CHAPTER 15: Love at First Sight

1454 Words
BINIBIGAY ko ang lahat ng makakaya ko ngayong sabado sa prod ko. Ginawa ko ang outside leg hang, elegantly akong nakapose habang nakatingin sa harap. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang saya sa aking ginagawa. Nag-slide ako pababa sa bar pole at umikot doon. Umakyat ulit ako at ginawa ko naman ay ang straddle V, nakahugis letter V ang paa ko sa ere habang ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa bar pole, nakangiti ako sa mga manonood ng may mahagip ang aking mga mata. Kumikinang ang buong paligid niya at tanging siya lang nakikita ng mga mata ko ngayon. Kahit madilim sa buong bar at tanging makukulay na ilaw ng disco bar ang mayro'n dito, kitang-kita sa aking p'westo ko paano siya kuminang sa aking mga mata, parang may sparkling stars na nakalibot sa kanya. Gwapo, maputi ang kanyang balat at bakat na bakat sa kanyang suot na polo ang kanyang muscles. Napalunok ako rito pero hindi ko hinayaang mawala ang atensyon ko sa aking pagsasayaw sa entablado. Habang sumasayaw ako at ginagawa ang aking stunt sa bar pole, hindi nawala ang tingin ko sa kanya. Iba na yata ito, Gizzy. Hanggang matapos akong sumayaw nasa kanya lang nakatuon ang aking atensyon. s**t! Maging ang pagbalik ko sa dressing room ay hindi nawala ang hulma niya sa aking isipan. “Good job, Gizzy!” Napalingon ako ng may tumapik sa aking braso at nakita ko si Sasha na nakangiti sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Salamat! Goodluck, Sasha!” balik ko sa kanya. Nag-thumbs up lang siya sa akin at lumabas na siya ng dressing room. Siya na kasi ang susunod sa akin. Tumitig ako sa salamin dito sa dressing room. Hindi pa rin talaga mawala ang lalaking niyon. Ang tinatanong ko lang sa isipan ko ba't ngayon ko lang siya nakita. Regular customer ba namin siya? “Uy, Gizzy, ayos ka lang ba?” Napakurap ako ng pumitik sa harapan ko si Zoe. “Kanina ka pa nagsasalita. Anong problema mo? Nakakagawa ka na'ng weird face habang nakatingin d'yan sa salamin. Sino ba tinutukoy mong regular customer?” nagtatakang tanong niya sa akin. Tumingin ako kay Zoe at pinaglapat ang noo ko sa table rito. “Habang sumasayaw ako kanina, Zoe, may nakita akong lalaking naka-blue and white polo shirt sa may east side ng bar. Ngayon ko lang siya napansin dahil pagtingin ko sa kanya, kumikinang siya sa mga mata ko!” bulalas ko sa kanya. Tinapik ko nang mahina ang aking magkabilang pisngi. “Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, Zoe! Bigla na lamang may lumabas na kumikinang na star sa paligid niya! T-tapos huli ko nang malaman na... Na iyong lalaking nangungulit sa akin ay i-iyon 'yong lalaking nakita ko kanina, Zoe! Anong gagawin ko?” usal kong tanong sa kanya at hinawakan ko pa ang kanyang kamay para tulungan niya talaga ako. Nakatitig ako sa mga mata ni Zoe at nagpapaawa na tulungan niya ako. “Hay, Gizzy!” Buntong-hiningang sabi niya sa akin. Napailing siya sa akin. Hindi ko pa rin kasi inaalis ang tingin ko sa kanya. “Binusted mo na ba siya?” pagtatanong niya. Napakurap ako sa kanyang sinabi. Agaran din naman akong umiling sa kanya. “Nope, hindi ko nga sinasagot o nagrereply sa mga text niya sa akin. Diretso blacklisted ang number niya sa phone ko, Zoe!” Exhausted kong saad sa kanya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! “Hindi naman p'wedeng bigla ko na lang sagutin ang tawag niya, 'di ba? Baka magtaka siya agad kung ba't ko na siya papansinin na! Anong gagawin ko, Zoe?” ani ko sa kanya at niyugyog ang magkabilang braso niya. “Te-teka, Gizzy! P-paano ako makakapag-isip kung niyuyogyog mo ako!” Awat na sabi sa akin ni Zoe at nilayo niya ako sa kanya. Inayos niya ang suot niyang damit na aking nagulo. “Sorry, Gizzy! Hindi ko talaga alam kung ano talaga gagawin ko, e!” Hingi ko ng paumanhin sa kanya at yumuko pa. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Nilagay niya ang kanyang kamay niya sa kanyang baba at mukhang nag-iisip siya. “Hmm... What about magkita kayo in person, Gizzy? Iyon lang naman ang choice mo, e. Kung magkikita kayo malalaman mo talaga ang nararamdaman mo sa kanya at kung may spark ka pa rin bang makikita sa kanya once na lumabas kayong dalawa.” suhestiyon niya sa akin. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Iyon lang ba ang paraan ko? Para malaman ko kung may spark pa rin bang nakapalibot sa kanya? “Wala na ba akong isa pang pagpipilian, Zoe?” Pagtatanong ko sa kanya. Parang hindi ko kasi kayang makipag-meet sa isang iyon kung hindi ko naman pinapansin ang mga tawag niya sa akin. Anong mukhang ihaharap ko sa kanya? Alam ko namang maganda ako pero anong sasabihin ko sa kanya kung ba't ko ginusto magkita sa kanya after kong 'di pansinin mga calls niya sa akin. “Huwag kang mag-alala, Gizzy! Sasamahan ka namin kapag nakipag-meet-uo ka na sa kanya. Alam naman naming wala ka pang experience sa mga gano'ng bagay, eye ball.” Hinawakan ni Zoe ang kamay ko. “Huwag kang kabahan, okay? Alam ko niyang nararamdaman mo, Gizzy, iniisip mo kasi kung anong sasabihin mo sa kanya after mong 'di pansinin mga calls niya sayo. Common lang niyon sa ating mga babae na hindi pa gaanong lubusang kilala ang isang tao kaya nga need mo na siyang kitain, e, para mapagkakilalan na kayong dalawa.” Mahabang paliwanag niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at saka napaisip sa kanyang sinabi. So, hindi mali ang ginawa kong pang-ignore sa calls niya? “Oh, siya, Gizzy, una na ako sa'yo!” Tumayo siya. “Maya na ulit tayong mag-usap o 'di kaya mag-ask ka rin ng payo kay Sasha. Time ko na para magperform!” saad niya sa akin at tinapik ang aking braso. “Salamat, Zoe! Goodluck!” Malakas na sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Nang mawala siya sa aking paningin, bumalik ang tingin ko sa salamin. Need ko rin bang humingi ng payo kay Sasha? Waah! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Bakit kasi need kong makita niyon. Ang kumikinang na mga butuin sa paligid niya! “Huy, ayos ka lang? Sabi sa akin ni Zoe namomoblema ka raw about sa lalaking nangungulit sayo?” Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Sasha na kababalik lang sa dressing room. Nakasuot na siya ngayon ng jacket. Umupo siya sa silya ni Zoe. “Ano bang tsismis mo?” pag-uusisa niya sa akin. Huminga muna ako nang malalim at saka tinitigan si Sasha. Sinabi ko lahat sa kanya ang sinabi ko rin kay Zoe. “Anong gagawin ko, Sasha?” huling sabi ko sa kanya pagkatapos kong ipinaliwanag ang lahat-lahat. “'day, na-love at first sight ka, Gizzy!” Nakangiting saad niya sa akin at tinusok pa niya ang kanang pisngi ko. “Na-inlove ka sa lalaking hindi mo pinapansin.” Pang-aasar pa niya sa akin. “Sasha naman!” Naiirita kong sabi sa kanya dahil panay tusok niya sa aking pisngi, sumasapol pa roon mismo sa dimple ko. “Grabe naman niyong pagkinang na nakita mo, Gizzy! Puro dim lights kaya ang mayro'n sa bar tapos nakita mo pa talaga siya, sa rami ng mga customer natin siya agad ang nakita mo at pinalilibutan pa siya ng mga kumikinang na bituin sa mga mata mo, Gizzy! Para kang nasa teleserye, Gizzy! Ikaw ang bidang na-love at first sight sa lalaking hinahabol ka, naks! How to be you po?” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Sana hindi ko na lang sinabi sa kanya. Inaasar na tuloy niya ako. “Sasha, anong gagawin ko?” hingi ko ng tulong sa kanya. “Just go with the flow, Gizzy! Mismong mga mata mo na ang nagsasabi sayo kung anong gagawin mo! Sundin mo na lang... Tama naman niyong sinabi ni Zoe sayo, i-meet-up mo siya para malaman mo talaga kung may sparkle star pa rin sa kanya kapag nagkita kayo, face to face.” ani niya sa akin at inayos ang kanyang buhok. PAGKARATING ko sa bahay. Humiga agad ako at tinignan ang phone ko. Nakita ko na naman doon ang unknown number sa screen ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Wala naman sigurong mawawala kung magkikita kami, 'di ba? Kailangan ko talagang malaman kung may sparkle pa rin ba sa kanya once na magharap kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit nagtitipa na itong mga kamay ko sa number na tumawag sa akin kanina. “Hi, I'm Gizzy, p'wede ba tayong mag-meet in person?” Message sent. Wala ng atrasan ito, Gizzy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD