Chapter 2

1805 Words
Chapter 2 Nisse's Pov TAPOS NA ang klase namin kaya nag aayos na ako ng gamit upang makauwi na sa bahay na sobrang tahimik. Sa totoo lang ay naiingit ako sa classmate kong isa na kanina pa ka chat ang mama niya dahil tinatanong siya kung anong gusto niyang ulam. Yung isa ko namang classmate ay susunduin ng kanyang daddy. Ako, heto, maglalakad at walang nagtatanong sa 'kin kung anong gusto kong ulam. Baka nga kumain na ako sa labas. Para pagdating ko sa bahay ay deritso na ako sa kwarto ko. Mamaya pa kasi uuwi yun si mommy at daddy. Minsan talaga ay hindi ko na sila nakikita pa. Sa umaga kasi ay maaga sila umaalis at kapag gabi naman ay gabing-gabi na sila umuuwi. Natatawa nalang ako sa pamilya ko. Naglakad na ako palabas ng gate ng mag isa. Panay pa ang sipol sa 'kin ng grupo ng mga kalalakihan na nakatambay sa gilid. Para silang mga tanga. Hindi naman mga gwapo. Mga amoy pawis. Dire-diretso lang ang lakad ko at hindi ko nalang sila pinapansin. Taas noo akong naglakad hanggang sa marating ko ang gate. Kanina ay nag search na ako ng restaurant kung saan ako pwede kumain. Agad akong naghanap ng taxi dahil ayaw kong sumakay ng jeep. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil daanan ng taxi ang eskwelahan namin. Sumakay agad ako sa backseat at sinabi sa driver kung saan ako pupunta. Habang nakaupo ako sa taxi ay sinubukan ko pang mag send ng text sa mommy ko. Gusto ko lang malaman niya na nakalabas na ako ng school. Nang maisend ko yun ay tumingin ako sa labas ng bintana. Palagi nalang kasi akong nag t-text sa kanya kapag pauwi na ako. Pero kahit isang reply ay wala. Saka lang naman niya babasahin kapag nasa bahay na at hihingi ng sorry dahil busy daw siya at hindi na niya nakita ang text ko. Ilang sandali pa ay narating namin ang restaurant na napili ko. Itinigil ni manong driver ang taxi kaya inabot ko sa kanya ang pamasahe ko. "Thank you, manong." Pagpapasalamat ko saka ko binuksan ang pintuan at bumaba. Humugot ako ng malalim na hangin at nagsimula na akong maglakad papunta sa entrance ng restaurant. Dati, nahihiya ako kumain mag-isa. Pero ngayon, hindi na. Sanay na sanay na kasi ako kaya bahala sila tumingin sa 'kin. Wala naman akong pakialam kung wala akong kasamang kumain. Pumasok ako at tumingin muna sa paligid para maghanap ng bakanteng table. Nang makahanap ako ng bakante ay agad akong naglakad papunta do'n. Habang naglalakad ako ay may madadaanan pa akong table. May nakaupo do'n pero nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha ng lalaki. Nakasuot pa ng suit at sa balikat pa lang ay halatang may tinatagong angking kagwapuhan. Pero parang kilala ko siya. Likod pa lang ay alam na alam ko na kung sino. Napangiti ako dahil sigurado na ako na si kuya baby. Ang lawak ng ngiti ko habang naglalakad palapit sa kanya. "Hi, kuya baby!" Bati ko sa kanya. He immediately looked at me and it was obvious na ayaw niya akong makita. "Ikaw na naman." He said in an annoyed voice. "Are you following me, bata?" Tanong niya kaya natawa ako. Palabintang din pala 'tong crush ko eh. "FYI hindi kita sinusundan, kuya baby. Gusto kong kumain dito sa restaurant na 'to at kanin ko pa na search ang tungkol sa restaurant na 'to kaya wag mo akong pagbintangan dyan." Depensa ko. Kahit patay na patay ako sa kanya ay hindi naman ako sumusunod sa kanya. "I don't believe you, bata. Ikaw pa ba, papansin ka masyado." Saad niya kaya napasimangot ako. "I'm telling the truth, kuya baby. Grabe ka na sa 'kin ha! Porke't alam mo na type kita ay ginaganyan mo na ako. Hindi ba pwedeng nagkataon lang. Baka talagang destiny tayo sa isa't isa." Saad ko na halatang magagalit ang lalaki. "Kung ganun, maghanap ka ng table. Yung malayo sa table ko para hindi ko makita ang nakakairita mong mukha." Saad niya sa matalim na boses. Dapat ay mainis ako sa sinabi niya. Pero natawa ako dahil nasaksihan ko na naman kung paano magkasalubong ang kilay ni Morgan. Mukha ko palang pikon na siya agad. "Bakit ka nga pala nandito, kuya baby? Wala ka naman ka date dito diba?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman para makapag ready ako. "Meron. Kaya kung pwede ay umalis ka na sa harapan ko." Walang emosyon niyang sabi. "Sus.. meron daw. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, kuya baby. I'm sure sinasabi mo lang yan para umalis ako at umiyak. Hindi ako basta-basta na babae, kuya baby. " Saad ko habang nakangiti sa kanya. Sana talaga tamaan siya sa ngiti ko para naman marealize niya na maganda ako. Pinukol niya ako ng masamang tingin. "Get lost, bata! Kahit ngayon lang ay wag mo akong guluhin." Sabi niya kaya humagikhik ako. "So, ngayon lang? Bukas pwede ulit kitang guluhin, ganun ba?" Tanong ko sa kanya ngunit mas lalo lang siyang nainis sa 'kin. Magulo din siya kausap eh. Sabi niya kahit ngayon lang wag ko daw siya guluhin. Hindi na niya alam ang meaning no'n? "Okay, sabi mo eh. Hindi kita guguluhin ngayon, kuya baby. Pero bukas, guguluhin ulit kita. Ang ganda ko kaya. Araw-araw akong maganda kaya sigurado ako na mas lalong gaganda ang mood mo." I said while smiling sweetly. "Get out of my sight." Sabi niya kaya napanguso ako. Ang lakas kasi nagpakakasabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga ibang customer. Nakaramdam ako ng hiya kaya yumuko ako at napagpasyahan na lamang na maglakad papunta sa table na napili ko. Ang sama talaga ng ugali niya pagdating sa 'kin. Pero kahit ganun ay hindi ako susuko. Gustong gusto ko siya kaya bakit ko susukuan ang lalaking nasa isip at puso ko. Umupo ako at mas pinili ko na nakaharap ako kay Morgan. Napatulala na naman ako sa kagwapuhan niya at napapaisip kung kailan kaya niya ako papansinin. Hindi yung inis na inis siya sa 'kin. Bumuntong hininga ako at kinuha na lamang ang menu. Pipili nalang ako pagkain. Kanina ay nagugutom ako pero ngayon ay hindi na. Busog na ako dahil kay Morgan. Mukha pa lang niya ulam na. Habang pumipili ako sa menu ay napansin ko na may babaeng naglalakad papunta sa table ni Morgan. Natigil ako sa pagpili ng pagkain at nakatitig lang ako sa babae. Hindi nga ako nagkamali dahil huminto nga siya sa harap ni Morgan.. Tinalasan ko talaga ang paniding ko at tumayo pa si Morgan at pinaghugot ng upuan ang babae at pinaupo. "Aba'y loko 'to ahh.." saad ko pa habang masamang nakatingin sa kanila. Gustong pigilan ang sarili ko na wag gumawa ng eskandalo dahil naka uniform pa ako. Pero hindi ko talaga kaya lalo na't ang ganda ng babae. Nag uusap sila ngunit ang hina ng boses ni Morgan na para bang ayaw niyang marinig ko. "Hello, ma'am! Can I take your order?" Biglang sulpot ng waitress sa harap ko. "Ahm.. ito gusto ko." Saad ko na tinuro ang picture na nasa menu pero ang mata ko ay nasa dalawang tao na nag da-date. Ayos siya ha! Nakikipag usap siya sa babae ng mamayos at hindi sinisigawan pero kapag ako ang kaharap niya ay kulang nalang ay tirisin niya ako. "Yan lang po ba ang order mo, ma'am?" Dinig kong tanong ng waitress. "Yes. And water na din." Saad ko habang nakatingin parin kay Morgan. Umalis na ang waitress sa harapan ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil maayos niyang kinakausap ang babae. Nakita ko pa ngumiti siya sa babae. Sino ba ang babaeng kasama ni kuya baby. Para akong nawalan na ng gana sa lahat dahil sa nakikita ko. Girlfriend yata niya ang babae. Pero tama naman yata ang na se-search ko na wala pa siyang girlfriend. Para kaya akong detective Conan kapag naghanap ng impormasyon. Parang may sumaksak sa dibdib ko habang pinapanood sila. Hindi ko yata kayang panoorin na inaagaw ang kuya baby ko. Kailangan may gawin ako. Hindi ako nagdalawang isip na tumayo at agad na naglakad palapit sa table nila. Agad na lumingon si kuya baby sa 'kin at masamang nakatingin na naman. Napahinto ako sa harap ng table nila kaya pati ang babae ay tumingin sa 'kin. Umuklo ako papunta sa babae at malakas na ibinagsak ang isa kong kamay sa mesa. Wala akong pakialam kung may mabasag man. Ang akin ay akin. "What's your problem, miss?" Maarte na tanong ng babae. "Your face! Sino ka bang babae ka?" I asked in a flat voice. Mukhang nagulat ang babae sa sinabi ko kaya tumingi pa talaga siya kay kuya baby. "Sino siya? Kilala mo ba?" Tanong ng babae kay kuya baby. Malakas ang loob ko na sasabihin niya na kilala niya ako. Hindi naman niya siguro ako itatanggi. "No. Isang bata na nanghihingi lang yata yan ng donation sa mga restaurant." Pagtanggi ni kuya baby sa 'kin. Ang sama talaga niya. Napatuwid ako ng tayo at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Sarkastiko akong tumawa dahil nanlilimos daw ako. Lokong 'to. Pisilin ko kaya itlog niya ng makita niya ang hinahanap niya. "Pwede ba, bumalik ka na sa table mo. Wag kang mang istorbo ng ibang customer. Kapag lumapit ka pa ay tatawag ako ng guard para hilain ka palabas." Pananakot sa 'kin ng babae. Ang taray-taray ng babaeng 'to eh mas hamak naman na maganda ako. "Talaga ba? Sige, babalik na ako sa table ko. Mabilaukan ka sana para mamatay ka." Saad ko habang nakangiti sa kanya. Susugurin sana ako ng babae ngunit pinigilan siya ni kuya baby. Kinilig naman ako dahil ayaw yata niya akong masaktan kaya niya hinila ang babae. Tumayo si kuya baby at malakas na hinawakan ang braso ko at hinila niya ako papunta sa table ko. "Ano ba.. masakit naman eh," reklamo ko dahil ang sakit ng pagkakahila niya sa 'kin. Binitawan niya ako at seryosong nakatitig sa 'kin. "Sinabi ko naman sa'yo diba na wag mo akong guluhin. Bakit ang tigas ng ulo mong bata ka? Kailan ka ba mawawala sa buhay ko? Nakakainis ka na!" Saad niya sa galit na boses. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Tumalikod siya at naglakad pabalik sa table nila. Nakatingin lang ako sa kanila at para akong nasaktan sa sinabi niya. Umupo nalang ako at yumuko. Napakagat ako sa ibaba kong labi at naisipan nalang na kumuha ng pera ati inilapag sa table. Kahit hindi dumating ang order ko ay babayaran ko parin dahil baka ireklamo pa ako ng waitress at mas lalo pa akong mapahiya. Tumayo ako at kinuha ang bag saka ako naglakad papunta sa pinto ng restaurant. Nawalan na ako ng gana kumain kaya mas mabuti pang umuwi nalang ako kaysa sumakit pa ang mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD