Kabanata 3
Pagkapasok na pagkapasok ko sa silid na pinasukan ni Uncle Isidro ay agad na umawang ang bibig ko nang mapagtantong may separate office pala talaga siya. Akala ko talaga ay ‘yon na ang opisina niya sa labas. “S-Sir, saan ko po ito ilalagay?” tanong ko sa kanya sabay bahagyang angat ng box.
“Just put it anywhere,” tugon niya sa akin habang inaalis niya ang kanyang suot na coat. At hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya lalo na nang makita ko kung paano bumakat ang mga muscle niya sa kanyang mga braso na halos yakapin na ng tela ng suot niyang puting long sleeves.
Agad akong nag-iwas ng tingin bago pa man niya ako mahuli. Hindi ko mapigilang mamula dahil sa hiyang nararamdaman. How could I stare at him that way? He’s my boss and most especially, he’s my parents’ close friend; my father’s best friend. Namura ko na lang ang sarili ko bago nagdesisyon na tumalikod para hindi ko na lang siya makita.
“Penelope...” tawag niya sa akin sa malalim at baritonong boses.
Hindi ko mapigilan ang saglit na panunuwid ng katawan ko nang marinig ko ang boses niya. His deep voice sent shivers down my spine. May kung anong parte rin sa tiyan ko ang nakiliti dahil lang sa boses niya. “P-Po?” tugon ko at humarap sa kanya, pero laking gulat ko nang isang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Kinailangan ko pang tumingala para matingnan ko siya sa mukha niya. And now that I’ve seen him up closer—closer than ever, I can really tell how majestic his hazel eyes are. The golden brown shade of his eyes reminds me of the rays of light seeping through the dark, gray clouds every sunrise.
“Is there something on my face?” matigas niyang tanong sa akin, dahilan para matauhan ako.
Mabilis akong yumuko at umiling. “W-Wala po,” mabilis kong sagot at hindi napigilang maikuyom ang kamay ko. I can feel my blood rushing to my face. Hiyang-hiya ako sa pinaggagawa ko. “B-Bakit n’yo po pala ako tinawag?”
“I was asking you to hand me the box, but you seemed to have spaced out,” sagot niya bago ako nilagpasan at doon ko naamoy ang mamahalin niyang pabango. “I’ll put the pants on but I want you to help me put on my coat later,” dagdag niya bago nagtungo sa isa pang pintuan na tingin ko’y banyo.
Sa pag-alis niya ay doon ko na napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Bumuga ako ng hangin at makailang beses na humugot ng malalim na hininga para mapakalma ang sarili ko. Napailing na lang ako bago kinuha ang coat niya sa box.
Matapos ang ilang sandali ay lumabas na siya at suot na niya ang bagong pantalon niya. Pagkalapit niya sa akin ay agad siyang tumalikod, and that was my cue to put his coat on. Agad akong pumwesto sa likuran niya at tinulungan siyang isuot ang mamahalin niyang coat.
“S-Sir, sorry po talaga kanina,” muling sambit ko dahil hindi talaga mawala sa isipan ko ang kapalpakag ginawa ko.
“It’s fine,” malamig niyang tugon.
“A-At least let me wash those clothes, sir,” sabi ko sa kanya nang matapos niyang maisuot ang coat.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya sabay ng mahina niyang pagtango. “Fine. Do whatever you want,” aniya bago ako nilagpasan at tuluyan na siyang lumabas sa opisina niya. Ako naman ay dali-daling kinuha ang coat at pants niya at inilagay sa box na pinagsidlan ng bagong suit niya. Isasara ko na sana ‘yon pero bigla akong natigilan nang mahagip ng ilong ko ang pabango niya.
At ewan ko rin kung anong pumasok sa isipan ko pero dahan-dahan akong yumuko para amuyin ang damit niya, pero biglang bumukas ang pinto kaya agad ko iyong tinakpan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang init din ng magkabilang pisngi ko nang humarap ako sa direksyon ng pinto. Doon ay nakita ko si Miss Carla na nakatingin sa akin. Mas lalo pang nag-init ang mukha ko dahil naisip ko na baka nahuli niya ako sa akto. “M-Miss Carla!” bulalas ko at hilaw na ngumiti sa kanya. “N-Nakabalik na po pala kayo.”
“Yes,” tipid niyang sagot bago lumapit sa akin. “What’s with that?” tanong niya sabay nguso sa box.
“A-Ah, ito ‘yong suit ni sir na nabasa ko. Nag-offer na ako na ako na lang ang magpapa-laundry dahil kasalanan ko naman in the first place kung bakit kinailangan niyang magpalit,” paliwanag ko sa kanya at muling ngumiti nang hilaw.
“Oh, hindi ka na sana nag-abala pa,” aniya at ngumiti sa akin. “But it’s a good move,” dagdag niya sa akin. “But for now, focus muna tayo sa mga ituturo ko sa ‘yo.”
“Yes po,” tugon ko at sabay na kaming lumabas.
———
“What’s with the box, ‘nak?” tanong sa akin ni mama nang salubungin niya ako sa gate ng bahay. Kakauwi ko lang galing sa first day ng trabaho ko at feeling ko’y ubos na ubos ako.
Nagmano muna ako sa kanya bago sumagot, “Lalagyan lang po,” tugon ko at tipid na ngumiti bago naunang maglakad sa kanya. “Si papa po?”
“Nasa work pa rin,” sagot niya sa akin at sinundan ako papasok sa bahay. “So, how was your first day? Hindi mo naman siguro pinasakit ang ulo ni Uncle Isidro mo, ‘no?”
Hilaw na lang akong napangiti sa sinabi niya. “I-It was great,” pagsisinungaling ko at agad na nag-iwas ng tingin dahil alam kong mabilis mahalata ni mama kung nagsisinungaling ba ako o hindi.
“Penelope…”
Napabuga na lang ako ng hangin dahil mukhang huli na para iwasan ko pa siya. She has already seen through my lies. “I messed up, ‘ma. Napagalitan ako agad ni Uncle Isidro unang araw pa lang,” pagtatapat ko at napaupo na lang sa sofa. “And this box? Laman nito ang coat and pants niya,” dagdag ko bago siya tiningnan sa mata niya. “Nabasa ko lang naman siya kanina nang maglapag ako ng isang baso ng tubig sa mesa niya.”
“Oh my…” Natutop na lang ni mama ang bibig niya. “Pinagalitan ka ba niya nang husto? Knowing him, wala siyang pakialam kahit kaano-ano niya pa as long as trabaho ang pinag-uusapan.”
Mabilis akong umiling. “Pinagsabihan lanh ako, ‘ma. Siguro kung hindi n’yo ako anak at hindi niya kayo kilala, siguro tanggal na ako sa unang trabaho ko pa lang,” sagot ko sa kanya at pilit ba ngumiti. “Kaya heto, bilang peace offering, I told him na ako ang maglalaba ng coat at pants niya.”
“I see…” aniya at marahang tumango. “Be careful next time, anak, okay? Maging maingat palagi. Don’t waste the opportunity na ibinigay ni Isidro sa ‘yo,” sambit niya sa akin bago ako nginitian nang matamis. “You’re really a grown up now. Dati karga-karga pa kita,” dagdag niya bago ako nilapitan at niyakap nang mahigpit.
“And you’ve done a great job raising me, ‘ma,” sabi ko sa kanya at niyakap siya pabalik. “Ngayon, it’s time for me to give back all the efforts and sacrifices you made for me.” Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at mariing pumikit.
My mother was eighteen when she gave birth to me. She was disowned by her family for years because of it. Dahil din doon ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral para alagaan ako. Recently lang talaga nagkaroon ng closure si mama sa pamilya niya, and it was when lolo got sick. Si papa naman, after getting mama pregnant, he made sure to work hard para lang mabigyan kami ni mama ng magaang pamumuhay. Habang si papa naman ay pinagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya. Right now, he’s also working in Uncle Isidro’s company.
“Did I miss something?” Kumalas ako sa pagkakayakap nang marinig ko ang boses ni papa. Kakarating niya lang at may dala siyang cake. “To celebrate your first day,” aniya sabay ngiti nang matamis sa akin.
Napanguso na lang ako at mabilis na tumayo para salubungin siya ng yakap at halik sa pisngi. “Thanks, ‘pa!”
Nakisali na rin si mama sa amin. “Hon, alam mo ba itong si Pennie…” panimula niya. Pinigilan ko pa siya na sabihin kay papa ang tungkol sa kapalpakan ko pero hindi niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy lang siya sa pagkukuwento.
“Huwag na lang nating pag-usapan, okay?” nakanguso kong sambit. “Kumain na lang tayo. Promise, this will be the first and last time na papalpak ako,” pangako ko at hinila na sila papunta sa dining area.
Sana nga lang hindi na ako pumalpak, dahil ayaw kong makitang magalit si Uncle Isidro sa akin. That’s the least I want to happen.