Chapter 3

739 Words
Chapter 3 3rd Person's POV; "Iputok mo!"sigaw ng matanda sa isang batang nasa limang taong gulang na kasalukuyang may hawak na baril at nakatutok sa isang matandang nasa 40s "Nagmamakaawa ako Mr.Aragon may asawa pa ako at mga anak maawa po kayo."mangiyak ngiyak ang matanda habang nakaluhod at nakayakap sa paanan ng isang bata para lang hindi ito barilin. "Sabi ko iputok mo!"sigaw ng matanda bago hagupitin ng matanda ang bata na kinasinghap ng tumama ang matinik sa latigo sa duguang likod ng kawawang bata. "Ako na lang gagawa papa."walang emosyong sabat ng isa sa labing isang bata na nakahanay sa unahan bago humakbang paharap at walang kaano anong kinuha ang baril sa isa sa katabing tauhan na kinagulat pa ng lalaki dahil sa bilis at hindi man lang nito naramdaman ang pag agaw sakanya. "K-Kuya."mahinang sambit ng bata pagkatapos tadtarin ng baril ang matandang ngayon ay naliligo na sa sariling dugo at nakahundusay na sa sahig. "Dahil hindi mo ako sinunod ngayong araw na ito hindi ka kakain."walang emosyong sambit ng matanda bago humakbang palabas ng basement kasunod ang mga tauhan nito. "Kung gusto mo mabuhay ng matagal matuto kang isipin ang sarili mo bago ang ibang tao...dahil sa impyernong ito..walang lugar ang mahina dito."malamig na sambit ng binatang nasa kinse anyos ng makita ang pagkatulala nito sa duguang katawan ng matanda. "Hindi sa lahat ng oras masasalo ka namin Airo kailangan mong lumaban tanggalin mo ang puso mo para mabuhay ka."sabat ng isa lang batang lalaki na nasa edad walo na kasalukuyang nakaupo sa nakataob ng drum. "Kaya kong pumatay..pero hindi ng inosenteng tao..kung may dapat mang mamatay dito si Papa yun."nanggagalaiting sambit ng bata habang nakayuko na kinatingin ng mga batang nasa loob ng basement. Denise Robles's POV; "Wala ka talagang balak sabihin ang pangalan mo noh?"ani ko habang tinitingnan kumain yung batang hindi ko alam ang pangalan. "Pahinging tubig ate yung mineral ah."request ng bata bago ngumiti ng malapad. "Ay bongga demanding kang tiyanak ka ah."komento ko bago ibigay sakanya ang tubig na nasa tabi ko. Ngumingiti na siya at tumatawa hindi katulad ng una pero hanggang ngayon hindi niya pa din sinasabi ang pangalan at ang mga putik nito sa katawan hindi pa rin niya tinatanggal. May nakikita din naman akong mga pulubing bata pero hindi naman ganito noh para siyang binabad sa putik. "Diba friends na tayo?bakit ayaw mo sabihin pangalan mo?"pangungulit ko pero imbis sumagot ngumiti lang ito at kumain. "Haynaku kang bata ka para pangalan mo lang hmmp."ani ko ng--. "Hey Looser dont tell me wala ka ng makaibigan kaya yang pulubi na lang yan ang pinaginteresan mo."napatingin ako sa harapan ng gate ng makita ko sina Venus na pinagtatawanan ako. Mayamaya napatigil ako ng matulala sila at mamutla habang nakatingin sa tabi ko kaya nilingon ko yung bata. Wala na ito dun at tanging lunch box ko na lang ang nandun. --- "Okay class dismiss."announce ng last subject teacher namin bago maglakad palabas ng classroom. "Yes uwian na!"Tuwang tuwa na sambit ng mga kaklase ko bago lumabas ng classroom kasama ang mga barkada nila habang ako?ito kinukuha na ang mga gamit ko para mag isang lumabas ng classroom. Hindi kasi ako yung tipong friendly hindi lang halata dahil dun sa bata ewan ko ba pero sobrang gaan ng pakiramdam ko pagdating sa mga bata siguro dahil sa hindi talaga naging maganda ang childhood life ko dahil wala akong kahit isang naging kaibigan. Nang makita ko na ang gate mabilis akong naglakad para makita yung bata baka inaantay na ako. "Bata."tawag ko sa bata ng makita ko siya sa gutter sa gilid ng bench at parang may sinusulat sa putik gamit ang daliri niya. Nang lumapit ako dun tiningnan ko ang sinusulat niya. "Khairo?"basa ko sa sinulat niya sa putik. "Yan ba ang pangalan mo?"tanong ko habang nakayuko pero hindi siya sumagot nanatili siyang tahimik habang ang baba niya nakapatong sa tuhod niya. "Ang ganda ng pangalan mo at marunong ka ng magsulat."komento ko na kinatingin niya. "Pagkain ate gutom na ako."ani niya na kinatawa ko mukha talagang pagkain ang batang toh. "Ito na baby Khai."natatawang sambit ko hindi ko alam kung ngumiwi ba ito o ano infairness cute niya ihh. "Gusto mo ba sumama sakin?"ani ko na kinatingin niya habang ngumunguya. "Wala ka bang magulang?i mean walang magagalit kung aampunin kita?patitirahin sa bahay ko?"dagdag ko na kinailing niya. "Its means pwede kitang makasama?"tanong ko na kinatango niya habang kumakain. "Yes!sige mamaya sasama ka sakin pero dapat maliligo ka ah magagalit si yaya pag madumi ka."ani ko pero hindi siya sumagot tinamad nanaman itong magsalita. Minsan sobrang daldal minsan naman sobrang tahimik ang wierd pero ang cute niya hihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD