"Oras niya na ba?" nag-aalalang tanong ko habang nakatitig kay Sebastian na inihiga namin sa kama ko. Nakaupo sa tabi niya si Leonardo na kanina pa ko hindi sinasagot. "Mag-ina nga kayo," matipid niyang kibo, hinihilamos ang mukha niya saka yumuko na para bang problemado. "Alam mong wala kang laban, 'di ba?" Muling harap niya sa akin. "Bago ka dumating mahal ko na siya. Ano pang magagawa ko?" mahinahon kong sagot bago maupo sa swivel chair ko. Sabay kaming bumuntong hininga, parehas ding stress sa nangyayari. "Ngayon lang kita makakasama pero saglit lang din pala," saad niya ulit na may sama ng loob. Napatitig na ko kay Leonardo. Nakaka-miss din palang may magulang na nag-aalala sa'yo. "Hindi pa kita tanggap kasi wala ka namang ebidensya pero sige." Tumango-tango ako. "Gusto kong k