SIMULA

896 Words
SIMULA Isang mahaba at malalim na paglanghap ng hangin ang ginawa ko habang pinapasadahan ng tingin ang napakatayog na gusali sa harapan ko, ang main office ng Jimenez Corporation, one of the leading conglomerate companies in the Philippines. Sa dami ng sakop nilang negosyo mula real estates, banking, insurances, electronics, at marami pang aspeto na sakop ng pangangailangan ng mga tao, hindi na nakakapagtaka na ganito kalaki at kataas ang company building nila. After all, it’s a massive company with diversified business operations. At sinong mag-aakalang makakapasok ako rito bilang assistant secretary pagka-graduate na pagka-graduate ko? Wala. Not even my parents. Nabigla na lang kami isang linggo matapos kong makapagtapos ng kolehiyo na may job offer na para sa akin, at mismong ang CEO pa ng kompanya ang nag-alok, si Uncle Isidro, ang matalik na kaibigan ng mga magulang ko. Ilang beses ko lang nakita si Uncle Isidro—mostly, sa mga importanteng event lang sa bahay gaya ng birthdays. Years ago, noong nag-debut ako ay pinangakuan niya ako ng trabaho sa kompanya niya. Iyon daw ang regalo niya sa akin dahil wala siyang dalang regalo nang mga panahong ‘yon. Akala ko nga’y hindi niya tototohanin, lalo na’t napakalaki ng kompanya niya at ang daming naghahabol na makapasok dito. Some would even kneel just to get inside the corporation, yet here I am, gracefully making my way inside. Bago ako makapasok sa company building ay inayos ko muna ang suot kong white, fitted shirt na pinatungan ko ng black coat at pinarisan ng black pencil skirt at black high heels. Tinawagan ko na rin muna sina mama at papa para sabihin na magsisimula na ang trabaho ko bilang assistant secretary. Todo cheer naman sila sa akin at huwag daw kako akong kabahan dahil kayang-kaya ko raw ang trabaho. Nag-selfie na rin ako at in-upload ko sa social media accounts ko for memory purposes. “Kaya mo ‘to, Pennie,” bulong ko sa sarili ko at huminga nang malalim sabay hawak sa company ID ko at tumuloy na sa may gate. Nakangiti kong ipinakita ang ID ko sa guard. “Good morning po,” masiglang bati ko sa kanya. “Good morning, ma’am,” sagot niya at ngumiti rin. Hindi na niya tiningnan pa kung ano ang laman ng bag ko at hinayaan lang akong lumagpas, hindi dahil sa nagtitiwala siya sa akin kundi dahil may gate pass pa bago tuluyang makapasok sa lobby ng kompanya. Itinapat ko na ang ID ko sa scanner at kaylaki ng ngisi ko nang tumunog ito at bumukas para makapasok ako. Pangalawang beses ko nang makapunta rito pero nalulula pa rin talaga ako sa laki at lawak ng gusali. Halos gawa sa salamin ang paligid kaya napakaaliwalas. Modernon-moderno. Ito na yata ang pinakamagandang napasukan kong company building sa tanang buhay ko. Well, what do you expect from a prosperous company, right? Tumuloy na ako sa elevator. Ito pa ang gusto ko sa building na ito. Maraming elevator kaya hindi ka talaga makikipagsiksikan. Mayroon ding elevator na nakalaan lang para sa executives ng kompanya kaya makakaasa kang hindi mo makakasabay ang big bosses ng kompanya sa elevator, unless na lang kung nagtatrabaho ka directly sa kanila kagaya ko. Pero hindi ko rin naman magagamit ang elevators for executives dahil hindi ko kasama ang boss ko. Magagamit ko lang ‘yon unless hawak ko ang company ID ni Uncle Isidro na siyang magsisilbing elevator pass. Pagkapasok ko ay napangiti ako dahil wala akong naging kasabayan, which was a good thing dahil nagkaroon pa ako ng pagkakataon na tingnan ang repleksyon ko sa salamin at i-check ang suot ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kasabikan dahil bagay na bagay ang suot ko sa akin. Inayos ko lang nang bahagya ang pagkaka-bun ng buhok ko pagkatapos ay huminga na ako nang malalim para alisin ang kabang nararamdaman ko. Kahit pa kasi kilala ko na si Uncle Isidro ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Hindi kasi siya ang tipo ng uncle na todo ngiti at welcoming. Siya ‘yong tipong tahimik, bihira lang ngumiti, at para bang palagi kang inoobserbahan. Iyong tipong magsasalita lang kung kinakailangan. Sa lahat ng pagkakataong nakita ko siya ay mabibilang lang yata sa mga daliri ko ang mga pagkakataong nakita ko siyang ngumiti. He has always been this serious and mysterious type of a man. Ka-edaran lang siya ni mama at papa. He’s probably in his early forty’s. Pero kung mukha lang ang pagbabasehan, he looks younger than my parents and his actual age. Siguro nasa early thirty’s ang datingan niya, and it’s probably because of his Spanish ancestry. Malayo sa tipikal na pinoy ang physical features niya. He’s tall, probably a six-footer; maputi at makinis ang balat, prominente ang facial features, lalo na ang kulay kape niyang mga mata na tila kumikinang sa tuwing natatamaan ng araw. Iyon talaga ang palaging kumukha sa atensyon ko sa tuwing nakikita ko siya. His eyes have always been beautiful and striking for me, but they’re scary sometimes, lalo na sa tuwing seryoso itong tumitingin sa akin. Pagkarating ko sa 50th floor kung nasaan ang opisina niya ay bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga kasabay ng marahang pagtango. Saglit din akong pumikit at nanalangin na sana ay maging maayos ang simula ng pagtatrabaho ko sa kompanya ni Uncle Isidro. “Heto na, Pennie, good luck sa first day mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD