Kabanata 2

1035 Words
Kabanata 2 “Have you calmed down?” tanong sa akin ni Miss Carla sa mahinahon na tono. Marahan niyang ipinatong ang palad niya sa balikat ko at matamis akong nginitian. “Breathe, Penelope. Breathe.” Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. I took a deep breath to calm myself. I feel like hyperventilating. Ang sabi ni Miss Carla ay sobrang pula raw ng mukha ko kanina. Well, it’s to be expected. My blood was rushing all over my body! Sobrang init ng pakiramdam ko dahil sa magkahalong hiya at kakaibang init na naramdaman ko kanina. I couldn’t believe I messed up my first day at work. Sigurado akong kinukwestiyon na ni Uncle Isidro ang desisyon niyang bigyan ako ng trabaho sa kompanya niya. “I’m sorry, Miss Carla…” mahinang sabi ko habang nakatingin sa sahig. Nasa table niya lang kami at hindi ko pwedeng lakasan ang boses ko dahil ilang metro lang ang layo mi Uncle Isidro sa amin. “Okay na po ako,” paninigurado ko sa kanya at pilit na ngumiti para makumbinsi siyq. Ayoko kasing problemahin niya pa ako dahil ang dami pa naming kailangang gawin. “Okay. Let’s start with the most basic things you need to learn,” nakangiti niyang sabi sa akin bago niya iniurong ang upuan niya para magkaroon ako ng espasyo. Although may sarili akong desk, useless pa rin ‘yon dahil kailangan kong dumikit nang dumikit kay Miss Carla for instructions. Hindi naman ako nahirapan sa mga itinuro niya sa akin. Naturuan na kami nang gano’n sa klase. I just had to refine the learnings I had then I’m good to go. Mostly sa itinuro sa akin ni Miss Carla ay ang sorting ng documents, emails, and other important information. Ipinakita niya rin sa akin ang mga template na ginawa niya na pwede kong gamitin sa paggawa ng letters, invitations, and scheduling. Binigyan niya rin ako ng master list ng mga importanteng tao sa kompanya—investors, clients, partners—para i-memorize. Sa kalagitnaan ng ginagawa namin ay natigil kami nang tawagin ni Uncle Isidro si Miss Carla. “Carla, I want you to personally go to the HR Department and hand them this document. Don’t go back without it, okay?” matigas nitong utos sa kanya. “Okay, sir,” sagot niya bago ako nilingon. “I’ll be right back. I-familiarize mo na lang muna ang profiles na ibinigay ko sa ‘yo para hindi masayang ang oras,” bilin niya bago tuluyang umalis. Nang kami na lang ni Uncle Isidro ang maiwan ay hindi ko mapigilan ang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko’y numipis din ang hangin sa paligid. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa screen ng computers at binasa ang profiles na ibinigay ni Miss Carla, pero nakagat ko na lang ang labi ko nang mapansin kong paminsan-minsang nakatingin sa akin si Uncle Isidro. Muli tuloy nanumbalik sa alaala ko ang kapalpakan ko. Naikuyom ko na lang ang kamay ko bago bumuga ng hangin sabay tayo. Huminga ako nang malalim para mag-ipon ng lakas ng loob bago nagdesisyon na lumapit sa kanya. Bawat hakbang ko palapit sa mesa niya ay tila sumisikip ang daanan ng hangin papunta sa baga ko. Ramdam kong tila may bumabara sa lalamunan ko kaya makailang beses akong napalunok. “S-Sir…” tawag ko sa kanya dahil nasa screen lang ng laptop niya ang mga mata niya. “Hmm?” tugon niya nang hindi man lang ako tinitingnan. “G-Gusto ko lang po sanang mag-sorry…” panimula ko at muling huminga nang malalim para masigurong tuloy-tuloy ang pagsasalita ko. “H-Hindi ko po sinasadya na matapunan kayo ng tubig. I’m really sorry.” “It’s fine. Just be careful next time,” malamig niyang sabi. At hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ako ng frustration nang hindi man lang niya ako nilingon. I wanted him to look at me—to stare at me and tell me it’s fine. Naikuyom ko ang kamay ko bago marahang tumango. “Thank you po, Uncle—I mean sir,” sambit ko at agad kong tinakpan ang bibig ko. Doon ko na siya nakitang mag-angat ng tingin. Kitang-kita ko kung paano diretsong tumitig sa akin ang kulay kape niyang mga mata bago siya marahang bumuga ng hangin kasunod ng marahang pagtango niya. “Pennie, look…” malamig niyang sambit. “…I’m your boss. Kahit pa anak ka ng matalik kong kaibigan, I still won’t give you any special treatment. So you better get your acts straight and compose yourself dahil bilang lang ang mga pagkakataon na mapapalagpas ko ang mga pagkakamali mo,” mariin niyang dagdag. Mabilis akong tumango. “O-Opo. I…I’m sorry po,” tugon ko at mabilis na yumuko para itago ang ekspresyon ko. “Instead of apologizing, ayusin mo na lang ang trabaho mo,” walang emosyon niyang sabi. “Y-Yes, sir,” sagot ko at mabilis na tumalikod sa kanya at uupo na sana nang may kumatok sa pinto kaya wala akong ibang choice kundi ang buksan ito. “Delivery for Mr. Jimenez,” sambit ng delivery man sabay pakita sa akin ng isang malaking kulay beige na box na may red cursive letters. “Brioni…” pagbasa ko sa nakasulat sabay tanggap nito. Inilagay ko muna ito sa tabi sabay pirma sa papel na dala ng delivery man. “Thank you,” nakangiting sabi ko sa kanya. Pagkaalis nito ay kinuha ko na ang box at muling lumapit kay Uncle Isidro. “S-Sir, delivery for you po.” “Oh, that must be the suit I ordered,” walang emosyong sabi niya bago tumayo. “Come and follow me.” “Po?” tanong ko dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. “Follow me and help me put on my suit,” paglilinaw niya pero mas lalo akong naguluhan. Magsasalita pa sana ako pero naglakad na siya papasok sa isang pinto. Napamura na lang ako sa isipan ko. I couldn’t stop wondering kung bakit kailangan pa niyang magpatulong magsuot ng suit, eh, kayang-kaya lang naman niyang gawin ‘yon nang mag-isa. “Kasali pa rin ba ito sa trabaho ko?” naibulong ko na lang bago sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD