Chapter 3
Nisse's Pov
UMUWI ako sa bahay namin na sobrang tahimik. Nabadtrip na nga ako dahil ang sama ng ugali ni kuya baby sa 'kin. Nawalan na ako ng gana kumain kaya matutulog akong gutom.
Kung sino man ang babaeng yun ay makakatikim talaga siya ng barang
sa 'kin habang si Morgan naman ay makakatikim ng gayuma sa 'kin. Akala niya ha! Gagawa ako ng paraan para siya naman ang mabaliw sa 'kin. Hindi siya nakakatuwa talaga.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at agad na ginawa ang night routine ko bago matulog. Ginampanan ko na talaga ang pagkawala ng gana kong kumain.
Hindi nga mawala sa isipan ko kung ano na kaya ang ginagawa nila ngayon. Nagmukha na kasi akong kawawa kanina kaya umuwi na talaga ako.
Natapos akong mag half bath at agad nag skin care. Tamarin na ako sa lahat wag lang sa skin care ko dahil ayaw kong pumangit.
Kanina ko pa kinukumbinsi ang sarili ko na mas maganda ako sa babaeng yun. Totoo naman talaga. Duling lang yata si Morgan.
Natapos na ako sa night routine ko at lumabas agad ako ng banyo. Lumapit ako sa closet at kumuha ako ng damit pantulog.
Kinuha ko ang terno ko na pantulog na ang print ay doraemon. Mahilig kasi ako sa doraemon kaya pati display ko sa kwarto ay doraemon.
Nang matapos akong magbihis ay hindi na muna ako humiga sa kama. Dumungaw na muna ako sa bintana at tinignan kung nakauwi na ba si Morgan.
Nalungkot ako dahil wala parin siya. Nag d-date pari siguro siya sa babaeng yun. Nakakainis talaga ang lalaking yun. Hindi man lang inisip na patay na patay ako sa kanya at baka magselos ako.
Sabagay, gusto na nga pala niya akong mawala sa landas niya. Naiinis nga pala siya sa 'kin kapag nakikita niya ako.
Napabuga ako ng hangin dahil sa inis ko sa lalaki. Pero kahit ganun ay gustong gusto ko talaga siya eh. Bakit naman kasi siya pa ang nagustuhan ko. Halata naman sa itsura niya na gurang siya kahit pa nga hindi ko tanungin kung ilang taon na.
Natira ko yata ng todo ang katol kaya ako nabaliw sa lalaking yun.
Ilang sandali pa ay bigla kong nakita ang papalapit na ilaw ng sasakyan. Agad akong napangiti dahil sigurado ako na si Morgan ang parating.
Nakita ko agad ang kotse ng lalaking gusto ko at pumarada sa harap ng bahay niya. Nakatitig lamang ako sa sasakyan niya at naghihintay na bumukas ang pinto ng driver seat.
Hindi naman ako nabigo at nakitang bumukas yun at lumabas ang lalaking gustong gusto ko. Nakita ko pang tinanggal niya ang suot niyang suit saka siya naglakad papasok ng gate.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa makapasok siya sa bahay niya. Nawala ang ngiti ko at napabuga ng hangin.
Wala talaga akong halaga sa lalaki. Kanina nahiya na ako sa sarili ko kaya umalis na ako. Kailan kaya niya ako papansinin na hindi siya galit sa ‘kin. Yung hindi niya ako pinapalayo sa kanya.
Malungkot akong pumasok ng kwarto at humiga nalang sa kama. Nakatulala lang ako sa kisame at walang maisip.
Matutulog nalang ako. Hindi ko naman hihintayin ang mommy at daddy ko dahil malamang mamaya pa sila uuwi. May mga susi naman sila kaya hindi ko na kailangan pa silang hintayin.
Kinabukasan, maaga na naman akong nagising. May pasok na naman ako. Gusto ko sanang hindi pumasok dahil tinatamad ako. Pero naalala ko mas nakakatamad kung dito lang ako sa bahay.
Agad akong naligo para makapagbihis na ako. Hindi naman ako mabagal maligo. Hindi kasi ako katulad sa ibang babae na mahilig magbabad. Nakaka dry kasi ng skin yun kaya dapat mabilis lang.
Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo. Habang naglalakad ako ay panay ang punas ko sa aking buhok.
Lumapit ako sa walk in closet ko at kinuha ang uniform ko. Pakanta-kanta pa ako habang nagbibihis dahil kahit badtrip ako kagabi ay kailangan parin maging masaya. Para iwas bad vibes.
Natapos akong magbihis kaya ang mukha ko naman ang inayusan ko. Panay ang lagay ko ng liptint sa pisngi at labi ko. Kailangan maganda parin ako para kapag nagkita kami ni kuya baby ay mabighani siya sa ‘kin.
Kapag nangyari yun ay babawiin talaga niya mga sinabi niya sa ‘kin at hihingi ng tawad dahil tinawag niya akong bata.
Nag spray na ako ng perfume sa katawan ko saka ako ngumiti sa harap ng salamin. “Ang ganda mo talaga Nisse.” Papuri ko sa sarili ko. Kailangan naman talaga purihin ang sarili dahil maganda naman talaga ako.
Sino pa ba pupuri sa sarili ko kundi ako lang. Mga magulang ko kasi ay busy kaya mas mabuti ng ako na ang pumuri.
Naisipan ko ng lumabas ng kwarto dala ang backpack kong pang girly. Kikay na kikay talaga ako. Ganito na ako simula pa bata. Lahat nga ng picture ko sa photo album ay puro may ipit ang buhok ko na maliliit na butterfly.
Pababa ako ng hagdan ng marinig ko ang malakas na boses ni mommy. Napahinto ako at natitig sa kanila ni daddy na nasa sala. Mukhang narinig nila ang pagsara ng pinto ng kwarto ko kaya lumingon sila ng sabay sa gawi ko.
Agad na nag iwas ng tingin ang ama ko. Mukhang nag aaway silang dalawa pero natigil lang dahil lumabas ako.
Himala na nadatnan ko pa sila ngayong umaga. Bumaba ako ng hagdan habang nakatitig parin sakanila.
“Good morning po!” Bati ko sa kanilang dalawa ni daddy.
“Maaga ka ba aalis, Nisse?” Tanong ni mommy.
“Yes po. May gagawin po kasi akong project kasama ang groupmate ko.” Tugon ko kahit wala naman talaga. Hindi ko lang inaasahan na maaabutan ko pa sila dito sa bahay. Kapag ganito kasing oras ay nakaalis na sila ni daddy.
“Okay. Mag iingat ka pagpasok sa school. Anyway, may baon ka na, pinatong ko sa itaas ng ref. Kumain ka na muna ng almusal bago ka umalis ng bahay. Mauuna na kami ng daddy mo.” Sunod-sunod niyang sabi.
Tumango na lamang ako at hindi na ako sumagot pa. Tuluyang lumabas ang mommy at daddy ko. Sanay na ako kaya tinungo ko nalang ang kusina para kumain.
Hindi ko na naman gusto ang hinanda ni mommy kaya tinapay at kape nalang ang ginawa ko. Umupo ako at mag isang kumakain.
Nakatulala pa ako habang nagkakape hanggang sa may pumasok sa isipan ko na kalokohan. Naalala ko na naman kasi ang ginawa ng kuya baby ko kaya gaganti ako sa kanya. Pero mukha ko pa nga lang kapag nakikita niya ako naiinis na siya
sa ‘kin kaya humanda siya dahil double ang gagawin kong pang aasar sa kanya.
Nagmadali akong kumain at ininom ang kape. Nang matapos ako ay agad kong hinugasan ang mug na ginamit ko.
Nang matapos ako ay dali-dali akong lumabas ng kusina at tinungo ang hagdan. Marami pa kasi akong oras para gawin ang plano ko para asarin si Mr. Morgan.
Nang makaakyat ako ng hagdan ay pumasok ako sa kwarto ko at mabilis na lumapit sa closet para kumuha ng red na panty.
Nakakuha agad ako at napangisi sa gagawin ko. Kinuha ko pa ang pentel pen ko para sulatan ng initial ko sa gilid ng panty. Maliit lang din ang pagkakasulat ko para hindi mahalata agad.
Nang matapos ako ay lumapit ako sa bintana para silipin kong nasa labas parin ba ng bahay ni kuya baby ang kotse niya. Hindi naman ako nabigo kaya malalaki ang hakbang ko na lumabas ng kwarto.
Halos takbuhin ko na ang pagbaba ng hagdan sa sobrang pagmamadali ko. Nang makalabas ako ng bahay ay panay ang tingin ko sa terrace ng kwarto ni kuya baby.
Naglalakad din ako papunta sa gate at dahan-dahan na binuksan. Lumabas ako habang kagat ang ibang labi. Kailangan magtagumpay ako na bwisitin ang araw ni kuya baby.
Handa akong maghintay dito ng matagal sa labas at malate sa klase basta makaganti lamang ako. Nakakainis kaya ang mga sinabi niya sa ‘kin. Alam ko naman na makulit ako pero dapat ba sabihin niya sa ‘kin ang masasakit na salita tulad na lamang kung kailan ako mawawala sa buhay niya. Nakakasakit na siya ng damdamin ha!
Tinungo ko ang kotse ni Morgan. Panay parin ang tingin ko sa bahay niya at baka makita niya ako at mahuli. Nang masiguro kong wala siya ay agad kong ipinatong ang panty ko sa windshield ng sasakyan niya.
Natawa pa ako dahil sinadya ko na hindi inayos ang pagkalagay. Ngunit natigilan ako ng marinig ko ang kalabog sa loob ng bahay ni kuya baby kaya agad akong napatakbo papunta sa gate ng bahay namin. Dali-dali pa akong pumasok sa loob ng gate habang hingal na hingal sa pagtakbo ko.
Nakaharap naman ang windshield papunta dito sa bahay namin kaya hindi ako mahihirapan magpapansin kay kuya baby.
Agad kong pinahid ang pawis ko sa noo at baka mahalata niya na sinadya ko ang pagpatong ng pulang panty ko.
Kinuha ko din ang perfume ko na nasa loob ng bag ko at nag spray agad ako para hindi amoy pawis. Kainis talaga! Umaga pa lang, pawis na agad ako dahil sa kalokohan ko.
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng bahay ni kuya baby kaya naisipan kong sumilip sa pader pero nabigo ako dahil hindi ko abot. Baka kapag tumalon ako ay pagpawisan pa ako lalo.
Pinakalma ko lang ang sarili ko habang pinapakinggan ang kabilang bahay. Narinig kong bumukas ang gate ni kuya baby. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng palda ko at agad na binuksan ang gate at lumabas habang kunwaring busy-busyhan sa phone.
Ang tagal kong nag angat ng ulo at nakatuon lang ang mata ko phone. Para kunwari na hindi ko alam na nasa labas siya.
Nang maisipan ko ng mag angat ng mukha ay agad kong nakita si kuya baby na nakatingin sa ‘kin. Ang seryoso ng mukha niya. Ganito nalang siya palagi, nakasimangot at parang laging galit sa mundo. Hindi ko pa talaga siya nakitang ngumiti.
Pero hindi pwedeng hindi ko magawa ang plano ko kaya nag iwas ako ng tingin at ibinaling sa windshield ng sasakyan niya.
Mukhang sinundan ni kuya baby ang tingin ko dahil maging siya ay nakatingin na din sa windshield.
Kinuha niya ang pulang panty na nakapatong do’n at binuklat pa talaga niya. “Putangina! Sinong naglagay ng panty dito?!” Galit niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko kunwari. Syempre, best actress ‘to eh. Ako pa ba!
“T-Teka.. parang panty ko yan ah.. paano napunta yan dyan!” Saad ko at dali-daling naglakad kay kuya baby at inagaw ang panty na hawak niya.
Masama siyang nakatingin sa ‘kin kaya inirapan ko siya. Akala niya ha!
“Akin ‘to. Hanap ako ng hanap nito kanina dahil su-suotin ko sana. Bakit nandito ‘to?” Tanong ko at kunwaring naiinis.
“Malay ko. Itanong mo sa pula mong panty.” Tugon niya sa malamig na boses. Suplado talaga ‘to eh. “Paano mo nalaman na panty mo yan ha?” Tanong niya kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. Bakit nga ba? Dapat pala hindi ganun ang reaksyon ko. Kainis. Dapat mag isip ako ng isasagot ko.
“Ahm.. kasi dahil dito oh.. dahil sa design na ‘to. Love na love ko ang mga panties ko kaya alam na alam ko ang mga design.” Mataray kong sabi at sana ay hindi niya ako mahalata. “Siguro kinuha mo ‘tong pulang panty ko no?! Grabe ka, may pagnanasa ka talaga sa panty ko.” Dagdag ko pang sabi.
Ngunit napamura lang siya at halatang inis na inis sa sinabi ko. “Wala akong pakialam sa pula mong panty. Wala akong pagnanasa sa’yo, batang paslit. I’m sure, ikaw na naman ang may gawa nyan para asarin ako. Hindi ka talaga titigil.” Saad niya habang naka angat ang isang sulok ng kanyang labi.
“H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo ha! Baka naman kasi nilipad lang ang panty ko. Bintangero kang gurang ka.” Sagot ko at hindi nagpatalo sa kanya.
Nandilim ang mukha niya sa sinabi ko. Ngayon ko pa lang nakita siyang ganun kaya nag peace sign ako at matamis siyang nginitian.
Napabuga naman siya ng hangin. “Gurang na nga ako kaya wag mo akong harutin dahil hindi kita papatulan na bata ka! Mag aral ka nalang ng mabuti hindi yung nagpapansin ka sa katulad ko na 32 years old.” Sabi niya saka niya ako tinalikuran at agad na binuksan ang pintuan ng driver seat at pumasok.
Nakatingin lang ako sa kotse niya hanggang sa pinausad na niya. Naiwan ako sa gilid ng kalsada habang hawak ang pula kong panty. Napangiti ako dahil nagawa kong matitigan ng malapitan ang gwapo niyang mukha. May energy na naman ako para mag-aral dahil kay kuya baby.