Kabanata 5

1020 Words
Kabanata 5 I couldn’t help but breathe in relief right after the meeting ended. It was the first time I have ever attended a formal business meeting kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I just sat beside Uncle Isidro and listed down everything I deemed important. Nag-record na rin ako ng conversation nila para sigurado talaga akong wala akong mami-miss na detalye. I thought it would be easy. I thought kayang-kaya ko lang na gawin ang mga secretarial task na sinabi sa akin ni Miss Carla, pero iba pala talaga kapag actual mo an itong ginawa. Hindi lang ako basta-basta nakinig. I had to make sure I was actively listening. Kailangan ko ring intindihin ang pinag-uusapan nila. “What’s my next sched?” tanong sa akin ni Uncle nang makaalis ang ka-meeting niya. Isa pa sa pinanghihinayangan ko ay ang nakita ko kanina. They barely touched their food! Ang konti-konti na nga lang ng servings, hindi pa nila inubos. Para tumikim lang tapos wala na. That was my first time eating in a luxurious restaurant, the type that only caters a limited number of people. It was a restaurant for the highest of the elites. Ngayon ko lang talaga napagtanto ang agwat sa karangyaan namin kay Uncle Isidro. Hindi naman ako lumaking mahirap dahil nasa middle income class kami. I was able to experience things I thought to be luxury not until today. Napapaisip tuloy ako kung paano naging matalik na magkaibigan ang mga magulang ko at Uncle Isidro. “Pen?” Napakurap-kurap ako nang muli kong marinig ang boses niya. “S-Sorry, sir. Your next sched is…” Mabilis kong tiningnan ang schedule niya sa iPad ko. “Another meeting with Mr. Sy at 1:00 PM.” Marahan siyang tumango bago tumingin sa relo niya. “We still have an hour,” aniya bago siya tumayo. “Let’s go.” Tumango lang ako at sumunod sa kanya papunta sa parking lot. Akala ko ay aalis na kami pero bahagyang nangunot ang noo ko nang mapansin kong nire-recline niya ang upuan niya. “Sir?” “I’ll take a nap. Gisingin mo ako after thirty minutes,” walang emosyon niyang sabi bago siya sumandal sa upuan at mabilis na pumikit. “Don’t make a noise, got it?” Tanging pagtango na lang ang ginawa ko bago ako sumandal na lang din sa upuan. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa schedule niya sa buong araw. Mas mabuting i-memorize ko na lang para less hassle. Matapos ang ilang minuto ay natigilan ako nang marinig ko ang mumunting hilik ni Uncle Isidro. Agad akong napatingin sa gawi niya at hindi napigilang mapatitig sa mukha nito. Bahagyang nakabuka ang kanyang mga labi at mukhang mahimbing na mahimbing na ang tulog niya. Dahil doon ay nagkalakas loob akong titigan ang mukha niya at doon ko mas napansin ang maalon niyang mga pilikmata. Napakaguwapo niya. Sobra. Kung hindi ko lang talaga kilala si Uncle Isidro, iisipin ko talagang nasa early thirty’s pa siya. Habang nakatingin ako sa mukha niya ay napako ang mga mata ko sa labi niya. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at bigla akong napalunok sabay kagat sa ibabang labi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I kept on looking at his lips as if I was tempted to feel it. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sabay buga ng hangin. Dama ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko. Idagdag mo pa ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba na baka mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ano na lang ang iisipin niya? We may not be blood related, pero parang kapatid na siya ni papa. He’s basically my uncle! God, what am I even thinking?! Napailing na lang ako at itinuon ang atensyon ko sa labas. Pero napamura na lang ako nang mas lalo pang tumindi ang kuryusidad ko. I want to know how his lips feel like! Huminga ako nang malalim bago siya muling hinarap. Napalunok ako ng laway kasabay ng nakakabinging tibók ng dibdib ko. Dahan-dahan ay lumapit ako sa kanya at marahang inilapit ang hintuturo ko sa labi niya. Habang palapit nang palapit ang daliri ko sa labi niya ay halos mabingi na ako sa lakas ng tibók ng puso ko. At nang isang pulgada na lang ang layo niya sa akin ay kitang-kita ko kung paano marahang magmulat ang mga mata niya sabay diretsong tingin sa akin. Sa sobrang taranta ko ay mahina kong hinampas ang pisngi niya. “M-May lamok, sir!” bulalas ko sabay upo nang tuwid. Dama ko ang mabilis na pagragasa ng dugo sa magkabilang pisngi ko na pakiramdam ko’y may lalabas na usok sa tainga at ilong ko dahil sa labis-labis na init na nararamdaman ko. “Lamok?” halos pabulong niyang sabi bago siya umupo nang maayos. “Y-Yes po. A-Ayaw ko po kayong magising k-kaya dadahan-dahanin ko sana ang paghampas…” alibi ko at gusto ko na lang magmura nang malakas at utusan ang lupa na lamunin ako. “I see…” aniya bago pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi niya. “I have to get this car cleaned again.” “O-Opo. M-Mahirap na baka magkasakit kayo,” segunda ko at hilaw na ngumiti. “Yeah,” tipid niyang tugon bago binuhay ang makina. “I had enough nap. Let’s go to my next meeting.” Tumango lang ako sa kanya bago ako tumingin sa labas ng bintana at pasimpleng pinaypayan ang sarili ko. What’s wrong with me? Nababaliw na yata talaga ako! “Are you okay, Penelope?” biglaang tanong niya sa akin. “Pulang-pula ang mukha mo,” dagdag niya pa bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. “O-Okay lang po, sir,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kanya. “Nothing to worry about.” “Okay. Good,” aniya at itinuon na ang atensyon sa daan. Napapikit na lang ako sabay kuyom ng kamay ko. I have to get my acts straight. I can’t keep letting myself get distracted by him. Fora Pete’s sake, he’s my uncle!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD