Kabanata 1

1403 Words
Kabanata 1 Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko pagkapasok na pagkapasok ko ng opisina. Naroon na at naghihintay sa akin si Miss Carla, ang secretary ni Uncle Isidro. Nagpakilala na ito sa akin kanina at kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko dahil sa angking bait nito. Ang kalmado pa ng boses. “Hintayin na lang natin si Sir Sid, ha? He’ll be here any moment from now,” malambing niyang sabi habang nakaupo siya sa may desk niya. “You can tour around the office to get yourself familiar with the environment,” suhestiyon niya at matamis na ngumiti sa akin. “After all, a month from now, ikaw na muna ang gaganap bilang secretary ni sir.” “P-Po?” Mabilis akong napatingin sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata. Naituro ko pa ang sarili ko. “What do you mean, Miss Carla?” “Maternity leave,” simpleng sagot niya bago itinuro ang tiyan. “I have to stop working until manganak ako. Maselan kasi ang pagbubuntis ko, eh.” “P-Pero hindi ko pa po alam ang kalakaran dito,” tugon ko sa kanya at mabilis siyang nilapitan. “Fresh graduate pa lang po ako.” “Don’t worry, I’ll guide you and teach you everything you need to know,” paninigurado niya sa akin. “Hindi ka naman masyadong mahihirapan sa trabaho dahil organized na tao si Sir Sid. He does his own schedule. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-follow up and do other secretarial tasks,” pagpapatuloy niya. “I checked your resume and saw you had related experiences during your OJT kaya sure akong madali kang makakapag-adapt sa working environment.” “O-Okay po,” nasabi ko na lang sa kanya at pilit na ngumiti. “I’ll do my best to learn as soon as possible,” dagdag ko at mas lumapit pa sa kanya. “Pero may tanong po ako…” “What is it?” Huminga ako nang malalim bago nagpalinga-linga sa paligid. “Anong klaseng boss po ba si Unc—Sir Isidro?” tanong ko at kamuntik ko pa siyang matawag na uncle. “Hmm…” Inilagay ni Miss Carla ang kamay sa bibig sabay tingin sa malayo. “He’s the silent yet observant boss. Iyong akala mong walang pakialam sa ginagawa mo, pero napapansin niya pala and he’s just jotting down notes, pagkatapos ay sasabihin niya sa ‘yo ang mga naobserbahan niya kapag nakahanap siya ng perfect timing.” Sabi na, eh. “I see…” Iyon na lang ang nasabi ko bago ako nagpaalam na maglilibot-libot muna sa opisina. Hindi ko na siya inabala pa dahil mukhang may gagawin pa siya. Gusto ko nga siyang tulungan, pero sinabi niya na huwag daw muna dahil saka lang ako magsisimula sa trabaho kapag dumating na si Uncle Isidro at naipakilala na niya ako rito. Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Miss Carla dahil padating na raw si uncle. Magkatabi kaming tumayo sa tapat ng pinto para batiin siya pagkapasok na pagkapasok niya. “He’s coming…” bulong sa akin ni Miss Carla kaya naalerto na rin ako. At ilang sandali pa nga lang ay bumukas na ang pinto kasabay ng pagpasok ni Uncle Isidro. Nakasuot ito ng black coat na may white inner clothe at ipinares sa black pants and black office shoes. May dala rin itong leathery, brown office bag. “Good morning, sir,” bati ni Miss Carla. “This is Penelope, ang assistant secretary n’yo,” pagpapakilala niya sa akin. “G-Good morning, sir,” bati ko at bahagya pang yumuko para lang hindi ko siya matingnan sa mga mata niya. Ramdam ko kasi ang titig niya sa akin. “Good morning,” malamig niyang bati sa amin. “Kindly guide her, Carla. Teach her the basics para maging handa siya sa oras na mag-leave ka. Make sure she learns the basics, dahil kapag hindi, ikaw rin ang mananagot,” striktong dagdag niya bago niya kami nilagpasan at dire-diretso siya sa kanyang lamesa. Hindi ko napigilang sundan siya ng tingin. Napaawang pa ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang hindi man lang siya ngumiti sa amin, o kahit man lang sa akin. Parang wala lang sa kanya na narito ako; na para bang hindi niya ako kilala. “Tara na, Penelope, magsimula na tayo. I’ll teach you the basics gaya ng sabi ni sir,” sambit sa akin ni Miss Carla bago niya ako ginabayan papunta sa table niya. “Huwag mo ipahalatang bothered ka sa pagiging cold niya—mapapansin niya ‘yon, I’m telling you,” bulong niya sa akin. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Pero hindi ko pa rin mapigilang tingnan si Uncle Isidro paminsan-minsan. Nakaharap lang ito sa laptop niya at tila ba’y walang pakialam sa paligid niya. Bahagya lang nakakunot ang noo niya habang nakasuot ng reading eyeglasses na bagay na bagay sa kanya. Ang talino niyang tingnan at mas gumwapo rin siya dahil sa salaming suot niya. Sa tangos ng ilong niya ay kahit pa magtatatalon siya ay hindi bababa ang salaming suot niya. Hindi ko rin mapigilang mapatingin sa labi niyang tila isang tuwid na linya lang. Kung hindi ko lang talaga gaanong kilala si Uncle Isidro ay masasabi ko talagang suplado siya. Well, may pagkasuplado talaga siya, pero not to the point na ganito—na para bang hindi siya marunong ngumiti. Ibang-iba ang awra niya sa trabaho. Nakakatakot. “Penelope…” Napaigtad ako at mabilis na nag-iwas ng tingin nang sambitin niya ang pangalan ko. Malalim at baritono ang kanyang boses. Lalaking-lalaki. “S-Sir?” tugon ko habang unti-unting nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nakita kong nakatingin pa rin siya sa laptop niya. “Bring me a glass of water. Now,” matigas niyang sabi kaya mabilis akong tumayo at nagtungo sa may mini pantry ng opisina kung saan nakalagay ang maliit na ref. Mabuti na lang talaga at naglibot-libot ako kanina. Agad akong nagsalin ng tubig sa baso at dali-dali itong dinala sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ako natataranta. I feel so tensed. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang namamawis pa ang mga palad ko. “S-Sir, heto po,” sambit ko sa kanya nang makalapit ako. “Just put it there. Thanks,” malamig niyang sabi nang hindi man lang ako nililingon. “Okay po,” halos pabulong na tugon ko at ibinaba ang baso sa mesa. At sa kamalasan nga naman, hindi ko ito nailapag nang maayos kaya ang nangyari ay natumba ito. At sa pagkataranta ko na saluhin ito, ay mas natapon pa ang tubig dahilan para mabasa ang suot niyang pantalon. “What the—!” “S-Sorry, sir! Sorry!” tarantang sabi ko sabay kuha ng panyo sa bulsa ko at mabilis na lumuhod para punasan ang pantalon niya. Sa sobrang kaba at pagkataranta ko ay hindi ko na alam ang ginagawa ko. “Stop,” matigas niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya. Ramdam ko ang pwersang inilalabas niya para pigilan ang kamay ko. “I’ll do it myself,” aniya bago binitawan ang kamay ko. “Penelope…” Mabilis na lumapit sa akin si Miss Carla at tinulungan akong makatayo. “Anong ginawa mo?” bulong niya sa akin. “Carla, call someone to clean the mess,” matigas nitong utos. “And call the store to bring me a new set of clothes.” “Yes, sir. I’ll do it right away,” tugon ni Miss Carla sabay tingin sa akin. “Calm down, okay? Calm down. Breathe.” Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatulala lang ako habang lumalayo sa table ni Uncle Isidro. Pero ang rason ng pagkatulala ko ay hindi lang dahil sa kapalpakan ko, kundi dahil na rin sa ginawa ko. Huli na nang mapagtanto ko na ang pinupunasan ko na palang parte ng katawan niya ay ang pagitan ng mga hita niya. At ang mas malala pa, nakita ko kung paano humulma ang katawan nito sa basa niyang pantalon. Kahit ilang segundo lang akong napatingin doon ay masasabi kong tumatak na ‘yon sa isipan ko. I just saw a glimpse of how big and thick Uncle Isidro’s díck is, and I couldn’t get it off my mind!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD