I woke up because I felt difficulty in breathing. Nagising ako at bumungad sa akin ang isang malaking portrait sa bandang paanan ko.
Agad na lumaki ang mga mata ko at tumingin sa lalaking nakayakap sa akin, na siyang dahilan kung bakit hindi ako makahinga. Tulog na tulog pa siya at medyo nakakunot ang noo. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil sa unan na nasa pagitan namin na nakatakip mula sa ilong niya pababa.
Dahan dahan kong inangat ang kaniyang kamay at nilagay iyon sa kama. He groaned. Biglang gumapang ang kaba ko at hinawakan ang dibdib ko sa takot na baka magising siya. Saka lang ako nakahinga muli nang tumalikod siya sa akin at sinubsob ang mukha sa kaniyang kulay itim na unan.
Nagmamadali pero puno ng pag-iingat akong tumayo at halos mapamura dahil wala akong suot maliban sa dress shirt ng lalaking ito.
Hinubad ko iyon at agad na tinapon sa sahig. Pinulot at sinuot ko ang damit ko bago patakbong hinanap ang palabas sa kaniyang unit. I even picked up my bag recklessly and did not look back.
I was expecting to be out of his apartment pagkalabas ko sa kaniyang kuwarto pero mukhang nagkamali ata ako. Saka ko lang na-realize na this guy is living at the penthouse! At mukhang nasa second floor ako ng bahay niya.
Tiningnan ko muna ang first floor bago ako bumaba ng hagdan. It’s even amusing na wala siyang katulong man lang sa napakalaking penthouse na ito. I don’t even have the time to get amused dahil nagmamadali ako bago pa siya magising.
I remembered everything about last night. Hindi ako mapakali dahil it was so vivid at talaga namang out of the usual self ako. I even…
I even initiated the s*x!
I went inside the elevator to book a ride. But the location is the same with the condo towers where my apartment is located.
“Oh! Holy guacamole!” mura ko.
I clicked on my floor. I just had a one night stand with the guy living on the penthouse of my condo?
Tangina.
Tumakbo ako papunta sa unit ko. I even felt the end of my virginity pero hindi ko ininda iyon. I took a shower and cooked something before going to the hospital where I’m working.
Nagmamadali ako na sumakay sa taxi sa takot na makasalubong ko siya.
“You’re late.” sabi ni Hennie sa akin na may pinipirmahan sa nurse station.
Ngumiti ako sa nurse na binigay sa akin ang aking chart bago kinuha ang ballpen ko at nagsulat doon.
“Yeah. I got a hangover.” sabi ko.
Kumunot ang noo ni Hennie.
“Hangover? You spent one hour at the bar before you texted me. It’s impossible to get a hangover that quick?” aniya.
Umirap ako.
“It’s possible. I drank non-stop within that hour. Plus, malakas ang alcohol content ng ininom ko.”
sagot ko at iniwan na siya roon.
I had a minor surgery that morning. I spent two hours on it bago ako nag-consultation sa mga patient. Ganoon ang naging takbo ng aking araw.
Umuwi ako na para akong isang criminal. I did not even bother to look at everyone on my condo. Nakayuko at kunwari ay nasa cellphone ang atensyon sa takot na makasabay ko kung sinuman ang lalaking nakatira sa penthouse.
Nakahinga ako nang malalim nang makarating ako sa unit ko. Nagpahinga ako at naligo rin. Habang nasa shower ako, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi.
That faceless man was too good. Parang mas pinili ng utak ko na i-retain iyon dahil napakasarap ng moment na iyon. The opposite of what I want to do.
Nakatulog agad ako sa pagod. This is what I love about my job. Kapag may problema ako, I do not have the time to overthink dahil pagkauwi ko sa condo, makakatulog ako sa sobrang pagod.
Kinabukasan, ganoon pa rin ang routine ko. Nagmamadali lumabas ng tower hanggang sa makasakay ako.
Next time, I should ask the management sa details ng nasa penthouse para hindi na ako masiyadong natatakot. I would remember his face para mas madali makaiwas.
Marami kaming pasyente dahil dalawang araw pa lang simula noong pasko.
I got consultations for the whole morning. Katatapos ko lang sa pinakahuling pasyente.
A knock came on my door. Lunch time na. Tumingin ako sa station nurse na nakatingin sa akin at mukhang aligaga.
“Yes?” tanong ko.
“Doc, may naghahanap po sa inyo sa labas. Urgent daw po.” sabi nito.
Kumunot ang noo ko.
“Sino raw?” tanong ko ulit.
Lumunok ang nurse at nagkibit-balikat.
“Hindi ko po kilala e. Pero kilala niyo raw po siya. Hindi daw po siya aalis hangga’t ‘di niyo kinakausap?” sabi nito.
Nalaglag ang panga ko at agad na lumabas para tingnan kung sino iyon. Sa hindi kalayuang nurse’s station, nakatayo roon ang matikas na lalaki. He’s wearing a suit at halatang expensive ito.
Kumunot ang noo ko. I know him. He’s a famous businessman at sikat na sikat siya sa internet for his good looks. If I am not mistaken, pinsan ito ni Nera.
Bakit niya ako hinahanap?
Kahit na nalilito, lumapit ako sa kaniya. Nakita niya ako at nakita ko ang paghakbang niya papalapit sa akin.
“Doc. Germaine Almendras?” tanong niya.
Kumurap ako. He even knows me?
“Yes, ako nga. Why do you know my name?” nagtatakang tanong ko.
“Here,” sagot niya at iniabot ang lisensya ko. “You left this at my—”
“Ah!” pagputol ko sa kaniya dahil nanonood ang mga nurse sa station.
Tumingin ako sa kaniya at nanghihina na ngumiti.
“Let’s talk inside my office?” sabi ko at agad na naglakad papunta roon.
Sumunod naman siya sa akin. When he entered, agad kong sinara at nilagay sa lock iyon. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
At parang ngayon lang pumasok ang lahat sa utak ko. He’s the guy? Why can’t I even remember kung siya nga ba ang lalaking iyon? Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Nera would kill me kapag nalaman niyang nakipag-one night stand ako sa pinsan niya.
“You’re that guy?” tanong ko at umupo sa swivel chair ko.
Tumango si Agape sa akin. Nilapag niya ang lisensya ko sa mesa at nagtangka akong kunin iyon pero mabilis niyang tinaas iyon.
I flashed my irritation. I did not even know na nawawala ang lisensya ko.
Seryoso naman niya akong tiningnan.
“Panagutan mo ako.” aniya.
Laglag ang panga ko. Ano raw?
Nahihibang na ba siya?
Anong panagutan ang pinagsasasabi niya?
Natawa ako sa sinabi niya at sarcasm iyon. Mukha namang hindi siya nakikipagbiruan dahil maigting ang panga niya.
“That night… did you do something to me?” tanong niya.
Umupo siya sa harapan ko at pinagkrus ang kaniyang mga braso.
“What do you mean?” tanong ko.
Tumikhim siya at mukhang tuliro.
“I cannot do it anymore. What did you do to me? You’ve broken me, Germaine.” aniya.
“I don’t get you.” saad ko at huminga nang malalim bago tumingin sa kaniya.
“Look, it’s funny. Ako ang babae sa ating dalawa at imposible naman na mabuntis kita. Can we just forget about that night? Iyon naman ang purpose ng one-night stand hindi ba? To just scratch the one time itch.”
Tumaas ang kilay ni Agape.
“Says the girl who gifted her virginity on Christmas—”
“Hep! Ano ba talaga ang gusto mo? Don’t tell me you fell in love with me?” tanong ko, hindi makapaniwala.
He’s a good looking guy kaya hindi ko alam bakit mag-e-effort siya na pumunta sa hospital para lang kitain ako.
I’m sure there’s a long line of girls wanting him. Nera said that her male cousins are all womanizer. Kaya hindi na ako naninibago.
“Don’t think highly of yourself, Doc. Germaine Ramos Almendras.” he said and smirked.
Tumaas ang kilay ko.
“I came here because you need to take responsibility. It’s a good thing you’re a doctor. After that night, I cannot get to do it. You’ve broken my thing.” he said.
Nakita ko ang pagpula ng tainga niya sa sinabi niya. Tinagilid ko ang ulo ko sa sobrang gulat.
“Ano’ng ibig mong sabihin? Kanina pa ako naguguluhan sa’yo—”
“I cannot get a hard on anymore, okay?” inis na sabi niya. He looked irritated and helpless, “Tell me, did you bite it?”
Kung puwede lang na bumagsak ang panga ko sa sahig, baka kanina pa iyon nangyari.
“Of course not! Kung kinagat ko ‘yan, you must have been felt it! Saka ano ang tingin mo sa akin? Aso?” tanong ko, medyo offended.
“That’s what I thought. Come on, I don’t know what to do. Ang alam ko lang, my d**k last worked when we did the deed. After that, I cannot get a hard on anymore.” sabi niya.
“How did you know you cannot have a hard on anymore? Don’t tell me, you’re about to do it last night?” tanong ko.
Tumaas ang kilay niya.
“What’s so amusing about that?” tanong niya pabalik.
Tumawa ako na hindi pa rin makapaniwala. Araw-araw ba siyang nakikipag-one night stand? At ganoon niya kabilis nalaman na hindi na tumitigas ang kaniya?
“Wow! You’re really a womanizer.” pag-iling ko.
Lumunok ako. I cannot believe it. I gave my virginity to a womanizer and I broke his D. I can’t even say it.
Aligaga ko siyang tiningnan.
There are doctors who specializes at erectile dysfunction at this hospital that might help him. I should ask Nera for advice.
“My diagnosis is that you have an erectile dysfunction. It may be caused by stress or what. Pero hindi pa iyon sigurado. We may get rid of other possibilities for that. May mga doctor kami na nag-specialize with your case. I think we should ask help—”
“No!” firm ang sagot niya. “No one can know about this okay? This should be between us.”
Umiling ako.
“I am a doctor. Pero hindi ito ang specialization ko. I am a pediatric surgeon, okay? Don’t worry doctors in this hospital is professional and can help you.” saad ko.
Umiling siya ulit at bahid na ang galit sa kaniyang mukha.
“Hey, you do not understand. This is a shame on my part, okay? I am not Agape Luna without the thing. This is a big issue that must be resolved as soon as possible. And no one can know because if you’re not aware, I am a public figure. This may ruin me, okay?” paliwanag niya.
Ako naman ang umiling. Sobrang babaw ng reasons niya. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
“Even your cousin Nera cannot know about this?” tanong ko.
Lumaki ang mga mata niya.
“Damn, do you even know my cousin?” tanong niya.
Tumango ako at tinuro ang isang picture frame kung saan naroom kaming tatlo nina Hennessy.
“She’s my friend and a colleague at this hospital. So, yeah.” sagot ko.
Pumikit siya at sumandal sa upuan niya.
“Mas lalong hindi niya puwedeng malaman, okay? The moment she knew, my cousins will automatically know about my condition.” sabi niya.
“What do you want me to do?” tanong ko.
Tiningnan niya ako.
“There’s one thing I need you to do for me, Doctor.” sabi niya at binaba ang lisensya ko sa mesa at unti-unting ini-slide iyon sa harapan ko.
“H-Huh?” tanong ko.
“You need to take responsibility of me until you found what caused my condition.” aniya.
“Ha? Teka, wala pa tayong pinagkakasunduan na ako ang gagamot sa’yo—”
“You have no choice, Doc. The moment you woke up on my bed, you’re responsible of me. I got your number and I already know that we live on the same tower as I own it.” sabi niya.
At doon ay tuluyan ng nalaglag ang panga ko.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa panloob na bulsa ng kaniyang coat. He pressed something and my phone at my pocket immediately vibrated. Kinuha ko iyon at tiningnan. He showed his cellphone screen at me.
“See? I will use all my resources and connection the moment you run away from me or tell anyone about my condition.” banta niya.
“Are you blackmailing me, Agape?” tanong ko, hindi makapaniwala.
Tinagilid niya ang kaniyang ulo.
“Let’s say we are friends now. Just save my number. I will call you later.” utos niya at agad na lumabas sa opisina ko.
Look at the repercussions of what you did, Germaine! At mukhang wala na rin akong kawala kay Agape Luna.