Chapter 27

2178 Words
HGindi ko na lang tinuloy ang balak kong kausapin siya tungkol sa nakaraan niya dahil nakalipas na iyon at tiyak kong matagal ng nakalimutan ni Genro ang tungkol sa bagay na iyon. "Ano nga pala ang itatanong mo sa akin?" tanong niya habang payapa kaming nakahiga sa kwarto. Binuksan niya ang kanyang bag tapos ay nagsimula siyang magtrabaho. Kahit nandito na sa bahay ay puro trabaho pa rin ang inaatupag niya. "Magtatrabaho ka pa rin?" tanong ko sa kanya at ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Pinanood ko na lang siya habang nagtatrabaho nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang kinuha ang cellphone pantalon niya at tinitigan muna ito bago sinagot. "B-bakit?" tanong niya. "Oo, sasabihin ko." Tumango siya. "Sige, salamat." Nilapag niya ang kanyang cellphone at tumingin sa akin. Bigla siyang bumugtong-hininga at nilagay ang dalawang daliri niya sa kanyang noo. "Sino iyon?" tanong ko sa kanya at umupo sa gilid ng kama para mas mapalapit sa kanya. "Si Spiel. Gusto niyang kausapin bukas. Bakit ka hindi nagpatuloy sa pagpasok? Hindi ba gustong-gusto mo magtrabaho?" iritable niyang tanong sa akin at umiling. Hindi niya na hinintay ang sagot ko at kinuha ang earphone sa drawer at sinaksak iyon sa kanyang cellphone. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at muling humiga. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit kung hindi ako pumasok kahit nang umpisa ay tutol siya. Pinilit ko na lang matulog ng gabing iyon. Kinabukasan, pagkagising ko ay agad kong hinanap si Genro dahil wala n siya sa tabi ko. Bigla akong nakaamoy ng sunog kaya nagmadali akong lumabas. "Oh my!" Pinatay ko ang kalan at nilagay sa lababo ang kawaling may sunog na itlog. Binuksan ko ang gripo at agad lumayo dahil tumilamsik ang mantika nito ng matuluan ng tubig. Habang pinupuno ko ng tubig ang kawali, nagtataka ako kung bakit naiwan ni Genro ang niluluto niya. Kung hindi siguro ako nagising agad ay malamang nasunog na ang buong bahay. Hinawi ko ang usok dahil nakakasulasok ang amoy nito at nang mawala ang lahat ng iyon, nakahinga ako ng maayos dahil hindi ko masikmura ang amoy ng sunog. Paglingon ko, nakita ko si Genro na nakatali sa upuan at nakatutok sa telebisyon. Kumunot ang noo ko dahil nandoon lang pala siya pero iniwan niya ang pagkain hanggang sa masunog ito. "Genro, bakit mo naman iniwan ang niluluto mo?" tanong ko sa kanya at nakita kong duguan siya habang nakagapos at may tape ang kanyang bibig. Nanglaki ang aking mga mata dahil sa nakikita ko ng oras na iyon. Duguan ang kanyang ulo at may bali ang kanyang ilong. Nakatitig pa siya sa akin at umiiling. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng ilang segundo pero lumapit rin ako sa kanya para saklolohan siya. Napasinghap ako at hinawakan ang kanyang mukha nang may narinig akong tunog galing sa aking likuran ay napalingon ako. Naramdaman ko ang malamig na bagay ang dumikit sa batok ko at tumambad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng sumbrelo at facemask. "Upo!" sigaw nito sa akin at tinapat na ang baril sa aking mukha. Nanglaki ang aking mga mata dahil sa ginawa niyang iyon. "SInabing upo!" sigaw nito at hindi ko pa rin magawang kumilos kahit na nakatutok sa akin ang baril. Nalipat ang tingin ko kay Genro at nakatingala ito sa akin. Sumesenyas siya sa pamamagitan ng kanyang mata na sumunod ako pero hindi ko magawang ikilos ang aking mga paa dahil sa takot. "Susundin mo ang sinasabi ko o babarilin ko ang lalaking ito?" muli nitong sigaw sa akin at napabugtong-hininga ako ng dalawang beses habang lumalakad papunta sa sofa. Lumakad ang lalaki papalapit kay Genro habang nakatingin sa akin. Gusto kong lumaban ng sandaling iyon pero dahil sa may hawak siyang armas ay wala akng nagawa. Naaawa ako sa itsura ni Genro ng sandaling iyon dahil sobrang nabugbog siya at maraming dugo ang nwala sa kanya. "Sino ka at bakit mo ginagawa ito?" tanong ko sa kanya at tuluyang umiyak dahil ano mang sandali ay maaari akong saktan ng lalaking ito. Napatingin ako sa pinto at nagdadasal na sana ay may kumatok sa pinto namin at saklolokohan kami. "Kanina, nag-uusap lang naman kami ni Genro, diba?" sagot nito sa akin at hinawakan ang buhok ni Genro saka inikot-ikot ang ulo nito. Walang nagawa si Genro kung hindi ang pumayag lang sa ginawa nitong pagsabunot sa kanya. Nakangiti pa ang lalaking ito habang sinasaktan si Genro. "Tungkol saan? Anong ginawang masama sayo ni Genro?" muli kong tanong at yumuko siya para mapalapit ang mukha niya kay Genro. Pumupungay na ang mata ni Genro habang nakatingin sa akin at hindi ko makayanan ang nasasaksihan ko sa mga sandaling iyon. "Tungkol sa nalalaman mo. Ano ba ang nalalaman mo?" sagot nito. "Paano mo na-diskubre ang mga bagay-bagay na dapat ay matagal nang nabaon sa limot," sagot nito at bumuga ng malalim. "Wala akong alam sa sinasabi mo!" sigaw ko sa kanya at nagulat ako ng ilabas niya ang isnag balisong at tinututok sa ulo ni Genro. "Wala kang alam?" tanong niya sa akin at nagngingitngit sa galit ang kanyang mukha. Walang pagdadalawang - isip ay sinaksak niya ang balisong kay Genro. Napaungol sa sakit si Genro nang saksakin siya. Napatingala at napayuko rin siya habang kinukuyom ang kanyang mga kamao.Kitang-kita ko ang pagkalat ng dugo sa suot na short ni Genro. Nakatarak pa ang balisong sa binti ni Genro habang natutuwa ang lalaki dahil sa ginawa niya. . "Walang-hiya ka!" sigaw ko sa kanya at umusog ako ng kaunti papalapit sa kanila. Sandaling lumayo ang lalaki sa amin at may kinuha siya sa kanyang bulsa at sinubo iyon sa bibig niya. "Oh my! Tama na! Bakit mo ba ginagawa ito!" sunod-sunod kong sigaw sa lalaki at nang aktong hahawakan ko ang sugat niya at tinaas niya ang kanyang kamay. "Sa akin ka tumingin, tinatanong kita," mahinahon nitong sabi at hinugot ang balisong sa binti ni Genro. Pinatong niya ang kanyang braso sa balikat ni Genro kaya kitang - kita ko ang pagtulo ng dugo galing sa kutsilyo na iyon. "Anong nalalaman mo?" umiling ako at huminga ng malalim. "Wala akong alam. May amnesia ako at sa tuwing magigising ako, nakakalimutan ko ang mga bagay-bagay," sagot ko sa kanya at lumingon siya kay Genro na parang nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ko. Tumango si Genro sa kanya at ngumisi siya. "Ang buong akala ko ay matalino ka." Hinagis niya ang balisong sa lamesa at inakbayan si Genro. Nagtaas-baba ang ulo ni Genro ng sabihin iyon ng lalaki kaya napahilamos ito sa kanyang baba dahil sa nakitang reaksyon ng aking kasintahan. "Magiging maayos rin ang lahat, Genro. Tiisin mo muna ang sakit," sabi ko sa kanya at tumitig siya sandali sa akin. "Dahil sa nalaman mo, magbabaga ng takbo ng plano. Mas maraming madadamay. Mamili ka, ang kasintahan mo o ang ibang tao?" sabi nito sa akin. Tinuro niya muli ang mukha ni Genro at pinulot ang balisong tapos ay sinaksak sa tiyan si Genro. "Kailangan mong mamili," sabi nito sa akin at lumakad na siya papalabas ng bahay at ngumiti pa bago sinara ang pinto. "Oh my!" sigaw ko at lumapit kay Genro. Hinugot ko ang balisong sa kanyang tagiliran at pinunit ko ang suot kong damit dahil walang kahit anong tela ang nasa lamesa tapos ay diniin ko iyon sa sugat ni Genro. Napansin ko na lang na nakayuko na siya kaya nagtungo ako sa kanyang likuran at iniangat ko ang kanyang ulo. Hinila ko ang tape na nakadikit sa kanyang bibig tapos ay tinatapik ko ang pisngi niya. "Gumising ka, Genro. Please!" sigaw ko pero walang nangyayari sa ginagawa ko kaya agad na rin akong lumabas at nagtungo kay Jane para humingi ng tulong. Sarado ang gate kaya kinalampag ko na lang iyon. "Jane! Tulong!" sigaw ko at ilang sandali lang, lumabas na si Jane na pumupungay pa ang kanyang mata pero ng makita ako, nanglaki iyon at patakbo siyang lumapit sa akin at binuksan ang gate. "Bakit duguan ka? Anong nangyari?!" sigaw nito at hinawakan ako sa braso. "S-si Genro! Tulungan mo siya!" pagmamakaawa ko sa kanya at hinila ko siya papunta sa bahay. Nanatiling nakaupo si Genro pero wala pa rin siyang malay. Inihiga ni Jane si Genro sa sahig at kinapa ang leeg nito. "May pulso pa siya. Tumawag ka kay Denise at humingi ka ng tulong!" sigaw nito sa akin at agad akong nagtungo sa kwarto para kunin ang tinatago kong cellphone. Pinunasan ko ang cellphone dahil napuno ng dugo ni Genro ang screen nito. Kung ano ano na ang napindot ko pero nagawa ko rin agad ang inuutos ni Jane sa akin. Lumabas ako ng kwarto habang hinihintay kong sumagot sa akin si Denise. May puting tela nang hawak si Jane at nakadiin ang dalawa niyang kamay sa mga sugat ni Genro. "Hello?" bati ni Denise sa akin. "Denise, tulungan mo ko, nasaksak si Genro!" natataranta kong sabi sa kanya. Hindi na sumagot si Denise sa akin at pinatay na agad ang tawag. "Pahiram ng cellphone at tatawag ako ng ambulansya!" sabi ni Jane sa akin at iniabot ko naman iyon sa kanya. Tinapik - tapik ko ang pisngi ni Genro dahil wala pa rin siyang malay. Lumapit sa akin si Jane at inawat ako sa ginagawa ko. "Alexa, kumalma ka. Magiging maayos rin ang lahat. Parating na ang ambulansya," sabi niya sa akin at pinisil ang kamay ko. Hindi ko mapigilan ang pagkataranta at pagluha ko ng mga sandaling iyon dahil sa nangyari kay Genro. Nang makita kong punong - puno na ng dugo ang kanyang tiyan ay nagdilim ang paningin ko. Nagising ako na nasa hospital na ako at nagtataka kung bakit ako nandoon. May nakaturok sa akin na suwero. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko sa aking kaliwa ang isang lalaki na nakahiga doon. May tubo sa kanyang bibig at may suwero rin siya katulad ko. Paglingon ko sa kanan, may babaeng nakaupo sa tabi ko. Sinubukan ko siyang hawakan at nang magawa ko iyon, nag-angat siya ng tingin sa akin. Namumukhaan ko siya pero hindi ko matandaan ang kanyang pangalan. Ang alam ko lang ay kilala ko siya. "A-anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya pero hindi niya iyon sinagot dahil lumabas siya agad ng kwarto para tumawag ng nurse. Napapikit ako at pilit kong inaalala kung paano ako napunta dito hanggang sa magbalik sa isip ko may kasama akong lalaki na sinaksak sa binti. Pagbalik ng mga doktor, nagsagawa sila ng ilang mga pagsisiyasat sa akin at nang mtapos sila, humarap na ang babae sa akin. "A-anong pangalan mo?" muli kong tanong sa kanya at pinunsan niya ang luha sa kanyang mga mata. "Ako si Denise," sagot niya sa akin at napalunok ako dahil unti-unti kong naaalala kung sino siya. Umupo siya sa tabi ko at pinisil ang aking kamay. "Sino yung lalaki?" tanong ko at tumitig sa kabilang kama. "Si Genro iyan," sagot ni Denise sa akin at nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko agad namukhaan ito dahil sa mga aparatos na nasa kanyang katawan. "B-bakit kami nandito?" tanong ko at inalis ko agad ang suwero sa braso at lumapit sa kanya. Tinitigan ko siya at nalipat ang tingin ko kay Denise. "Hindi mo ba natatandaan?" tanong niya sa akin at naisip ko ang lalaking nakita ko na sinaksak ng balisong. Iniangat ko ang kumot sa kanyng katawan at nakita ko ang isang sariwang sugat sa tiyan niya at binti. Napasinghap ako ng makita iyon at hinawakan ang kanyang kamay. Naluha ako dahil doon at gusto ko pa siyang yakapin pero pinigilan ako ni Denise. "Magpahinga ka na muna," sabi sa akin ni Denise at hinawakan ang balikat ko tapos ay marahan akong hinila papunta sa kama ko. Hindi pa naaalis ang tingin ko kay Genro hanggang sa mahiga ako. "Natatandaan ko may isang lalaki ang gumawa nito sa kanya. Pilit niya akong tinatanong kung ano ang nalalaman ko," bulong ko na sapat na para marinig ni Denise. Napailing siya sa akin at muling naluha. "Sana pala ay hindi ko na sinabi ang mga iyon sayo," sagot niya at nagtaka ako dahil sa tugon niyang iyon. May alam siya sa kung ano ang sinasabi ng lalaki. "May kinalaman ka sa nangyari sa amin?" tanong ko sa kanya pero nakayuko lang siya at patuloy na umiiyak. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya pero hindi na siya nagsalita pa. Pinilit kong hanapin sa isip ko ang tinutukoy ni Denise at naluha na lang dahil ang kalagayan ko lang ang natatandaan ko. Nang mapagtanto ko na wala akong makukuhang sagot kay Denise, napatulala na lang ako sa kisame at pilit na iniisip ang ilang mga bagay. "Sabihin mo sa akin ang dapat kong malaman. Ayon sa lalaking iyon, kailangan kong mamili. Kung sasabihin ko ang nalalaman ko o hahayaan kong may mapahamak pang ibang tao," pagmamakaawa ko kay Denise at nag-angat siya ng mukha. Pagsisisi ang gumuhit sa kanyang mukha at tila, nag-iisip kung sasabihin niya ba sa akin ang bagay na gustong malaman ng may gawa nito sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD