Chapter 2

596 Words
Chapter 2 3rd Person's POV; Sa isang tagong kagubatan meron isang mansyon kung saan napapabulibutan ng daang daan na bilang ng militar na may hawak hawak na ibat ibang klase baril. Mula sa loob maririnig mo ang ingay ng hagupit ng latigo mula sa kwarto hanggang sa ilalim ng basement. "Hindi ka talaga magsasalita?!nasaan ang mga kapatid mo?!"sigaw ng matandang nasa edad 40's habang may hawak na latigo. "Sumagot ka!"sigaw ng matanda habang sunod sunod na nilatigo ang kawawang binatilyo na nakasabit ang dalawang kamay sa kisame at punong puno ng latay ang katawan. "Hinay hinay tanda baka atakihin ka sa puso sa sobrang takot mo."walang emosyong sambit ng binata habang nakangisi. Punong puno ng sugat ang katawan nito mula mukha hanggang talampakan pero hindi pa din mapagkakaila ang taglay nitong kagwapuhan sa kabila ng mga peklat at sugat nito sa katawan. "Ilang taon pa mahal kong ama...itong paraisong iniingatan mo para sayo...ito din ang lugar kung saan ililibing ka ng mga kapatid ko."nakangising sambit ng binata na agad ding napatigil ng sikmuraan siya ng matanda na kinaubo nito ng dugo. Alona Robles's POV; "Iha dami ng dala mo ah mauubos mo ba yan?"tanong ni manang ng makita ang ginagawa ko. "Ah opo manang."sagot ko bago yun ilagay sa bag ko at tumakbo palabas ng mansyon para pumasok ng kotse. "Goodmorning ma'am."bati ni Manong Lando na kinangiti ko. "Goodmorning manong school na po tayo."ani ko pagkapasok ng kotse. Andun pa kaya yung bata?ani ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. -- Pagkababa ko ng kotse at pag alis ni manong Driver naglakad na ako palabas ng gate para tingnan ang bata. "Ms.Robles anong ginagaw--." "Yung bata po kahapon pumunta po ba dito?"tanong ko kay manong Gwardya. "Ah hindi ko nakita ineng."sagot ni manong bago pumasok sa guard house hindi ko alam pero parang ninenerbyos si manong. "Ate."napaatras ako at napahawak sa dibdib ko ng makita ko yung bata ba hinihila hila ang laylayan ng bag ko. "Ano ka bang bata ka bigla bigla kang sumusulpot."ani ko bago habol hiningang binuksan ang bag ko at nilabas ang lunch box at mineral water sa bag ko. "Ayan kainin mo yan ah...mamaya ko na ibibigay yung panglunch mo pag tapos ng klase ko okay?"ani ko ng abutin niya yun. Katulad kahapon ganun pa din ang tyura niya na parang galing sa hukay dahil sa dami ng dumi at putik sa buong katawan niya. "Pupunasan kit--."Bago pa maidikit ko sakanya ang panyo ko humakbang na ito paatras at marahang umiling. "Bakit ayaw mo?mukha pa namang gwapo ka."komento ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Sa ilong pa lang kasi at features ng mukha nito mukhang may lahi dahil sa mga mata nito natatakpan lang talaga ng putik. Lumipas lang ang mga araw at buwan naging daily routine ko na yata ang dalhan siya ng pagkain at hanggang ngayon hindi pa din siya nagsasalita tungkol sa pamilya o anong pangalan niya kahit ang mukha nito hindi ko pa din nakikita. "Ma'am umuwi na po tayo."ani ni manong pagkahinto ng kotse sa harapan ko kaya tumayo na ako at hindi na lumingon pa dahil alam ko nawala nanaman ang batang yun at wala na akong titingnan pa. Nang makauwi na ako sa mansyon tumuloy na ako sa taas para sana magshower ganun lang ang gawain ko pag uwi ng bahay, magshoshower,titig sa kisame kakain ng dinner mag isa at matutulog. Mula ng mangibang bansa sina papa ako na lang naiwan dito para ipagpatuloy ang pag aaral ko dahil ayoko sumunod sakanila ng step mother ko kaya mula 6 years old hanggang ngayong 13 years old nag iisa na ako tanging si Manang Rosing at manong Lando lang kasama ko na para ko na ding mga tunay na magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD