Kabanata 4

1006 Words
Kabanata 4 Sa sobrang abala ko sa trabaho ay hindi ko na napansin pa ang paglipas ng araw. Masyado akong naka-focus sa mga kailangan kong matutunan sa trabaho ko dahil sa maternity leave ni Miss Carla. I had to make sure that I learned all the basics at nang wala akong ma-encounter na problema sa oras na ako na ang pumalit sa trabaho niya. And that day has come. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako humarap sa salamin para siguraduhing maayos ang hitsura ko. I checked my white coat and skirt to make sure na walang gusot. I have to be one hundred percent sure na presentable ako lalo na’t unang sabak ko bilang secretary ni Uncle Isidro at agad kaming may dadaluhan na meeting. What a great way to test me. Kinuha ko na ang iPad ko at ang office bag ko at lumabas na nv kwarto. Pumunta ako sa dining area kung nasaan si mama. Nadatnan ko siyang inihahanda na ang almusal ko. “Good morning, ‘ma,” nakangiting bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. “Good morning, ‘nak. Sige na, mag-breakfast ka na at nang may sapat na lakas ka sa unang araw mo bilang secretary ni Isidro,” dagdag niya at pinaghila pa ako ng upuan. “Yes, ‘ma, kakain talaga ako nang bongga,” sagot ko at nagsimula nang kumain. Pagkatapos kong kumain ay nag-gargle pa ako ng mouthwash para siguradong mabango ang bibig ko. Then nagpaalam na ako kay mama at nag-book na ng cab. Habang papunta ako sa opisina ay tiningnan kong muli ang mga gagawin namin sa buong araw. Uncle Isidro’s schedule is packed. Halos walang bakante aside sa lunch break. It seems like he purposely cleared his schedule last week so Miss Carla could teach me all the things I need to learn. Well, that was a thoughtful move, pero bakit parang na-move naman yata lahat sa unang araw ng work ko bilang secretary niya? Is this how I should pay back his leniency? Napabuga na lang ako ng hangin sabay tingin sa relo ko. May kalahating oras pa bago ang time in namin which is 8:00 AM. At habang nasa taxi ay minabuti kong mag-retouch na para pagkadating sa opisina ay maayos na ang hitsura ko. Malapit na ako sa company building nang makatanggap ako ng isang text galing kay Uncle Isidro, ‘Don’t bother going to the office. Just wait for me at the ground floor lobby. I’ll be there in a few minutes.’ ‘Okay po, sir,’ reply ko sa kanya. I was expecting him to text back pero wala na akong nakuhang reply. Pagkarating ko sa company building ay nag-time in muna ako sa biometrics bago naghintay sa lobby. At gaya ng sinabi niya, he’ll arrive in minutes. Nakita ko siyang papasok ng company building and I couldn’t just take my eyes off him. He looks so dashing with his maroon suit with white inner long-sleeved polo. Bagay na bagay ang kulay ng suit niya sa maputi niyang kutis. His clean-cut, black hair is neatly brushed up kaya litaw na litaw ang prominanteng panga niya. His sharp features are so striking, especially his eyes. At sabi nila, nakakabawas daw ng kaguwapuhan ang pagsimangot, pero that’s not the case for him—he looks freaking handsome. Hindi mo talaga masasabing forty years old na siya. He looks so youthful and masculine! Agad na akong tumayo at inayos ang suot ko para maghanda na batiin siya. Pagkalapit niya sa akin ay mabilis akong ngumiti. “Good morning, sir,” matamis na bati ko sa kanya. “Morning,” malamig niyang tugon bago tumalikod. “Since you’re already here, let’s go to our first meeting. Give them a call and notify them we’re on our way. Also, contact the restaurant and make sure they prepared the menu we requested.” “Okay, sir,” sagot ko bago sinimulang gawin ang iniutos niya sa akin—and take note, habang sinusundan ko siya papunta sa parking area. Pagkarating namin sa parking area ay saglit pa akong natigilan nang pagbuksan niya ako ng pinto sa passenger’s seat kaya napatingin ako sa kanya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay mukhang nabasa na niya ang nasa utak ko. “You’ll sit beside me. Letting you sit at the backseat would make me look like your personal driver,” aniya bago siya lumibot papunta sa driver’s seat. Napatango na lang ako bago mabilis na pumasok. Pagkababa ko ng telepono ay tiningnan ko siya. “Sir, wala po ba kayong personal driver?” “Para saan pa? I know how to drive,” malamig niyang sagot sabay buhay ng makina ng sasakyan. “Nagawa mo na ba ang iniutos ko?” “Yes po,” sagot ko sa kanya. “Everything is set po as per the restaurant’s representative. Sa side naman po nila Mr. Ang, naghahanda na rin daw po sila na pumunta sa venue.” “Okay. Good,” aniya at pinaandar na ang sasakyan. At habang nagmamaneho siya ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya, lalo na sa mata niyang tila nagkukulay ginto sa tuwing nasisinagan ng araw. At dahil naka-side view siya sa akin ay kitant-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya. “What?” matigas niyang sabi kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. “Is there something on my face?” Hindi ko napigilan ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman. “W-Wala po,” sagot ko bago pasekretong bumuga ng hangin. Namura ko na lang ang sarili ko. Alam kong mali na tumitig ako sa kanya dahil liban sa boss ko siya, he’s also my uncle! Pero bakit? Bakit may kung anong humihila sa akin para titigan ko siya? Huminga ako nang malalim bago nagkunwaring may kung anong ginagawa sa iPad ko. I need to distract myself. I need to focus. I can’t afford to disappoint Uncle Isidro. Pero hindi ko pa rin mapigilang mapaisip… Just what the hell is wrong with me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD