"Kahapon mo pa kami inaasikaso, ah. Parang may mali," saad ni Leonardo na mabilis kong nilingon. Nandito ako ngayon sa infinity pool ni Sebastian habang silang dalawa naman ay nasa open living room. "Paanong may mali? Gusto ko lang na pagsilbihan ka rin dahil ikaw ang ama ng mapapangasawa ko," sagot naman ni Sebastian saka sinulyapan ako at nginitian. "Gusto ko ring makuha ang boto mo." "Tumigil ka nga. Tumataas lahat ng balahibo ko sa'yo." Tumayo si Leonardo. "At tigilan mo 'yang pagngiti mo." "Bakit, sir?" "Saka 'wag mo kong tinatawag na gano'n. Amo mo ba ko?" "Kung gano'n daddy na lang din." Ngumiti si Sebastian. "Asa ka." "Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo," pahabol na sabi ni Sebastian. Nakatawa kong naiiling na lang sa kanilang dalawa. Nagpatuloy ako sa paglangoy paikot-ik
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books