Chapter 2: My Mom's Secret Tattoo

510 Words
Chapter 2 Pumasok ang dalawang lalaki na may guhit uwak sa kanilang balikat at hindi alam ni Haruwi ang gagawin at kung sino ba sila. Hinaludgod nila ang bahay at nakita ni Haruwi kung paano patayin ng mga lalaki ang kanilang kapit bahay sa apartment. Lumabas si Aoi sa kanyang kwarto. Haruwi POV Lumabas ang aking mama, may dala itong mahabang patalim. Takot na takot ako. Pilit akong pinagtatanggol ni mama sa kanila. Sugatan si mama, akala ko dalawang lalaki lang sila. Hindi pala, 10 lalaki ang nanloob sa amin. Napatay ni mama ang iba. Nanghihina na si Mama, ang dugo ay nagkalat sa sahig. Nang alisin ni Mama ang Jacket niya, nakita ko na naman ang dragon nito. Ngunit sa pagkakataong ito, ang dragon ni mama sa likod umiiyak ng dugo. Nasugatan pala si Mama, hindi ko maintindihan kung bakit sumusugod ang mga ito. Sino ka ba talaga mama? Sa murang edad ko hindi ko maintindihan lahat. Ang pag uusap ng mga lalaki at si Mama. Mr. Clajier Ricochette: "Aoi, sumama kana sa akin! Natatandaan mo pa kung saan mo nakuha ang pilat sa iyong mata?" Mama: "Hindi ako sasapi sa tulad niyo mga Black Raven Society, ang sasama niyo!!! Madami kayong pinatay! Mga taksil, pinagtaksilan niyo kami!" Mr. Clajier: "Tingin niyo ganon lanh kadali sumama sa mga taga Phantom Dragon na kagaya niyo? Hahahhahha kayo lagi ang tinitingala simula pa noong panahon ng digmaan! Tingin mo magiging matiwasay ang buhay mo, ang pinakamagaling na assassin sa grupo?" Mama: "Tama na! Hayaan mo na kami. Bakit ka ba nagkakaganito?" Mr. Clajier: "Dahil madami ka ng pinatay sa amin! Kung di karin lang magiging akin. Mabuti pang mamatay kana! Aoi" Mama: "Hindi kita gusto Clajier dahil sakim ka! Napakasama mo! Pinatay mo ang aking mahal na Hiro!" Mr. Clajier: "Inagaw ka niya sa akin. Kung di lang kita mahal, matagal na kayo nagsama sa libingan.! Kahit galit ako sayo! Imbis na patayin kita nang araw na iyon, mas pinili ko nalang sugatan ka! Tanda ng pilat mo sa mata ang pagtataksil mo sa akin!" Mama: "Minahal din naman kita, ngunit hindi ko masikmura ang panggagamit mo sa akin! Kaya mas pinili kong makipag areglo kay Hiro, dahil kay Hiro naramdaman ko na mahal niya ako!" Mr. Clajier: "Akala mo hindi kita mahahanap sa pagtatago? Hahaha (Tsaka ako kinuha ni Mr. CLajier at tinutukan ng matalim na patalim) Mr. Clajier; "Ito ba ang iyong anak taksil? Maganda siya tulad mo. May angking pulang mga mata! Ngunit magiging sagabal lang siya!" (Kinuha ni mama ang kanyang espada, at naglaban sila ni Mr. Clajier. Ngunit natalo si mama, nasaksak siya ng espada) Mr. Clajier: "Khit ikaw ang pinakamgaling na Assassin, matatalo rin." Ahhhhhhhhhhhhhhh..... Mammmmamaammma....!!!!!!!!!! Tinignan ako ni mama na duguan, at kinuha ni Mr. Clajier ang espada at ipinalo niya sa aking batok. Kitang kita ko ang paglayo nila kasama ang aking mahal na mama. Habang tumutulo ang dugo ng binuhat ni Mr. Clajier si mama. Nabalot ng dugo ang buo kong katawan, at tanging natandaan ko ang espada na aking katabi. Ipagpapatuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD