Chapter 4
Denise's POV;
"Jusmiyo kang bata ka alam ba ito ng mama mo?"tanong ni yaya na kinakamot ko sa pisngi.
"Kaya nga secret lang yaya kawawa naman kasi yung bata."bulong ko habang nakatingin sa hagdan baka kasi bumaba na si Khai.
"Ikaw na bata ka mamaya hawak yan ng sindikato mapahama--."
"Yaya siya kaya yung batang kinukwento ko sayo hindi siya hawak ng sindikato."putol ko kay yaya bago siya ayain papasok ng kusina.
"Pag nalaman yan ng mama mo yari ka dun sigurado ka bang wala yang magulang baka kasuhan tayo ng child trafficking diyan ah."ani ni yaya habang nagbabalat ng papaya.
"Si lola talaga ang daming alam... wala naman siguro."ani ko magsasalita pa sana si Lola ng mapatingin siya sa likod ko.
"Ihate this kind of stuff."napalingon ako ng marinig ko si Khai.
"Susmaryosep kaganda naman ng lahi nire sigurado ka bang galing sa kalsada ang batang iyan?"ani ni lola na kinagising ng diwa ko.
Kahit ako napatanong sa sarili ko kung pulubi ba talaga ang batang nasa harap ko kung ito ba si Khai na parang laging kaahon lang sa lupa.
"Ano lola hindi ko ala--."
"Gutom na ako ate."putol ni Khai bago yumakap sa mga hita ko habang nakatingala sakin.
Ito ba talaga si Khai?blue eyes,perfect nose kahit galing ito sa kalsada at posibleng kahit ano kinakain nito maputi at walang kabulok bulok ang ngipin nito,pink ng mga labi at may pagkabrown ang malambot na buhok nito.
Mukha itong anak mayaman kung tutuusin per--.
"Ate."napakurap ako bago lingunin si yaya na nakatingin din sa bata.
"Yaya baka may luto na pakibigyan ng pagkain si Khai."ani ko pero hindi natinag si yaya kay--.
"Manang."ani ko na kinagulat ni yaya.
"Jusmiyo marimar ito na kukuha na."napailing na lang ako bago buhatin si Khai at iupo sa high chair.
"Sigurado ka bang pulubi ka bak--."
"Wala na akong...magulang"putol ni Khai sa sasabihin ko.
3rd Person's POV;
"4 seconds."ani ng batang nasa sampung taong gulang habang may hawak na timer sa kaliwang kamay nito.
"New record Bumibilis kana sa pagaassemble ng baril."komento ng nasa trese anyos na bata lalaki habang may hawak na patalim.
"Pero wala pa ding tatalo kay kuya."komento ng bata bago ilapag sa lamesa ang baril.
"Nasaan pala siya?"tanong nito habang nililibot ang paningin sa basement.
"Pinarurusahan nanaman siya ni papa."sagot ng batang kasalukuyang nakahiga sa sahig habang nakatitig sa kisame.
"Anong nangyari?pumalpak siya sa misyon niya sa labas?"tanong ng bata na kinailing ng may hawak na record book.
"Napatay niya ang target niya."sagot ng batang nasa trese anyos bago maglakad sa kabilang bahagi ng basement.
"Pero bakit siya pinarurusahan?"tanong ng bata bago bumaba sa kinatutungtungang bakal na upuan.
"Narinig ko sa mga gwardya na pinagpapatay din ni L ang mga tauhan ni papa na sumusunod sakanya at bumalik dito."sagot ng batang may hawak na timer habang chinicheck ang baril na ginawa ng bata.
"Kung gugustuhin natin pwede na nating patayin si papa."napatingin ang bata sa kuyahing may hawak na record book.
"Pero hindi pwede."dagdag ng batang may hawak na timer.
"Dahil sakanya diba?"tanong ng bata na parang nanghihinayang na naiinis.
Denise's POV;
Tahimik kung pinagmamasdan si Khai habang mahimbing itong natutulog sa guest room.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala dahil sa mukha itong may lahi at mukhang mayaman.
Nang kukumutan ko na ito napatigil ako ng mapatingin ako sa bewang ni Khai na bahagyang tumaas ang suot nitong jacket.
Hahawakan ko ang laylayan ng damit ni Khai ng may malilit na kamay ang pumigil nun na kinatigil ko.
"Bakit ate?"paos na tanong ni Khai bago bumangon at umangat ng tingin sakin.
"A-ah wala sinilip lang kita."pagsisinungaling ko na kinatango niya.
"Matulog kana ate okay lang ako dito mas masarap matulog dito kaysa sa karton."malapad ang ngiting sambit nito na kinangiti ko.
"Mabuti naman kung ganun matulog kana."nakangiting sambit ko bago siya pahigain at kumutan.
"Goodnyt baby Khai ko."ani ko bago siya halikan sa noo at naglakad palabas ng kwarto.
Mabait na bata si Khai kaya alam kong hindi siya magsisinungaling sakin.