CHAPTER 14: Adult Toy

1615 Words
ISANG LINGGO na lang pasukan na. Handa na akong pumasok at maging isang first year college student this year sa Carter's University. “Ate Gizzy, maayos na po ang lahat ng mga gamit namin para sa susunod na linggo! Ang bilis ng araw natapos na agad ang summer!” Nakita kong binitbit ni Ariel ang backpack niya. Maayos na iyon ayon sa kanyang sinabi. “Grade 12 ka na Mariel at ikaw naman Ariel Grade 11 na this year. Isang taon na lang din mag-ka-college na si Mariel kaya lalo kong kailangan mag-ipon para sa ating lahat.” Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa. Noong grumaduate si Ariel, umakyat ako ng dalawang beses sa stage dahil siya lang naman ang nakakuha ng mataas na grades sa buong year level nila. Hindi nila ako binigo parehas. Kaya nang summer, nag-outing talaga kami sa La Union beach para sa rewards nila, nagsumikap kasi silang mag-aral ng buong taon kaya deserved din nilang makapag-outing. “Lalo pa naming gagalingan this school year, ate Gizzy! Hindi namin sasayangin ang pagtatrabaho niyo po kaya susuklian namin lahat ng sakripisyo niyo sa amin!” Napangiti ako sa sinabi ni Mariel at ginulo ang buhok niya. “Magandang grades lang ang gusto ko, Mariel and Ariel. At, paniguradong gano'n din ang gusto ni tita Jenny para sa inyong dalawa. Gusto niyang makapagtapos kayo at maabot niyo ang pangarap niyong dalawa.” “Pangako, ate!” “Oo naman po, ate Gizzy!” Sabay nilang sabi sa akin at niyakap nila akong pareho. Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa sofa, “Maaga kaming aalis ngayon ng ate Toni niyo, ha? I-lock nang husto ang mga pinto, Mariel at Ariel. Patayin ang gas stove kapag matutulog na at lalong-lalong bunutin ang saksakan ng mga appliances na hindi ginagamit.” bilin ko sa kanilang dalawa. Sabay naman silang sumaludo sa akin. “Yes!” Tumango ako sa kanila at pumanik na sa itaas, sa k'warto ko. Kailangan namin maaga dumating sa bar, may sasabihin daw kasi si Mr. Phil sa amin. Baka ipapakilala sa amin ang mga bagong female entertainer, nag-hire raw ulit sila dahil may mga umalis na raw dahil sa mga customer naming na naging boyfriend nila. Nakita kong umilaw ang cellphone kong nasa ibabaw ng side table, naka-charge ito. Nilapitan ko ito at inaakalang full charge na pero napa-ismid ako ng makita ang unknown number na nakapaskil sa phone ko. Siya na naman. Iyong lalaking kumukulit sa akin ilang linggo na ang nakakaraan. Tinanggal ko na sa pagkaka-charge ang phone ko. Need ko na rin kasi umalis, dadaanan ko na lang si Toni sa kanila. Nawala ang tawag, kinuha ko ang phone ko sa side table pero gano'n na lang ulit ang pagkagulat ko ng umilaw ulit ito at nag-appear na naman ang cell number niya. Hindi ba siya nagsasawa sa salitang ‘ayoko’. Ilang beses ko na siyang dina-down sa mga alok niyang lumabas kami after ng work ko. Pero, wala yata sa bokabolaryo niya ang salitang 'yon. Hindi ko pinansin ang tawag niya, nilagay ko na lang agad iyon sa dala kong small backpack. Dali-dali akong bumaba, kinuha ko sa shoe rack namin ang sneakers kong off-white. “Mariel, aalis na ako, ha? Iyong bahay, ha? 'Wag magpapapasok kung hindi naman kilala, okay?” bilin ko sa pinsan kong nakatutok sa television ngayon. “Opo, ate Gizzy! Ingat po kayo!” saad niya sa akin na hindi inaalis ang tingin sa tv-ng nasa harapan niya. Napailing na lang ako sa kanya. Gumawi muna ako sa kusina at kinuha ang stainless tumbler ko sa refrigerator, saka na ako lumabas papunta sa bahay nila Toni. Pagkarating ko sa tapat ng gate nila ay naka-isang doorbell lang ako ay agad din siyang lumabas. Gumaganda na ang bahay nila hindi katulad ng dati, si Toni kasi ang nagpapagawa ng bahay nila. Mabuti na nga lang 'di siya pinipilit ng boyfriend niya na umalis sa bar. “Hi, Gizzy! Sorry na-late ako ng gising.” Kakamot-kamot na wika niya sa akin. Malapit kasi sa dulo ng street ang bahay nila at kapag palabas ng barangay namin, mauuna ang bahay namin sa kanila kaya siya ang madalas na dumaan sa amin. “Ayos lang 'yon! Tara na?” Ngiting sabi ko sa kanya at lumakad na kami – nag-shortcut na lang kami palabas ng barangay. May daan din naman dito. “Ilan daw ang nakuhang bagong female entertainer?” pagtatanong ko sa kanya. Nandito na kami ngayon sa tapat ng convenience store, hinihintay na lang namin ang grab car na pina-book ni Toni. “Naki-tsismis nga rin ako kay Mamu pero witchikels daw niya. Hindi naman daw siya ang nag-aalaga sa mga female entertainer kaya 'di rin niya knows kung ilan ang natanggap.” Pinakita pa ni Toni ang palitan nila ni Mamu ng chat sa isa't-isa. “Siguro marami ang na-hire ni Mr. Phil. Marami raw kasing umalis sabi ni Kelly...” saad ko sa kanya at nakita namin ang grab car na binook niya. Pumasok kami sa loob ng backseat at saka umandar na ulit ang kotse. “Baka, lagpas sampu raw nagresign.” saad niya at nagkibit-balikat sa akin. “Hindi ko alam sa kanila ba't nagreresign sila. Hindi naman sila sure na hindi sila iiwan ng mga jowa nila. Sayang ang datung, ano!” dagdag na sabi niya sa akin at napailing na lang. Napalingon ako kay Toni ng tapikin niya ako. “Kaya ikaw kung may makikipag-date sa'yo, kilalanin mo muna. At, kapag pinapaalis ka sa bar 'wag kang papayag. Kasal muna bago resign para sure niyong pera sayo.” Napatitig na lang ako sa kanya at walang sinabi. Gano'n ba dapat? “By the way, kinukulit ka pa rin ba ng customer mo?” Tumango ako sa sinabi ni Toni sa akin. “Makulit nga, e. Ilan beses ko na nilalagay sa blacklist ang phone number na ginagamit niya pero hindi pa rin siya tumitigil.” sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone sa small backpack na ginamit ko. Nakita ko roon ang 8 misscalls mula sa iisang number lang. Pinakita ko ito kay Toni. “See? 8 misscalls. Sa kanya lahat niyan.” bagot na sabi ko sa kanya. Napailing siya sa akin. “Mukhang hulog na hulog ang customer na iyon sayo, Gizzy. Pero, sigurado ka bang sa kanyang number niyan?” pagtatanong niya sa akin. Hindi ako nag-aksaya ng minuto para tumango agad sa kanya. “Mm-hmm... Wala naman na magtetext o tatawag sa akin. Kayo lang naman ang may alam ng number ko at kung ibang workmate natin 'yon, magtetext niyon sa akin para magpakilala sila na sila ang tumatawag pero ang number na ito ay never nagtetext. Wala rin naman akong pinag-uutangan.” sagot ko sa kanya at binalik ang cellphone ko sa aking bag. “Mukhang iba na ang tama sa'yo ng isang iyan, Gizzy!” Iling na saad niya sa akin kaya napatango ako sa kanyang sinabi. Dumating kami sa bar. Naghati kami sa pamasahe namin ni Toni at saka pumasok sa loob. Pagkarating namin sa loob ng bar, nandoon na ang ibang nagtatrabaho, mga bartender, waiter/waitress, janitor/janitress, bouncer, security guard, dancer, female entertainer and mga back office na nagwowork din dito. “Hi, Sasha and Zoe!” bati ko sa kanilang dalawa at umupo sa tabi ni Zoe. “Late ka yata ngayong dumating?” takang tanong sa akin si Zoe. Napangiti na lang ako sa kanya. “Maaga lang kayong dumating.” saad ko sa kanya. Ilang minuto lamang ng lumabas na si Mr. Phil kasama ang secretary niya. Maging sina Mamu at ang nag-aalaga sa mga female entertainer ay kasama roong nakatayo sa may stage. Nag-umpisang magsalita si Mr. Phil upang ipakilala ang mga bagong pasok sa bar na ito. Hindi lang pala sa female entertainer ang hiring, maging sa waiter ay naghanap sila ng tatlong bago. Pagkatapos ng announcement ni Mr. Phil ay pinabalik na rin nila kami sa mga dressing room namin. Malapit na kasi mag-open ang bar. “Ginugulo ka pa rin ba ng customer natin, Gizzy?” Napatingin ako kay Zoe ng makitang nakatingin siya sa cellphone ko. Blinock ko na naman kasi ang number ng stalker na iyon. Tumango ako sa kanya. “Heto nga, oh, kaka-block ko lang ulit sa number niya.” saad ko sa kanya. “Grabe rin niyang customer mo, ano? Avid fan mo yata kahit ilang beses mo ng ni-reject, nagpaparamdam pa rin sa'yo.” Napatawa naman ako sa sinabi ni Sasha. “Girl, kung avid fan lang din ang usapan. Mga stalker mo na iyon, Sasha! Grabe kaya mga avid fan mo kung ano-ano binibigay sa'yo.” Sabay kaming napatawa ni Zoe sa aking sinabi. “Naalala ko na naman ang adult toy na niregalo sa kanya. Akala ko laruan ng aso!” Tumango ako sa sinabi Zoe at nag-apiran kaming dalawa. Laughtrip talaga niyon! “Pero, infairness, ang ganda ng adult toy na binigay niya sa akin. Umiilaw pa at nagpapalit-palit pa ang ilaw. Tinago ko nga 'yon baka magamit ko 'yon in the future!” Natatawa niyang sabi sa amin. “Pero, why not na pumayag ka sa alok niya, Gizzy! Para tumigil na siya kakakulit sa'yo. Siguro naman one date lang ang kailangan niyon at ang gawin mo ay tablahin mo para siya na ang kusang tumigil kakaaligid sayo.” Napaisip ako sa sinabi ni Sasha sa akin. “Oo nga, ano? Para siya na ang kusang tumigil kakatawag. Thank you sa advice, ha?” “Wala niyon. Ako na ang naaawa sa'yo! Paniguradong puno na niyang blacklist mo sa phone mo!” Napangiwi ako. Puno na nga yata dahil sa mga number niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD