Gulat na gulat pa rin ako sa nangyari kahit ilang oras na simula nang lumabas siya sa opisina ko. Kung hindi pa kumatok ang nurse sa aking pintuan, hindi ko maiisip na marami pa akong schedule para sa araw na ito. Pumunta ako sa cafeteria para kumain ng lunch. Naabutan ko si Hennie na nakaupo sa tabihan ni Nera at may kausap na naman siyang nurse na ngayon ko lamang nakita.
Napansin ako ni Nera kaya agad niya akong kinawayan. Lumunok ako at unti-unting lumapit sa kaniya.
Paano ko kaya matitiis na itago na may nangyari sa amin ng pinsan niyang si Agape Luna?
Ngumiti ako at umupo sa tabihan niya. Nagtaas ng kilay sa akin si Hennie at uminom sa kaniyang tubig.
"May sinasabi sa akin si Hennie." panimula ni Nera at tumaas na rin ang kilay sa akin. Agad naman akong namutla sa ginawa niya, "Umalis ka raw agad sa bar noong pasko?" tanong niya.
Ngumuso ako at tumango. Wala akong gana na kumain.
"Umuwi ako. Medyo naging tipsy ako at ayaw ko naman na istorbohin si Hennie dahil mukhang marami ang naka-miss sa kaniya sa bar na iyon." sagot ko at umirap.
Gumuhit ang gulat sa mga mata noong nurse sa sinabi ko. Hennie just groaned na para bang may nabanggit ako na pagkakamali but I just shrugged. Kung pinapaniwala niya ang naive na nurse na ito na matino siya, hindi rin naman magtatagal at mabubuko rin siya. Lalo na at lahat na ata ng nurse rito, naging fling niya or fubu.
Tumayo ako at dumiretso na sa mga pagkain para kumuha roon bago naupong muli. Sa pagkakataong iyon, nawala na ang nurse at nakangisi na nang malaki si Hennie.
"Ikaw talaga, Dra. Almendras. Pakiramdam ko, crush mo ako. Sinisira mo ang diskarte ko sa mga babae, tsk." aniya.
"Asa ka, Hennessy." saad ko at sumubo na sa pagkain.
Humalumbaba si Nera sa mesa at nag-umpisa na mag-cellphone. May asawa na siya at isang anak. Nakikinig lamang siya sa asaran naming dalawa ni Hennessy nang bitglang may mag-video call sa kaniya. Halos mabulunan ako ng makita ang pangalan ni Agape sa screen.
Sinagot niya iyon at tamad na tamad na tumitig sa screen.
"Ano na naman ang kailangan mo, Agape?" tanong niya.
Gumalaw ang screen. Sumilip ako nang bahagya sa pag-aakala na si Agape iyon pero ibang mukha ang sumilip sa screen. Nakita ko ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin.
"Nera," tawag nito, "Are you at work?" tanong ng lalaki.
"Oh, George! Bakit cellphone ni Agape ang gamit mo? Magkasama ba kayo?" tanong niya pabalik.
May kamay na umagaw sa cellphone. Doon ako muntik na mabulunan dahil nakita ko si Agape. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Tumikhim na lamang ako at nagkunwaring kumakain kahit ang tainga, nasa sa kanila ang atensiyon.
"Are you still eating? Sige, tatawag na lang–"
"No, George. It's okay. Kailan ka pa nakauwi mula sa Army?" tanong ni Nera.
Ngumiti ang lalaki.
"Kanina lang. I will just ask a favor from you. I don't want Mama to get worried." aniya.
May malakas na puwersa ang umagaw sa cellphone at nabalik iyon kay Agape na mukhang wala ng pagtitimpi sa mukha. They're inside a car.
"Nera, our stupid cousin is bleeding to death." aniya.
Gulat ang mukha ni Nera at kahit ako, hindi ko na maitago na mapatingin sa screen.
"What?" tanong niya.
"This idiot just got into a shooting incident but did not go straight to the hospital. Papunta na kami diyan. Meet us at the emergency, okay?" sabi ni Agape at agad na pinatay ang tawag.
Aligaga si Nera at nagpunta agad sa emergency room. Matapos kumain, nagpunta ako roon dahil sa pag-beeper ng isang intern sa akin.
"Just bring the patient to these further tests. Tapos ipakita mo sa akin ang result after to rule out the possible scenarios." seryosong sabi ko.
"Sige po, Doc." sagot nito at agad na umalis.
Tumitingin ako sa chart nang bumukas ang isang kurtina sa tapat ko. Napatingin ako roon. Natigil ang paglalagay ko ng ballpen sa aking coat dahil nagkatinginan kami ni Agape na nakaupo sa paanan ng kama sa tabihan ng kaniyang pinsan na may gunshot wound sa bandang baywang.
"Ano ba, Agape! Sabi nang huwag mong buksan iyan eh. Lumabas ka na nga muna." galit na saway ni Nera.
Hindi siya pinansin ni Agape na straight lamang ang tingin sa akin. Ganoon rin ako sa kaniya. Ngumisi sa akin si Nera saglit bago bumalik sa pagtahi ng sugat. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. Naghahanda na akong umalis nang may patakbong nurse ang lumapit kay Nera.
"Doc, Emergency! 'Yong client po natin, dilated na." sabi noong nurse.
"Ano?" gulat si Nera.
Lumingon siya sa paligid at nagtapo muli ang mga mata namin. Kinabahan ako dahil mukhang alam ko na ang mangyayari roon.
"Germ," tawag niya.
Nag-angat ako nang tingin at ngumiti ng tipid.
"Yes, Nera?" tanong ko at nagkunwari pang nagsusulat ng kung ano sa chart.
"This is urgent. Can you close my cousin's wound for me? I really need to go." sabi niya.
Tumingin ako sa paligid. Walang available intern at ako lang ata ang milagro na walang ginagawa ngayon. Si Hennie may kausap na pasyente. Tumango ako at agad na lumapit.
"S-Sure, Nera. Suture na lang naman." sagot ko.
"You're the best!" ani Nera at agad na tumakbo.
Nanatili akong nakatayo roon. Tumikhim ang nurse na nag-aassist kay Nera. Lumapit na lamang ako papasok at sinara ang kurtina. Binigyan ako ng gloves. Umupo ako sa harapan ng topless na si George habang nararamdaman ko ang mga mata ni Agape.
I picked up the needle holder to start. Ngumiti ako sa pasyente na nakangiti rin sa akin. Nag-focus ako sa paagtahi noon. Fresh pa ang sugat niya. Tiningnan ko ang bala na kinuha ni Nera mula sa katawan niya. Sa tabi niya, naroon ang pang-itaas na camouflage uniform niya.
"Sundalo ka?" tanong ko.
I always engaged to small talks para hindi ma-awkward antg pasyente sa procedure. Isa pa, sa sobrang tahimik namin nararamdaman ko ang tensiyon sa pagitan namin.
Oh baka naman, ako lang ang affected?
"Yes, Doc." sagot niya at pinakita ang dog tag.
Ngumiti ako.
"Cousin ka ni Doc. Nera?" tanong ko.
Agape mentioned na cousin sila but the guy's surname on the uniform is QUERIO.
"Distant Cousin." sagot niya.
Mukhang hindi pa ganoon karami ang dugong nawawala sa binata. I guess, over reacting lang talaga si Agape. And speaking of the devil, nakatitig talaga siya sa akin.
"We are done," sabi ko na lang at ginupit ang thread.
Binigay ko ang mga tool sa nurse para maalis niya iyon doon. Lumabas muna saglit ang nurse kaya naiwan kaming tatlo roon. Tumayo ako at hindi maiwasan na mapatingin kay Agape na nakataas na ang kilay sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at sinubukan na lagyan ng benda ang katatahing sugat ni George.
I had to partial hug him para maipaikot ko ang benda sa kaniyang katawan. Dahil sa posisyon namin, hindi ko maiwasang mapatingin kay Agape. He's really checking me out. At kahit na wala namang bastos sa ginagawa niya, naiilang ako.
Uminit ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin. I can clearly remember that night with him. Gusto kong mapamura sa iniisip ko. Pumikit ako at pinagpatuloy ang pag-ikot ng benda. Matapos iyon ay nilock ko ito at tumingin kay George.
"Reresetahan kita ng mga gamot na puwede mong i-take. Painkillers. You should also clean the wounds. May kasama ka ba sa bahay ng sa ganoon ay matulungan ka nila?" I asked.
Umiling ito at ngumiti kay Agape.
"I do not want my mother to know about this. So, I will stay with my cousin here." sagot nito at ngumisi.
Tumaas ang kilay ni Agape sa sinabi ng kaniyang pinsan.
"You can stay at my penthouse but I will not help you dress your wound. Call Nera or Clyde sa tutal sila naman ang mga uto-uto sa atin. You bled on my car, and that's enough." aniya.
Umiling na lamang ako at nagsimula nang maglista ng mga gamot. Napansin ko na hindi talaga tinulungan ni Agape ang pinsan niya sa pagsusuot ng uniform kaya naman binaba ko ang papel at agad na dumalo sa kaniya. I can feel Agape's eyes on me again pero hindi ko pinansin ito muli.
Ngumiti sa akin ang lalaki matapos ko siyang tulungan pati na rin sa pagbubutones ng kaniyang uniform.
"Thank you, Doc. Germaine Almendras," pagbasa niya sa coat ko.
Ngumiti ako pabalik.
"Welcome rin, uh, Captain Querio?" tanong ko, hindi sigurado kung anong rango ang nasa balikat niya.
Tumawa siya saglit sa akin pero naglahad din ng kamay.
"Major George Querio," pakilala niya.
Tinanggap ko iyon. Tumingin siya kay Agape.
"This is my cousin, Agape Mikhail Luna." aniya pa.
Ngumiti lamang ako ng tipid. Tumaas ang kilay ni Agape sa ginawa ko. Kinuha ko na ang ballpen para muling magsulat ng tumikhim si Agape at naglahad ng kamay.
"You won't even shake my hand, Doc?" tanong niya, may tonong patuya.
Namutla ako sa ginawa niya. Gusto niya ba talagang mag-handshake kaming dalawa? Nahihibang na ba siya?
Pero dahil ayaw ko naman na magmukhang big deal iyon. I just accepted his hand and shook it briefly. May kaunting kuryente akong naramdaman sa paglapat ng kamay niya sa akin. Hindi ko na lang pinahalata iyon at agad na kinuha ang ballpen. Nakangisi na siya parang nanalo siya.
Pinunit ko ang sheet ng pad at binigay iyon kay George.
"Ito ang mga gamot na puwede mong bilhin. Nandyan na rin kung kailan mo iinumin. Available iyan sa pharmacy." sabi ko at ngumiti.
Tumango siya at nilagay iyon sa kaniyang bulsa.
"Salamat, Doc." aniya at bumaling sa pinsan, "Sa pharmacy lang ako. Kita na lang sa sasakyan."
Ngumuso si Agape at agad na namulsa. Naiwan naman ako roon at nag-spray ng alcohol.
"Damn, are we gonna pretend that you don't know me?" tanong niya.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"What? We just met earlier, Mr. Luna. Also, I thought you don't want your cousin to know about your condition?" tanong ko pabalik.
Ngumisi si Agape at kinagat ang labi.
"Oh, right!" aniya na para bang naalala niya iyon.
Tiningnan niya ako sa mata at ngumiti.
"About that, I will go to your unit later tonight. Let's talk there." sabi pa niya.
Lumaki ang mga mata ko.
"No. Not on my condo." sabi ko.
My unit is my sacred place at ayaw ko siya roon!
He groaned.
"My cousin will be at my penthouse. Just wait on your condo, Germaine. I'll knock later." aniya at agad na umalis.