Chapter 1

1547 Words
Chapter 1 Damonisse Flossie's Pov MAAGA ako nagising dahil may pasok ako ngayong araw. Hindi naman ako excited na pumasok sa school, mas excited ako makita ang kapitbahay namin na para bang pinaglihi sa sama ng loob. Mas lalo lang yatang gumagwapo ang lalaking yun sa paningin ko sa t'wing nakikita ko siyang nakabusangot ang mukha. Inis na inis kasi sa 'kin ang lalaking yun. Wala naman sana akong ginagawa sa kanya kundi ang ngitian siya at mag Hi sa kanya. Pero lagi nalang mainit ang ulo niya sa 'kin. Para bang pati paghinga ko ay kinaiinis niya sa 'kin. Ako nga pala si Damonisse Flossie Saunaya. Mahaba ang name ko kaya ang tawag ng iba sa 'kin ay Nisse. Bago lang din ako nag 18 years old kaya malakas ang loob kong magka crush sa lalaking kapitbahay namin. Unang kita ko pa lang kasi sa kanya ay talagang masasabi ko na natulala ako sa kagwapuhan niya. Halatang may lahi siya dahil sa itsura niya. Halata din na may edad pero who cares? Wala naman akong pakialam sa edad-edad na yan. Basta ang gwapo niya at ang yummy. Ang hot niyang lalaki kahit 32 years old na siya. Yung katawan nga niya ay napaka yummy. Nakakahibang talaga ang kagwapuhan niya. Pero yun nga lang, ang sama ng ugali lalo na kapag ako ang kaharap niya. Wala naman sana akong ginagawa kundi ang batiin siya. Masama na ba bumati ngayon? Napaka bad niyang lalaki. Dapat nga ay ma turn off ako pero hindi eh. Mas lalo lang akong nagkagusto sa kanya. Type ko kasi ang supladong lalaki na may edad sa 'kin. Ang daming nagkakagusto sa 'kin sa school pero kahit isa wala akong sinasagot. Sinusupladahan ko pa nga eh. Laging sagot ko kasi ay study first. Yun naman din ang palaging sinasabi ng parents ko. Panay ang sabi na mag aral ako ng mabuti pero palagi naman silang wala. Ako lang ang nag iisa nilang anak pero palagi silang walang oras sa 'kin. Kaya naiinis ako sa mommy at daddy ko. Minsan nga ay ang nagluluto pa sa 'kin ng pagkain ay tita ko. Sinasamahan din ako ng pinsan kong lalaki sa bahay para naman hindi daw ako mag isa. Siguro ay naaawa sila sa 'kin na palaging walang kasama. Pero ngayon, ayos nalang sa 'kin. Sanay naman na ako na wala ang mommy at daddy. Lalo na ngayon na may kapitbahay na ako. Dulo na kasi ng subdivision nakatirik ang bahay namin. Dati wala pang nakatira sa katabi naming bahay. Hanggang nga sa dumating na ang gwapong lalaki na masungit. Tinamaan agad ako kaya todo papansin ako sa kanya pero wa epek naman. Ganun ba talaga kapag may edad? Hindi tinatablan ng kilig? Bigyan ko kaya siya ng salonpas. Sabi kasi nila kapag matanda na daw ay ang nagpapakilig sa kanila ay mga salonpas, efficascent o di kaya ay gamit sa bahay. Hindi ko alam kung effective pero gusto ko talagang subukan. Baka sakaling pansinin niya ako at hindi na niya ako sungitan. Bumangon na ako sa kama at nag inat-inat ng katawan. Inayos ko na din ang kama ko at naisip kong pumunta ng terrace. Sigurado kasi ako na nasa terrace din ang gusto kong lalaki at nagkakape. Syempre bago ako lumabas sa terrace ay magpapaganda na muna ako. Kailangan maayos ang mahaba kong buhok. Sinigurado ko din na wala akong panis na laway at muta. Baka naman matalas ang mata niya at makita niya. Nang masigurado kong wala na akong muta ay tuluyan kong binuksan ang sliding door at sumilip muna. Agad kong nakita ang lalaking palaging nagbibigay sa 'kin ng energy. Nagkakape siya habang nakaupo. Nakasuot siya ng white tshirt at at itim na short. Naka sideview siya sa 'kin kaya kailangan kong magpapansin para lumingon siya sa gawi ko. "Hi, kuya baby!" Bati ko sa kanya kaya agad na lumingon sa 'kin ang lalaki. Hindi niya pa sinasabi sa 'kin ang pangalan niya. Alam ko naman na hindi niya sasabihin dahil sa kasungitan niya. Pero gusto ko parin malaman. Kaya gumawa ako ng paraan. Pumunta ako sa guard house at doon ko tinanong kung anong pangalan ang lalaking nakatira sa katabi naming bahay. Kaya ko nalaman na Morgan Santamaría. Ang gwapo ng pangalan niya at bagay na bagay sa kanya. Pangalan pa nga lang ay nakakalaglag na ng panty. Agad na nag iwas ng tingin ang lalaki at humigop ng kape. Suplado talaga siya kahit kailan. Kailan kaya darating ang panahon na siya naman ang magpapapansin sa 'kin. "Good morning, kuya baby! Kamusta ang tulog mo?" Tanong ko sa malambing na boses. Tumayo siya sa kinauupuan niya at walang emosyon na tumingin sa 'kin. "Shut up!" He said while looking at me evilly. Talagang pumasok na siya sa bahay niya kaya naiwan akong natatawa. "Grabe.. napaka suplado mo talagang lalaki ka. Pasalamat ka talaga at crush kita." I said while smiling sweetly. Pumasok na din ako sa kwarto ko at nakita ko naman na ang energy booster ko. Kaso nga lang ay sinungitan na naman ako. Pumasok nalang ako sa banyo para makaligo na. Kailangan ko ng maligo dahil maaga ang pasok ko ngayon. Grade 12 na ako ngayon at malapit na mag college. Mabilisan akong naligo dahil nagugutom na din ako. Alam ko naman na wala na si daddy at mommy. Malamang maaga na naman umalis. Palagi namang ganun ang scenario sa bahay. I'm very used to it. Natapos akong maligo at agad na lumabas na nakatapis ng t'walya. Naglakad ako papunta sa closet at kumuha ng uniform. Nang makakuha ako ay agad akong nagbihis. Tahimik lang ako habang nagsusuot ng palda. Maikli ang palda namin at yun ang gusto ko. Ang init kasi ng panahon kaya mas gusto ko ng maikli. Nang makapagbihis ako ay inayos ko agad ang buhok ko. Naglagay na din ako ng liptint sa labi at pisngi ko. Ganito lang naman talaga palagi ang awrahan ko. Ayaw kong maglagay ng foundation o kung ano pa yang nilalagay sa talukap ng mata. Natapos na ako kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kwarto. Nang makalabas ako ay ang tahimik ng bahay. Napabuntong hininga ako dahil wala talagang oras ang mommy at daddy ko simula ng magkaroon kami ng negosyo. Nakatutok lang sila palagi at kahit linggo ay hindi ko sila nakakasama. Mabuti pa dati nong wala pa kaming negosyo ay hindi pa ganito ka tahimik ang bahay. Palagi ko din silang nakakasama. Binibigyan nga nila ako ng malaking baon pero palagi naman silang wala. Nong birthday ko nga ay wala sila. Nag promise sila nandito sila dahil gusto nila na maghanda kami at bongga ang 18th birthday ko pero ako ang hindi pumayag. Gusto ko kasi na hindi nalang mag party at kumain nalang kami sa labas. Ngunit wala naman sila dahil may emergency daw kaya naglasing nalang ako at doon ko nga nakita ang kapitbahay kong napaka sungit pero gwapo. Siya din ang naghatid sa 'kin dahil kinulit ko siya ng kinulit. Hinalikan ko pa talaga siya sa labi pero nagalit lang siya at sinigawan ako. Mabuti na nga lang at hindi niya ako pinababa ng sasakyan niya kundi maiiwan ako do'n sa kalsada na parang tanga. Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang kusina namin. May nakahanda ng pagkain at may pera din sa cabinet kung saan nag iiwan palagi ng baon si mommy para sa 'kin. May kasama pang note pero hindi ko na binasa at tinapon nalang sa basurahan. Ayaw ko ng pagkain na niluto niya kaya nagtinapay nalang ako at nagkape. Mahilig ako sa kape, ayaw na ayaw ko sa gatas. Kahit palagi na akong nagugulat dahil sa lakas kong magkape ay go lang sa pag inom. Nakapagtimpla ako ng kape at agad akong umupo. Kumakain din ako ng tinapay habang nag ce-cellphone. Nakatitig ako sa wallpaper ko na mukha ng masungit na kapitbahay namin. Kilala pala siya kaya nang subukan kong mag search sa internet ay lumabas ang mukha niya. Isa pala siyang businessman na taga Spain. Walang asawa at anak kaya tuwang tuwa talaga ako. Ang dami ko na ngang picture niya eh dahil pinag s-save ko ang mga picture niya. Humigop ako ng kape at naisipan na muna mag online. Tinignan ko na din ang messenger ko at baka may nag chat sa 'kin. Ganito lang ginagawa ko sa umaga hanggang sa maubos ang kape ko. Napansin ko na may nag message sa 'kin. Walang mukha ang profile niya at puting picture lang. Ang dami talagang ganito na nag cha-chat sa 'kin. Naiinis na ako minsan kasi papansin talaga. Ayaw na ayaw ko nga na may nakakaalam ng social media account ko. Panay kasi chat sa 'kin na gusto nila ako at kung pwede ba manligaw. Kung si Morgan sana yun ay kikiligin pa ako. Pero hindi eh, nakakairitang mga nilalang na may mga sipon pa ang mga nag cha-chat sa 'kin. Hindi ko na binasa ang chat no'n at binura ko nalamang. Natapos naman na ako magkape kaya tumayo na ako hinugasan ko na muna ang mug na ginamit ko. Papasok na naman ako sa school. Sana man lang may magandang mangyari ngayong araw na 'to. Baka uminit na naman ang ulo ko at mag suplada na naman ako sa lahat ng mga classmate ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD