CHAPTER 4: Bagong Problema

1527 Words
“Gizzy,” Napalingon ako ng marinig ang boses ni tita Jenny. Busy kasi ako ngayon sa assignment ko. Last year ko na sa senior high kaya need kong mag-focus. Halos apat na taon ang nakakaraan ng mawala sina Mama at Papa sa akin, maging ang angel na baby namin. Unti-unti na rin akong nakakapag-move-on dahil na rin sa tulong nila tita Jenny. Si tita Jenny na ang tumatayong magulang ko at siya rin ang nagsabi sa aking kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa dahil wala ng tutulong sa akin, kung 'di ako mismo. Sarili ko lang mismo. Nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ko ang pagkamatay nila Mama pero ginawa ko itong sandata para lalong maging malakas at maging matagumpay in the future. Tutuparin ko ang pinangako nina Mama at Papa sa akin. Hindi ko rin sasayangin ang mga inipon nilang pera sa pag-aaral ko. Gagawin ko ang lahat para maging teacher sa hinaharap. “Gizzy!” Narinig ko na naman ang pangalan ko kaya tumayo na ako at lumakad papuntang kusina. “Bakit po, tita Jenny?”tanong ko sa kanya ng makarating ako. Nakita kong nag-aayos siya ng mga order sa kanyang ukay-ukay. Ito pa rin kasi ang business ni tita Jenny dito kami kumukuha ng pang-araw-araw namin at maging ang upa-ng binabayad sa bahay nila tita Jenny. Iyon lang ang nagiging income namin. Ayaw naman ni tita Jenny na mamasukan akong waitress sa isang fast-food chain baka raw kasi ma-apektuhan ang pag-aaral ko. “P'wede mo ba itong i-abot kay Mrs. Juanez, iyong sa kabilang street. Sampung maong pants niyan and benteng summer dress ang inorder niya sa akin. Mag-traysikel ka na lang, Gizzy, dahil mabigat ang mga ito. Marami pa kasi akong aasikasuhing orders.” saad niya sa akin at tinuro ang isang sako. Tumango ako kay tita Jenny. “Sige po! Bayad na po ba ito, tita?” pagtatanong ko sa kanya. Hindi na ako tumanggi sa utos niya. Kita ko kasing nag-aayos pa siya ng ibang orders. Marami sigurong nag-mine kagabi sa live niya, nakatulog na kasi ako dahil sa pagod. Sobrang hectic maging graduating student. Nakaka-drain ng utak. “Oo, Gizzy, bayad na ang mga iyan. Nag-advance p*****t siya sa akin.” saad ni tita Jenny sa akin habang inaasikaso ang paglagay ng mga order sa may supot. “Sige po, tita Jenny, tatawag lang po ako ng traysikel sa labas.” ani ko sa kanya at lumabas na sa kusina. After kong makatawag ng traysikel, binuhat namin ni tita Jenny ang sako at binayaran na rin ni tita ang traysikel driver papunta kila Mrs. Juanez at pabalik sa amin. Hindi ko alam pero parang pumapayat lalo si tita Jenny. Halata sa mukha niya ang pagkakaroon niya ng bawas sa timbang. Hindi ko lang maitanong sa kanya kung anong dahilan niyon. Ang iniisip ko kasi ay kulang siya sa tulog dahil sa pag-aasikaso ng ukay-ukay niya. Wala pang tatlong minuto dumating na kami sa tapat ng bahay ni Mrs. Juanez, tinulungan ako no kuyang traysikel driver – siya na ang nagbuhat ng sako. Pagkatapos din niyon ay bumalik na rin kami sa amin. “Salamat po, kuya.” saad ko sa traysikel driver at saka pumasok sa loob ng bahay. Wala pa ang mga pinsan ko. Busy siguro sila sa school kaya hanggang ngayon hindi pa sila nakakauwi. “Tita Jenny, nahatid ko na po– para saan po niyan?” nagtatakang tanong ko sa kanya na makita ang pag-inom niya ng gamot. Tinago niya agad ang isang banig na gamot niya sa kanyang likuran. “N-nandyan ka na pala, Gizzy. Nahatid mo ba nang maayos ang mga order ni Mrs. Juanez?” Ngumiti siya sa akin at tumalikod. Iniiba niya ang usapan. “Tita, para saan po niyong gamot na iyon?” pagtatanong ko ulit sa kanya at hindi pinansin ang sinabi niya kanina. “Vitamins ko niyon, Gizzy. Sinabi ko naman na sayo ang tungkol doon.” sagot niya sa akin. Tinignan ko siya hanggang makabalik siya sa dining table namin at umupo roon sa silya. “Nag-iba na po ba ang vitamins niyo? Hindi po kasi gano'n ang gamot noong una ko po kayong nakitang uminom.” nagtatakang sabi ko sa kanya. Alam kong nagsisinungaling siya sa akin. Humarap si tita Jenny at tumango siya. “Generic kasi itong nabili ko, Gizzy.” She lied. Ngumiti na lang ako kay tita Jenny. “Gano'n po ba? Sige po, balik na po ako sa sala.” KINAGABIHAN, naging tahimik ako habang kumakain kami ng hapunan. Pasulyap-sulyap akong tumitingin kay tita Jenny at ramdam ko ang kaba niya. After naming kumain, ako na ang nag-volunteer na maghugas ng mga pinggan. Tinulungan naman ako ni Mariel, siya ang nagsalansang ng mga pinggan after ko itong mahugasan. Nang makasigurong nasa taas na si tita Jenny, kinuha ko ang lalagyan ng gamot niyang nakatago sa may cabinet, nasa pinakadulo ito at parang ayaw niya talagang makita namin. Kinuha ko ang gamot na nakita ko kanina. Pinicturan ito at binalik din sa lalagyan. Kailangan kong malaman kung vitamins talaga ang gamot na ito. “Ate Gizzy para saan po iyan?” tanong sa akin ni Mariel ang tinuro ang pictures ng gamot na kinuhanan ko. “Need ko sa project ko, Mariel. Tara, akyat na tayo!” Ngiting yaya ko sa kanya at pinatay na namin ang ilaw rito sa kusina. Sinearch ko agad ang tungkol sa gamot na ito. Gano'n na lamang ang gulat sa aking mga mata ng makitang para ito sa lung cancer. Lung Cancer... Kailan pa? Hanggang kailan niya itatago ito sa amin? KINABUKASAN, hinintay kong makapasok ang mga pinsan ko sa school. Halos hindi ako makatulog ng malaman ko kung para saan ang gamot na ininom ni tita Jenny. “Gizzy, hindi ka pa ba papasok?” Tumingin siya sa wall clock na mayro'n dito sa kusina. “Anong oras na baka ma-late ka sa first class niyo.” “Tita Jenny, hanggang kailan niyo po itatago sa amin ang tungkol sa sakit niyo?” bungad na sabi ko sa kanya. Napahinto siya sa kanyang pagsusulat. Binaba niya ang ballpen na hawak niya at tumingin sa akin. “A-anong sinasabi mo, Gizzy?” “Tita... Huwag niyo na po itago ito sa akin. Tungkol sa sakit niyo. Tungkol sa lung cancer niyo.” saad ko sa kanya. “Hanggang kailan niyo itatago sa amin ang tungkol sa sakit niyo? At, kailan pa po ito?” sunod na tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Paano mo nalaman?” “Kahapon po. Tinignan ko iyong balat ng gamot niyo po, tita Jenny. Kaya po pala pumapayat kayo, akala ko dahil lamang sa pagpupuyat niyo para sa mga order ng kliyente niyo. May magagawa pa naman po tayo, 'di ba, tita? Gagaling pa po kayo sa cancer niyo?” Lumapit ako sa kanya ng hindi siya agad makasagot sa aking tanong. Hinawakan ko ang kamay niya. “Tita Jenny, gagaling pa po kayo, 'di ba po?” ulit na tanong ko sa kanya. Yumuko siya at narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. “Stage 3 na ang sakit ko, Gizzy.” Nabitawan ko ang kanyang kamay at napatulalang tumingin sa kanya. “P-pero... Nagsisinungaling lang po kayo tita! P-paano po sila Mariel? Paano po kami, tita Jenny? K-kayo na lang po ang mayro'n kami!” Napahikbi ako sa aking narinig. Hindi p'wede. Hindi maaari. Pagkatapos sina Mama at Papa, si ate Jenny naman ang kukunin sa amin. “Baka po may magagawa pa po tayo? Second opinion po? Operation or any treatment?” suggestions kong sabi sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung mawawala pa si tita Jenny sa amin. Umiling siya sa akin. “Wala ng magagawa ang mga niyon. Ang tanging magagawa ko na lamang ay mabuhay ng anim na buwan kasama kayo.” Tuluyang tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina pa. “A-anim na buwan po? M-may taning na kayo?” nanginginig na tanong ko sa kanya. Tumango siya sa aking sinabi na siyang lalo kong pagkahagulgol. “B-bakit hindi agad sa amin sinabi, Tita? Hanggang kailan niyo ililihim ito k-kapag isang buwan na lang ang mayro'n po kayo?” Tumayo si tita Jenny sa kanyang pagkaka-upo. Niyakap niya ako nang mahigpit. “Hindi ko kayang sabihin sa inyo, Gizzy, sa mga anak ko ang kalagayan ko. A-alam kong sa akin kayo humuhugot nang lakas niyo kaya ayokong mawala niyon...” “Hindi po ba nawala ngayon, tita? Tita Jenny, ang daya naman... Limang taon pa lang ng mawala sina Mama at Papa, bakit pati kayo... Bakit pati kayo kailangan mawala rin sa amin! Sobrang unfair naman nito!” Napasinghot ako ng maramdamang may tutulo sa aking ilong. Mukhang hindi na ako makakapasok nito dahil sa nalaman ko. “Pakiusap, Gizzy, huwag mo muna sabihin sa mga pinsan mo. Ako mismo ang magsasabi sa kanilang dalawa ang tungkol sa sakit.” Napatingin ako kay tita Jenny at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya wala akong nagawa kundi tumango sa kanyang sinabi. “O-opo,” sabay subsob ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD