Chapter 3: Phantom Dragon Secrets

396 Words
The Blood of the Samurai Chapter 3: Phantom Dragon Secrets Ang Phantom Dragon ay may anim na sangay. Ang tinaguriang Oyabun (Leader) ay si Ryuu Kendriech. Siya ang ika-150 tagapagmana ng mga Kendriech, layunin niya ang mapabuti ang bawat sinasakupan niyang grupo at upang pigilin niya ang kasamaan ng Black Raven na sakupin ang bawat society sa bawat lugar. Tinaguriang silang taksil sapagkat hindi sila tumupad sa kanilang usapan. Dati ang dalawang grupo ito ay magkasundo. Magkasama sila sa iisang grupo, subalit palihim na nag aklas ang iba dahil sa panahon ng digmaan, mas pinanigan nila ang mga pamilyang Ricochette. Nang mag-aklas ang grupo, gumawa sila ng sarili nilang grupo ang "Black Raven Society". Mga sakim sa kapangyarihan at madami silang pinatay noong panahon ng digmaan. Ang mga kasapi ng Phantom dragon ay may tatak sa kani kanilang likod. Ryuu Kendriech- Oyabun (Leader) Aoi Helia- Saiko-komon ( Administrator) tinaguriang babaeng magaling bilang Assassin at tagapagtanggol ng mga Kendriech Hiro Helia at Eira Sinigawa- Wakagashira (1st and 2nd lieutenant) Sila ang tagapag utos o tagaplano kung ano ang susunod na gagwin ng mga kasapi nila. Mga di kilalang mukha o lihim ang kanilang pagkatao sapagkat ang nakakataas lang ang nakakaalam sa kanila- Shingiin ( law advisor) sila kung tama ba ang kanilang gagawin na plano, sila rin ang madalas na nagpapatawag ng pagpupulong upang walang malagasan na kasapi nila kung balak man na sumugod ang mga taga Black Raven. Kyodai at Shatei (little at big brothers) sila ang mga kasaping grupo. Upang makilala nila ang mga ito, lahat ng kasapi ay may tatak na dragon sa knilang likod. Ang mga mas nakakataas sa ranko ang Wakagashira, Administrator, Kyodai at Shatei ang laging pinapadala sa mga mission. May mga espiya rin silang mga kasama. Nagpapanggap na bilang mga mag aaral, guro at ibat ibang propesyon upang malman nila kung saan ba susugod ang mga taga black raven. Wala silang pagpipilian kung hindi sila papatay. Minsan ang mga kasapi rito ay umiikot lang sa iilang pamilya. Ang mga pamilyang ito ay kasapi ang kanilang mga ninuno noong panahon pa ng digmaan. Hanggang sa susunod nilang henerasyon, mananatili silang nakatali sa Samahang ito, hanggang sa huli nilang hininga. Ay dapat ilihim ang orginisasyong ito. Ang tanging layunin lang nila pigilan ang mga taga black raven na nais sumakop sa sanlibutan. At upang hindi rin pagharian ito. End of Chapter 3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD