Nakatunganga ako rito habang nakatingin sa laptop ni Mariel. Hiniram ko ito para tumingin sa website ng Maravilla's University. Hanggang ngayon down pa rin ang website nila!
Parang need kong pumunta talaga sa mismong campus nila para magtanong about sa enrollment ng mga first year.
“Ate Gizzy, ayos ka lang po ba?”
Napatingin ako kay Mariel, nakita kong may hawak siyang bowl na may lamang mangga. Saan galing ang mangga?
“Bigay po ng classmate ko, ate, itong mangga na 'to. Umuwi raw po kasi ang magulang niya sa probinsya, marami raw silang ganito kaya binigyan niya po kami.”
Eh? Hindi pa naman ako nagtatanong, ha? Nababasa niya isip ko?
“Ate Gizzy, malakas po ang pagkakasabi niyo at halata po sa mukha niyo, nakatingin po kayo sa hawak ko, e.” ani niya sa akin. “Gusto niyo rin po ba? Lagyan ko po kayo sa platito.”
Nagulat akong bumalik siya sa kusina at nakita kong may bitbit na rin siyang platito. Nilagyan niya ako ng mangga.
“Thanks!” saad ko sa kanya at kumagat ng isang pirasong mangga na siyang pagka-asim ng mukha ko. “Ang asim!” asik ko.
Nagising yata ako dahil sa kinain ko.
Narinig ko ang pagtawa ni Mariel sa akin. “A-ate, kaya nga po naglagay ako ng asin sa gilid ng platito niyo!” Natatawa niyang saad pa rin sa akin.
Nawala ang pagka-antok ko dahil sa website ng Maravilla's University. Gising na gising na ang isipan ko.
“Ano po bang ginagawa niyo, ate Gizzy?” Tumabi sa aking pagkaka-upo si Mariel at tinignan ang screen ng laptop niya.
“Naghihintay ako sa website ng University na ito. Down pa rin kasi!” ani ko at tinuro ang nasa screen.
“Ano po ba ang titignan niyo d'yan? Bakit hindi na lang po kayo pumunta sa mismong campus nila?” pagtatanong niya sa akin at kinagatan ang manggang hawak niya.
“Titignan ko kung nag-o-offer sila ng scholarship at kung may major na Filipino sa kanila. May nabasa kasi akong wala raw silang major na Filipino sa Education course nila.” Sinawsaw ko ang manggang hawak ko sa asin at kinagatan ito.
“Ah.” tumango-tango siya sa akin. “Pero, 'te Gizzy, mukhang maghapong down ang website nila. Kung saglit lang kasi ang pagka-down ng website nila dapat thirty minutes lang, bumalik na dapat sa rati. Ilang oras ka na ba naghihintay?” pagtatanong niya sa akin at saka siya umayos ng pagkaka-upo.
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Ilang oras na ba akong nakatanga sa screen ng laptop?
Tinignan ko si Mariel at nagkibit-balikat sa kanya. “Hindi ko na alam kung ilang oras na akong naka-abang.” sukong sabi ko sa kanya.
“See? Puntahan niyo na lang po bukas. Friday pa lang naman po bukas, ate Gizzy!” suhestiyon na wika niya sa akin. “Akyat po muna ako sa k'warto, ate, may need pa po akong tapusin na assignment.”
Tinignan ko si Mariel hanggang mawala siya sa aking paningin.
Napa-isip ako sa sinabi niya. Puntahan ko na nga lang bukas ang MU, medyo malayo kasi niyong University na 'yon, dalawang sakay pa bago makarating doon. Buti pa ang Carter's University isang jeep lang.
Inexit ko na ang tab sa laptop ni Mariel at shinut-down ito. Pupunta na lang ako bukas para mag-inquire.
TAGAKTAK na ang pawis ko, hindi pa rin ako makasakay ng jeep papuntang Maravilla's University. Walang jeep sa terminal, halos lahat daw ay pabalik pa lang dahil sobrang rami raw ang papunta sa MU.
Marami rin siguro mag-i-inquire dahil sa pagka-down ng website nila kahapon. Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking sintido at nagpaypay gamit ang aking panyo.
Matagal pa ba? Kung p'wede lang lakarin papunta roon, e. Pero, tirik na tirik ang araw ngayon kahit alas-diyes pa lang ng umaga.
Napapitik ako sa aking isipan ng may makitang dalawang jeep na papasok dito sa terminal.
Thanks, God!
Naka-upo ako sa bungad ng jeep, buti na lang eksakto ako sa pangalawang jeep na dumating kanina. At, mukhang lahat kaming nakasakay rito ay papunta sa Maravilla's University.
Marami-rami rin ang may gustong mag-aral doon. Ikaw ba naman na gustong makita ang sikat na quadruplets na Maravilla kahit graduate na sila two years ago, pero, ang dalawa sa apat ay nagtuturo bilang professor and instructor sa campus na iyon. Kaya paniguradong sila ang pakay ng mga nag-e-enroll ngayon.
Tama nga ang hula ko ng dumating sa tapat ng Maravilla's University, halos maubos ang tao sa loob ng jeep.
Tiningala ko ang University, mas malaki ito kumpara sa Carter's University. Sa exterior pa lang magkaibang-magkaiba na talaga ang dalawang University na. Mas modern ang design nito kumpara sa magkabilang University.
Pumasok na ako sa loob, malawak ang na bermuda grass na agad ang bumungad sa akin. Malawak na field at sa gilid nu'n ay may pathwalk at sa taas nu'n ay may bubong para panangga sa mainit na sikat na araw. May mga sign board ang nakalagay kung saan ang mga office and course para 'di ka maligaw which is good para sa mga newbie na katulad namin.
Sinunod ko ang sign board kung nasa'n ang Registrar Office nila, lumiko ako sa kanan at may isang building doon, iyon na ang Registrar office nila.
Malaki-laki ang loob ng building, sa bungad pa lang nu'n ay may mga nag-a-assist na sa amin. Binigyan nila kami nang mahabang pamphlet kung nasa'n ang mga course na mayro'n sa University nila.
Binuklat ko agad iyon at hinanap ang Education course, inisa-isa ko ang major na mayro'n sa kurso na niyon pero gano'n na lamang ang pagkadismaya ko ng makitang walang Filipino na ino-offer sila.
Ito na ba ang sign para sa akin na, hindi ako rito mag-e-enroll. Down ang website nila kahapon at ngayon naman wala talaga silang ino-offer na Filipino major sa Education course nila.
Napayuko na lang akong napa-upo rito sa school bench nila. Halos trenta minuto akong naghintay ng jeep papunta rito at sobrang init pa kanina tapos wala ang gusto kong major.
“Hay!” Napabuga na lang ako dahil sa nangyayari sa akin.
Kailangan ko ng umuwi, wala na rin naman saysay kung maghihintay pa ako. Tumayo na ako at lumabas na sa campus. Sa Carter's University na ako mag-e-enroll, ang kailangang gawin ko na lamang ay gumawa ng account sa website ng CU at mag-enroll.
Tumawid ako sa kabilang kalsada at naghintay ng jeep na dumaan. Nang may dumaan na jeep agad na rin akong sumakay sa tabi ni kuya driver. Pagkarating sa terminal ay naglakad pa ako ng limang minuto para sumakay ulit ng jeep papunta sa lugar namin. Buti na lang 'di na ako gaanong naghintay dahil may dumaan agad na jeep.
Bumaba ako sa may tapat ng isang fast-food chain, bibili na lang ako ng magiging tanghalian namin. Pumasok ako at umorder ng isang bucket chicken and tatlong coke float pagkatapos 'yon ay nag-traysikel na ako papunta sa bahay namin. Pagod na akong maglakad sa init ng araw.
“Ang aga mong naka-uwi, ate Gizzy!” gulat na gulat na sabi ni Mariel sa akin ng makita niya akong napa-upo sa may mahabang sofa.
Nailapag ko ang binili ko sa sala table namin at tinanggal ang suot kong flat sandals, tinabi ito sa gilid.
“Wala ngang Filipino major sa Maravilla's University, Mariel.” saad ko sa kanya at sumandal.
Nakita kong lumakad siya at dinala ang binili ko sa kusina. Napapikit na lang muna ako habang ninanamnam ang hangin na binibigay ng electric fan sa akin.
“Ate, tubig, oh?”
dinilat ko ang isang mata ko at nakita ko si Mariel na may hawak na isang basong tubig. Kinuha ko ito at inisang lagok ang malamig na tubig na binigay niya sa akin.
“Magpalit ka muna ng damit mo, ate. Pawis na pawis ka, e. Mukhang pati ang likod ng damit mo ay pawis na rin, ate. Maghahanda na lang muna ako para pagbaba niyo po kakain na rin.” Nakangiting wika niya sa akin at kinuha ang basong hawak ko.
Bumalik na ulit siya sa kusina at ako ay sinunod ang sinabi niya. Kailangan ko na ring magpahinga at bukas ay may pasok na ulit ako.
Buo na ang desisyon ko sa Carter's University na ako mag-e-enroll.