Nanatili doon sina Sebastian at Simon. Sabi ni Simon, pinayuhan silang doon muna para makapagpahinga si Sebastian at hindi matagtag sa byahe. Mag-iisang linggo na yata akong umiiyak. Ang sakit sa part ko ng gano'n na para bang ayoko ng maulit pa ulit 'yon. Gusto ko nang lumayo pero ayoko ring mag-isang harapin ni Sebastian 'yon. "Baby." Katok ni Leonardo na ikinatingin ko sa pinto. "Kumatok ka pa, walang paalam ka rin namang pumasok," masungit kong sagot habang nakatingin sa kanya na may dala ngayong pagkain. "Kumain ka muna." Binaba niya ang isang cup noodles sa harapan ko, 'yan lang ang kaya niyang iluto. "Ayoko na niyan. Puro 'yan na lang." "Eh, kung tumayo ka kaya diyan at magluto ka?" Nagpamewang siya at inalis din 'yon nang nakamapang-u***g ngiti nang tingnan ko siya nang masam