Chapter 8

2204 Words
Kinabukasan ay naging maganda na ang pakikisama sa akin ng mga ito na parang walang nangyari sa pagitan namin ni Shiela. Kung bumati sila sa akin ay parang regular na empleyado na ako. Pero pinakiramdaman ko ang mga tao sa paligid ko dahil alam ko na hindi ako dapat magtiwala sa kanila. Dahil sa nangyari kagabi ay nagkaroon ako ng kutob na ang taong may gawa no'n ay malapit lang sa akin at alam nila ang paghahanap ko kay Genro. Gusto kong hulihin ang gumawa sa akin ng bagay na iyon at kailangan kong mag-ingat sa mga taong kinakausap ko. Kumilos na lang ako ng naaayon sa pinapakita nila at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at inisip na tama lang ang nangyayari dahil hindi maganda ang magkaroon ng usapan sa kapwa. Nagkaroon ng panibagong kaso ng kidnapping sa lugar kung saan ko nakita ang kotse ni Genro kaya mas lalo akong naging pursigido na hawakan ang mga natambak na kaso sa lugar na iyon. Naghahanap ako ng mga bagay na maaaring magturo sa akin kung may koneksyon ito sa insidente. Pinagmasdan ko ang bawat isa sa kanila pero wala naman akong napapansin na kakaiba sa kilos nila. Pumagalimbaba ako at kinuha ang dyaryo na nakalagay sa aking lamesa at isa-isa kong binasa ang mga balita na nandoon. Nanglaki ang mata ko nang mabasa ko ang isang artikulo. Nakasaad doon na may biktima na naman ng kidnapping sa lugar na iyon. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, gusto kong ako ang humawak sa kaso na ito. "Robert, pwede bang ako na lang ang humawak ng kasong iyan?" tanong ko sa lalaking nagke-kwento tungkol sa mainit na balita. Napatingin naman siya sa akin at sa mga kasamahan niya bago tumango ng marahan. "Salamat," tugon ko sa kanya at bumalik na ako sa aking pwesto. Gumawa ako ng request para ipasa kay General Morell. Habang ginagawa ko iyon. lumapit sa akin si Shiela at may pinatong na pagkain sa aking lamesa. Nagkatinginan kaming dalawa ng gawin niya iyon. Iniisip ko, may lakas pa siya ng loob na lumapit sa akin matapos niyang subukan na pumasok sa bahay ko kagabi tapos ay pagbantaan ako? "Pasensya ka na nung nakaraan. Ang gusto ko lang nman ay mapalapit sa'yo dahil bagong salta ka," sabi niya sa akin at nilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ang paghingi niya ng pasensya at ayokong pahabain ang gulo kaya nakipag-ayos ako. Binaliwala ko na lang ang nangyari kagabi dahil sa pakiramdam na hindi siya ang may gawa no'n. Tumawa ang ilan dahil doon kaya napangiti ako. Sigurado na akong magiging matiwasay na ang araw ko pati ang mga susunod pa dahil sa nangyari. Ayoko rin kasing magkaroon ng isang sigalot sa opisina at mas gusto kong magtrabaho ng matiwasay. "Bakit ba interesado kang hawakan ang kaso na iyan, kung ayos lang ba na magtanong ako," sabi ni Shiela sa akin at kumuha ng isang upuan tapos ay tumabi sa akin. Huminga akong malalim hindi dahil sa pagkainis pero gusto ko rin naman mailabas ang problemang kinakaharap ko. "Ang totoong rason kung bakit gusto kong hawakan ito ay dahil may malapit akong kaibigan na nawala sa lugar na iyon," mahina kong sabi pero nagtaka ako ng tumahimik ang lahat saka napansin kong nakatingin sila sa akin. "Sino?" tanong ni Shiela at doon ko na inumpisahan ikwento ang lahat. Maliban sa katotohanan na kasintahan ko ang nawawala. "Alam mo, delikado talaga sa lugar na iyon. Marami nang nawala sa lugar na iyon pero kahit isa sa kanila ay hindi pa rin nahahanap. Nagkaroon nga ng usap-usapan na NPA ang may gawa at ayon naman sa iba, aswang ang gumawa," sabi sa akin ni Bert at kumunot ang noo ko sa huli nitong sinabi. Aswang? May gano'n pa ba sa panahon ngayon? "Siguro, malapit na malapit sa'yo ang taong iyan dahil akalain mo, nagawa mong lumipat ng himpilan para lang doon kahit na nandito naman kami," singit ni Shiela at tumango naman ang lahat sa sinabi niya. "Hindi ko naman gustong manghimasok sa trabaho niyo pero mas gusto kong ako ang lumutas ng kaso na ito," sagot ko at wala na silang naging tugon dahil pumsok si General Morell tapos ay tinawag ako. Magkasunod lang kaming naglalakad papunta sa kanyangopisina. Nang buksan niya ang pinto, nagulat ako ng makita ko sa loob si Papa at Spiel. Yumakap ako sa kanilang dalawa at umupo sa harapan nila. May mga kape na rin sila sa lamesita ni General Morell at nasa kalahati na ito. Parang kanina pa sila nandito at may pinag-usapan bago ako tawagin ni General Morell. "Nabalitaan namin ang nangyari sayo kagabi," sabi ni General at alam kong sila Papa at Spiel ang nagsabi nito sa kanya. "Opo, Sir. Hindi ko na lang sinabi sa inyo dahil wala naman nangyaring masama sa akin," sagot ko pero umiling lang si Papa. "Kahit na walang nangyari, kailangan mo pa rin i-report ang nangyari sayo," sagot ni Spiel at kinuyom ko ang aking kamay. Alam kong may pagkakamali na naman ako dahil sa pagkikimkim ko kay General Morell. "Papaano na lang kung may mangyaring masama sayo, ano kaya ang gagawin sa akin ng Tatay mo?" tanong ni General at labis akong nakakaramdam ng hiya sa sinabi niyang iyon sa akin. Hindi ko na naisip na baka sisihin siya ni Papa kapag napahamak ako sa ilalim ng pamamahala niya. "Wala kang kasalanan, kumpadre!" sabi ni Papa sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. Lumingon ako sa kanya at nagbigay ng makahulugang tingin. Totoo naman ang sinabi ni Papa na wala siyang kasalanan at hindi niya dapat sisihin ang sarili niya. Doon ko naisip na talagang mabait si General Morell kaya marahil gano'n na lang ang ginagawa ng mga tauhan niya sa kanya. "Pasensya na," iyon na lang ang tangi kong naitugon dahil kahit saan titingnan ay may pagkakamali talaga ako. "Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo," sabat ko sa usapan nila at napatango si Papa sa sinabi ko bilang pagsang-ayon. "Kamusta naman dito?" tanong sa akin ni Spiel at napakuyom ako ng aking kamay sa bigla niyang pagtatanong. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang alitan sa pagitan namin ni Shiela. Ayoko lang kasing makadagdag iyon sa iisipin ni General. "Ayos naman ako dito, mabuti ang pakikitungo nila sa akin," sagot ko sa kanya at napahawak siya sa kanyang baba. Ilang sandali lang ay nag-yaya na si Papa na lumabas at pinag-paalam niya ako kay General dahil gusto niyang makausap ako ng masinsinan. Nasa likod lang nila ako habang naglalakad at nakikita kong napapalingon ang mga nakakasalubong namin dahil kasunod ako ng dalawang magagaling na General sa mundo ng kapulisan. Nasa waiting area kami ng mga sandaling iyon. May mga bakanteng upuan at mga puno sa paligid. Kahit tirik ang araw at tangahaling tapat, hindi mo mararamdaman ang init dahil natatakpan ng mga dahon at malamig ang simoy ng hangin. Nakatanaw lang kaming tatlo sa mga pulis at sibilyan na pumapasok at lumalabas ng himpilan hanggang sa tumikhim si Spiel. "Nasaan ang pinasa mong litrato sa amin?" tanong ni Spiel at kinuha ko ito sa aking bulsa. Tinitigan nila iyon ni Papa at parehas kumunot ang kanilang noo. "Nagkaroon agad ako ng kaaway dahil nalaman nilang ikaw ang anak mo ako," sabi ko kay Papa at binalik sa akin ang papel. "Hindi kaya, ang nakasagutan mo ang gumawa no'n sayo?" tanong sa akin ni Papa pero umiling ako at huminga ng malalim. "Humingi ng pasensya sa akin ang pu;lis na iyon kaninang umaga kaya nakakasigurado ako na hindi siya ang gumawa ng pagpasok sa bahay ko," sagot ko kay Papa pero tumawa ng mahina si Spiel sa sinabi ko. "Hanggang ngayon, ang bilis mo pa rin magtiwala, Alexa. Hindi ka dapat magtiwala sa kahit sino lalo at baguhan ka lang sa lugar nila," tugon ni Spiel at nakita ko sa reaksyon ni Papa ang pagsang-ayon. "Tama si Spiel," sabi niya at may punto siya sa sinabi niyang iyon. "Doblehin mo ang pag-iingat at huwag na huwag kang basta magtitiwala." Tinapik ni Papa ang balikat ko at tumango ako bilang sagot ko sa kanya. "Aalis na kami at may gagawin pa kami ni Spiel," pagpapaalam nila sa akin at inakbayan pa ni Papa si Spiel habang naglalakad sila palabas ng himpilan. Susundin ko na lang ang payo nila dahil para sa kapakanan ko rin naman iyon. Aalis rin naman ako agad sa lugar na ito kaya mas maigi na hindi ako makipagkaibigan sa kanila. Nang nakailang hakbang na sila ay lumingon si Papa sa akin at hinagis ang isang susi. Nasalo ko naman iyon at ngumiti sa kanya. Kahit hindi ko na hilingin ay binigyan ako ni Papa ng sasakyan. Bumalik na ako sa opisina namin at inubos ang oras para sa pananaliksik tungkol sa kaso ng kidnapping. Lahat ng naging biktima ay doon sa lugar na iyon nawala pero ang kotse lang ni Genro ang nanatiling nandoon. Wala pa rin silang nahahanap na mga biktima kaya hindi nila malaman kung totoo bang nagkakaroon ng biktima o tinuturo lang nila ang lugar na iyon. Nang uwian na, nagtungo ako sa parking lot at pinindot ang car key na hawak ko. Napalingon ako ng makita ang sasakyan na dinala ni Papa dito sa akin. Isang puti na Honda Civic iyon at nagong-bago pa talaga ito. Nagtungo agad ako sa lugar kung saan ko nahanap ang sasakyan ni Genro. Mag-isa lang ako sa kalsadang iyon pero may mga dumadaan pa rin mga sasakyan. Kinakabahan ako ng mga sandaling iyon at alam kong delikado ang ginagawa ko pero hindi ako makatiis na hindi mahanap ang kasintahan ko kaya nagtungo ako sa lugar na ito kahit alam kong maaari akong mapahamak. Kinuha ko ang aking flashlight at baril para kung sakaling may umatake sa akin ay may proteksyon ako. Malamig na ang simoy ng hangin at tanging ilaw galing a buwan ang liwanag sa paligid. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung saan ang eksaktong pwesto ng kotse. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko na ang kotseng nakaparada. Inilawan ko ito para tingnan kung may tao ba pero wala naman kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Lumagpas pa ako ng kaunti para makita ang daan papunta sa loob ng gubat. Huminga akong malalim at hinanda ko na ang sarili ko para pumasok doon. Ingay lang ng t***k ng puso ko, yabag at mga ingay ng kulisap ang naririnig ko habang patuloy na naglalakad. Napalingon ako sa aking likod at nakita kong nakalayo na ako ng husto sa kotse ng mga sandaling iyon. "Nasa gitna na siguro ako ng gubat," bulong ko sa sarili ko at humarap ulit. Inilawan ko ang paligid at nakita ko ang isang kubo. Walang ilaw sa loob kaya nasip kong walang tao. Dahan-dahan akong lumapit doon at nang makarating ako, pinakinggan ko muna ang paligid dahil baka may nagmamasid din sa akin at atakihin ako habang nasa loob nito. Pero nang hahakbang na ako ay may narinig akong kaluskos sa paligid kaya napalingon ako at inaaninag kung sino o ano ang narinig ko. Nang makita ko ang hulma ng isang tao sa hindi kalayuan, agad akong tumayo. Nakita kong tumakbo ang taong iyon kaya walang pagdadalawang-isip rin akong tumakbo para sundan ito. Laking gulat ko na lang na isang babae iyon. Kaunti na lang ay maabot ko na siya pero bigla siyang yumuko at tumakbo muli. Nagulat na lang ako dahil may isa palang sana ang naaharang sa daan. Tumama ito sa aking tiyan, dahilan para mahinto ako sa pagtakbo. Tinatanaw ko pa rin ang babae ha huminto dahil nakita niya akong nakatayo na lang. Mabagal siyang naglakad papalayo sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan siya sa pagtakbo at naisip kng balikan na lang ang kubo. Nakakaramdam pa rin ako ng sakit ng tiyan at pagod dahil sa pagtakbo ko. Inusisa ko muli ang loob ng kubo at nakita kong may isang silid doon. Iniangat ko ang aking baril at flashlight habang papalapit doon. Dinikit ko ang aking tainga sa pinto ng may marinig akong umiimpit sa loob. Buong lakas kong sinipa ang pinto hanggang sa makita ko ang aking kasintahan sa loob. Wala siyang saplot habang nakatali ang kanyang kamay at paa, may busal rin siya sa kanyang bibig ng sandaling iyon. Luminga ako sa paligid ng kwarto para tingnan kung may nagbabantay sa kanya. Lumapit na ako ng masiguro kong walang ibang tao sa loob. Nilagay ko ang aking baril sa bulsa tapos ay pinatong ang flashlight sa lamesa katabi ng upuan kung nasaan si Genro. Una kong tinanggal ang lubid sa kanyang kamay tapos ay ang sa paa naman. Nakita kong nagpapapadyak - padyak si Genro ng sandaling iyon. Tinulak niya ako papalayo sa kanya hanggang sa makita ko ang babaeng hinahabol ko kanina at may hawak itong isang bato. Nakangisi siya nang sandaling iyon bago hinampas sa akin ang batong hawak niya. Napahiga ako sa lupa ng gawin niya iyon. Nakita kong tumayo si Genro at tinutulak ang babae dahil naagaw na pala nito ang aking baril. Hanggang sa makalabas sila ng kwarto. Nakaramdam na ako ng pagkahilo at hinaplos ko ang aking ulo ng may makita akong dugo na naging dahilan ng pagkawala ng aking malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD