"Ma'am Ariel, kinakabahan ako." Napatingin ako kay Cyntia habang kumukuha ng ilang importanteng documents sa tabi niya. "Bakit?" tanong ko. "Pinapapunta kasi ko ni President sa US para sa isang business meeting bilang representative niya. Pwede ba 'yon? Paano kung puro palpak ang magawa ko do'n?" "Kaya mo 'yon." "Bakit hindi ikaw?" Kabado niyang pagpasa sa akin. "Kasi sasamahan ko siya dito." Ngumiti ako at tinapik siya bago pumasok sa office ni Sebastian. "Bakit ang tagal mo?" "Sure ka bang si Cyntia ang papupuntahin mo sa US?" tanong ko agad. "Kung kaya mo namang pumunta. Ayos lang 'yon sa akin. Basta umuwi ka ng buhay." "Kaya niya na 'yon." "Sebastian.. Bata pa si Cyntia." "I know. Kaya nga habang maaga pa. Tinuturuan ko na siya." "Pinapasa mo ang trabaho sa kanya. Importan