasok na ako!” paalam na sabi ko sa kanila at sabay silang tumango sa akin. “Ingat po, ate Gizzy!” “Bye po!” Tumango ako sa kanila at tuluyang lumapit kay Toni. “Tara na?” Tapik ko sa kanya at nauna na siyang lumabas. “Doon tayo sa convenience store maghintay, Gizzy. Ihahatid tayo ng boylet ko para tipid sa pamasahe.” ani niya sa akin at kinindatan pa niya ako. Napangiti na lang ako sa kanya. “Manonood ba ang boyfriend mo ngayon?” pagtatanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa papunta sa convenience store. “Yup! Gusto niya raw ako makitang sumayaw. Ewan ko ba roon, hindi na nagsawa sa sayaw ko kapag kaming dalawa lang...” Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. May deep bang explanation niyon? Nakatingin lang ako sa kanya ng magsalita ulit siya. “Nag-iisip pa nga ako kung anong sayaw na naman ang gagawin ko kapag magkasama kaming dalawa, e. Nagawa ko na kasi ang cowgirl dance.” Palihim akong napangiwi sa kanyang sinabi. Cowgirl dance? May kabayo iyon 'di ba? Nakita kong masaya siyang habang nagsasalita sa akin. Pero, heto ako hindi ko alam kung tungkol saan ang sinasabi niya. “May cowgirl dance na genre ba?” Hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. Nakita ko ang mga mata niyang nagtatakang nakatingin sa akin. May mali ba akong sinabi? Bigla siyang huminto at malakas na tumawa habang nakatingin siya sa akin. Eh? May sinabi ba akong mali? Nagtatanong lang naman ako kung may genre-ng cowgirl dance. Napahinto na rin ako sa paglalakad at tinignan siyang nagtataka. “May mali ba sa sinabi ko?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin at winaygayway pa ang kanyang mga kamay sa harapan niya. “W-wala naman, Gizzy! P-pero, ngayon ko lang nalamang napaka-inosente mo pala!” Natatawang sabi niya sa akin at halos maiyak pa siya. May mali ba talaga sa tanong ko? Nakatingin pa rin ako sa kanya. Wala naman mali sa sinabi ko 'di ba? “Bakit? Ano ba iyong cowgirl dance?” naguguluhang tanong ko kay Toni. Tinapik niya ang kanang balikat ko. “Malalaman mo niyon kapag may boyfriend ka na. Never ka pa ba nagkaroon ng boyfriend?” Napapikit ako sa kanyang sinabi at saka umiling. “So, are you still a virgin?” bulalas niyang tanong sa akin kaya tumango ulit ako sa kanya. “Wala halong biro, Gizzy?” “Uhm, Oo. Wala pa akong nagiging boyfriend, Toni. Mukha lang akong liberated pero wala pa talaga.” Marami kasing nagsasabi sa akin na mukha raw ako may experience na sa mga jowa-jowa na iyan pero never ko pa talaga na-experience na maligawan. “Para malaman mo kung ano ang cowgirl, manood ka sa porn site. Masasagot ang tanong mo roon!” ani niya sa akin at kumindat pa siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Pero, never pa ako nagagawi roon sa site na iyan. Nandoon ba talaga ang sagot? Lumakad na ulit si Toni kaya sumunod na rin ako sa kanya. Nang makarating sa convenience store, nandoon agad ang Mercedes-Benz na klase ng kotse, binasa ko lang ang brand ng kotse ng jowa ni Toni. “Tara, Gizzy!” Tumango ako kay Toni at pumasok sa backseat. Naging tahimik ang byahe namin p'wera sa dalawang nasa driver seat and passenger seat. May binubulong kasi si Toni sa boyfriend niya pero hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Naglagay kasi ako ng earphone kanina para sa music na lang matuon ang atensyon ko kaysa sa kanilang dalawa. Halos isang oras ang naging byahe namin dahil na-trafdic kami sa bandang Guadalupe. May banggaang naganap, isang bus and pampasaherong jeep. Buti na lang wala kaming nakita malubhang nasaktan. “Hi, Toni! Hi, Gizzy!” bati sa amin ni kuyang bouncer at pinalusot kami sa back entrance ng bar. “Nagtext sa akin si Jopay, manonood daw ang may-ari ng bar ngayong gabi.” Napahinto ako sa kanyang sinabi. “I-iyong may-ari ng bar, T-toni?” Tumango siya sa akin. “Oo, iyon ang text sa akin ni Jopay, e.” sagot niya sa akin at pinakita ang text message ni Jopay – isa sa matagal na'ng female entertainer dito sa bar si ate Jopay. “Kilala niyo ba ang itsura ng may-ari ng bar?” pagtatanong ko sa kanya. Para kapag sasayaw ako mamaya 'di ako titingin sa kanya. Umiling siya sa akin. “Wala ni-isa sa amin ang nakakaalam ng itsura ng may-ari ng bar na ito. Basta tinatawag lang siyang Mr. E at tanging si Manager Phil lang ang nakakakilala sa kanya nang lubusan.” Pumasok kami sa dressing room namin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. So, anong gagawin ko mamaya? P-paano kung ma-eye to eye contact ko siya mamaya ng hindi ko napapansing siya pala ang may-ari ng bar na ‘to? “Hello, Zoe and Sasha!” bati ko sa dalawa at umupo ako sa silyang nandito. “Narinig mo na ba ang tsismis ngayon, Gizzy?” Tumingin ako kay Sasha at tumango sa kanya. “Sinabi na sa akin ni Toni. Manonood daw ang may-ari ng bar ngayong gabi.” mahinang sabi ko sa kanya. “Tumpak!” malakas na wika ni Sasha sa akin at nakaturo pa sa akin ang make-up brush niya. “Kaya dapat galingan natin at i-prove sa kanyang deserved natin itong solo prod tuwing Saturday!” Nilagay ni Sasha ang kanang kamay niya sa harapan kaya gano'n na rin ang ginawa namin ni Zoe. “Kaya natin ito!” sabay-sabay naming sabing tatlon Hindi ko alam pero napangiti ako sa kanila. Tama ang sinabi ni Sasha kailangan naming i-prove sa kanyang deserved namin ang solo prod. Kaya gagawin ko ang lahat mamaya sa solo production ko. Bigla nawala ang kabang nararamdaman ko kanina at pumalit ang saya sa aking puso. Ready na ako. Handa na ako magpakitang gilas sa may-ari ng bar na 'to. Kahit hindi namin alam kung anong itsura man lang niya. Tinawag na ako ni Mamu para sa aking dance pole. Nakangiti ako habang sumasayaw sa gitna ng stage. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang boss namin pero handa akong ibigay lahat sa araw na ito at susunod ko pang solo prod para patunayang deserved ko ito. Pagkatapos kong sumayaw, malalakas na hiyaw ang aking narinig mula sa mga customer namin at isama mo pa ang mga malalakas nilang palakpakan. Binigay ko ang lahat-lahat na mayro'n ako ngayon, sana naipadala ko sa may-ari nito ang willingness ko sa pagsasayaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD