Chapter 7

2053 Words
Chapter 7 Nisse’s Pov MAAGA akong gumising at naghanda na para pumasok sa school. Excited pa naman ako ngayon dahil kasama ko si kuya baby papunta sa school. Ngayon kasi siya haharap sa adviser ko at magkunwari na uncle ko. Talagang pinaghandaan ko para lang maganda ako sa paningin niya at mabango. Mapapasabi talaga si gurang na amoy baby ako. Hindi ko alam kung anong hihilingin niyang kapalit pero kahit ano pa yun ay gagawin ko. Kung uutusan niya ako maglinis ng bahay niya ay ayos lang, makikita ko naman siya kaya kahit mapagod ako ay matutuwa pa ako. Siya ang energy ko eh. Tapos na akong magbihis at nakapag ayos na din ako ng sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto dala ang backpack ko. Alam kong umalis na sila mommy at daddy dahil narinig ko ang kotse nila kanina. Tinungo ko ang hagdan at agad na bumaba. Ang saya ko talaga dahil may phone number na ako kay kuya baby. Hiningi ko kasi dahil kailangan naming mag text ngayon. Baka kasi makalimutan niya na may pupuntahan siya. Kaya kailangan ko siyang itext. Para-paraan talaga ako para makuha ang phone number niya. Mabuti na nga lang at ibinigay niya agad kaya hindi ako nahirapan. Habang pababa ako ng hagdan ay nagtitipa ako cellphone ko. Nag send ako ng text at sinabi ko na nakabihis na ako. Sabi kasi niya ay sabay na kami pupunta ng school. Kaya nga ako nag pabango para pagpasok ko sa kotse niya ay hindi niya makalimutan ang amoy ko. Naghintay ako ng reply niya habang papunta ako sa kusina. May pumasok naman na text kaya dali-dali kong binuksan yun lalo na’t galing kay Morgan. Kuya baby: Hubarin mo ulit. Agad na kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang text niya. Agad akong nagtipa ng reply at akmang ise-send ko na sana ng may pumasok na naman na text. Kuya baby: Sorry. Hindi yun para sa’yo na text. Text pa niya kaya napabuga ako ng hangin. Napaisip ako kung sino kaya ang ka text pa niyang iba. Bakit humbarin? Hindi kaya babae ang katext niya at nagkamali lang siya ng reply. Kainis! Binadtrip niya ako agad. Nawalan na ako ng gana magkape kaya naisipan kong lumabas nalang ng bahay. Bilang ganti ko kay kuya baby ay nag text ako na nasa labas na ako ng gate. Bahala siya kung hindi pa siya nakabihis. Pero naalala ko na ako pala ang may kailangan sa kanya kaya mas lalo lang akong napasimangot. Lumabas na ako ng bahay at siniguro kong nakalock. Tinungo ko ang gate at agad akong lumabas habang nakasimangot parin. Para akong tanga na nakatayo na aakalain talaga na may kaaway ako. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng bahay ni Morgan kaya lumingon ako at nakita siya. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalabas siya ng bahay niya. Nasa labas lang naman naka park ang kotse niya. Nang makalabas siya ay nakita niya ako na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay namin. “C’mon,” aniya sabay naglakad papunta sa driver seat. Kainis! Yung lang niya sinabi sa ‘kin. Wala man lang good morning, my baby Nisse. Kaloka! Naglakad nalang ako papunta sa kotse niya at tinungo ang passenger seat. Hindi talaga ako pinagbuksan ng gurang na ‘to. Binuksan ko agad ang pintuan ng passenger seat at pumasok ako sa loob. Walang imik si kuya baby habang binubuhay ang makina ng sasakyan at pinausad. Inayos ko nalang ang seatbelt sa katawan ko habang nakasimangot. Ayaw ko sanang magsalita dahil gusto kong siya ang mauna magsalita. Pero mukhang wala siyang plano kaya ako nalang ang magsasalita lalo na’t kailangan kong sabihin kung anong sasabihin niya sa adviser ko kapag tinanong siya. Tumikhim ako upang mawala ang bara sa lalamunan ko. “Nga pala, wag mong kakalimutan na ang isasagot mo kapag tinanong ka ng adviser ko kung nasa’n ang mommy ko ay sabihin mo nag out of town.” Saad ko habang siya naman ay panay ang tango. “Sabihin mo kapatid ka ng mommy ko kaya ikaw ang pinapunta.” Dagdag ko pang sabi. “Okay,” tipid niyang sagot. “Ganyan ka ba ka boring na tao?” Tanong ko dahil hindi ko na makayanan. “Yes. Kaya kung ako sayo, ibaling mo nalang ang atensyon mo sa iba.” Sagot niya kaya napabuga ako ng hangin. “Kung makautos ka ah.. anyway, uncle ang itatawag ko sa’yo ha! Sana naman magsalita ka kapag nakaharap mo na ang adviser ko. Hindi yung mukha kang tuod dyan!” Pang iirap kong sabi. “Tuod? Ako? Inaasar mo ba ako?” Tanong niya na nilingon pa talaga ako. Ibinalik din naman niya ang tingin sa daan. “Bakit ka nga pala nalalate?” Tanong niya kaya natahimik ako. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil hindi ko masabi na dahil sa kanya kaya ako nalalate pumasok. Inuuna ko pa kasi ang pang aasar sa kanya para naman masilayan ko ang mukha niya. “Okay, mukhang alam ko na kung bakit ka palaging late. Inuuna mo kasi ang panggugulo mo sa ‘kin kaysa sa mag aral ng mabuti. Napala mo!” Sabi niya na tinignan pa talaga ako. “Heh! Kahit ganun ay hindi ko pinapabayaan ang grades ko no! At isa pa, sinagot ko naman ang teacher ko eh. Ayaw lang niyang tanggapin sagot ko at pinatawag ang mommy ko.” Sabi ko sabay napahilot sa sintido. “Bakit? Ano bang katangahan ang sinabi mo?” Tanong niya na ikina-ngiwi ko. Sobra na talaga siya eh. Kung maka tanga. “Sinabi ko lang naman na mas mabuti ng late kaysa naman sa absent. Kaya ayon, nagalit.” Pagsasabi ko ng totoo. Tumikhim naman si Morgan at tumingin saglit sa kabilang bintana. Hindi na siya nagsalita pa kaya hindi na din ako nagsalita. Tinatamad ako lalo na sa text niya kanina. Masusuntok ko talaga lalamunan niya kapag nalaman ko talagang may kaharutan siyang babae. “Ano nga pala ang gusto mong hilingin?” Tanong ko ng maalala ako ang sinabi niya. “Sa susunod ko pa sasabihin. Wala pa akong naiisip.” Sagot niya agad kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Muntanga kasi. Ilang sandali pa ay nakarating kami ni kuya baby sa school. Kabado ako at baka maisipan ni kuya baby na gantihan ako at ilaglag sa adviser ko. Ang kulit ko pa naman kaya oras niya ngayon para gantihan ako. Pumasok kami ni kuya baby sa school at naiinis ako sa ibang estudyante na panay ang lingon sa baby ko. Naglakad na kasi kami dahil hindi na niya pinasok ang sasakyan niya. Pinagmumura ko na sa isipan ko ang mga estudyante na panay ang lingon sa baby ko. Hanggang sa makarating kami sa classroom ay pinagtitinginan siya. Maging ang mga classmate ko ay napapapanganga dahil sa kagwapuhan ni Morgan. Pero hindi naman ako pwedeng magalit dahil uncle ang papel niya ngayon sa ‘kin. Maling-mali yata ang plano ko kaya naiinis ako lalo. Punyemas! “Uncle mo ba yan, Nisse? Ang pogi ha!” Sabi pa ng classmate ko. “Simula ngayon ay tita na ang itawag mo sa ‘kin, Nisse ha!” Sabi pa ng isa kong kaklase kaya inirapan ko siya. Tumingin nalang ako kay Morgan at talagang mapapamura nalang sa kagwapuhan niya. Tinungo ko nalang ang upuan ko at hinayaan si Morgan na nakatayo sa labas ng classroom. Nabadtrip ako sa mga classmate ko eh. Pag akin kasi, akin lang. Pero, hindi pa pala akin si Morgan kaya ang tanging magagawa ko nalang ay umupo sa gilid at manahimik. Ilang sandali pa ay dumating ang adviser ko at agad na kinausap si Morgan. Hindi ko alam kung ano ang pinag usapan nila dahil may pinagawa si ma’am sa’min. Sana lang ay wag ako ilaglag ni kuya baby. Lagot talaga siya sa ‘kin. Sinabi ko naman kahapon ang ira-rason niya kung bakit ako palaging late. Kaya nga kanina ay tinanong niya ang totoong dahilan kahit alam naman niya. Nakita kong tapos na mag usap si ma’am at Morgan kaya nagpaalam na siya. Tumingin pa siya sa ‘kin saka siya tuluyang lumabas ng classroom. Napasimangot ako dahil hindi man lang siya nag b-bye. Sino ba naman kasi ako para mag paalam siya. Nakinig nalang ako sa teacher namin. Gusto ko na nga matapos ang klase para makauwi na ako sa bahay. Panay kasi ang pangungulit ng mga classmate kong babae kung single ba daw ang uncle ko. Iritang-irita na talaga ako at gusto ko ng ihampas ang upuan sa mga ulo nila para manahimik na sila. Dumating ang hapon at uwian na. Nagmamadali akong lumabas dahil may dadaanan ako. Bibigyan ko ng regalo si Morgan dahil na din sa pagpayag niya na maging uncle ko kaninang umaga. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa mall. Excited kasi akong ibigay sa kanya ang regalo na naisip ko. Sigurado ako na matutuwa siya. Hindi naman masyadong traffic kaya mabilis lang akong nakarating sa mall. Nagbayad agad ako ng pamasahe sa taxi driver at lumabas agad ako. Nagmamadali ang bawat hakbang ko dahil gusto ko ng makauwi sa bahay. Tinungo ko kung saan ako pwedeng bumili sa naisip kong regalo kay Morgan. Nang makabili ako ay agad kong pinalagay sa box para surprise. Natapos naman ako agad kaya lumabas ako ng mall na may ngiti sa labi. Ang saya-saya ko talaga. Kinuha ko pa ang phone ko at nag send ako ng message kay Morgan. Sinabi ko na may ibibigay ako sa kanya. Hindi naman siya nagreply kaya hinayaan ko na dahil suplado naman talaga siya. Nakalabas na ako ng mall at naghanap ng taxi. May nahanap naman ako agad kaya sumakay na ako at sinabi ko lang ang address. Agad naman umusad ang sinasakyan kong taxi. Kinuha ko na naman ulit ang phone ko para tignan kung nag reply ba si Morgan. Ngunit wala talaga kahit K man lang. Kainis talaga ang lalaking yun. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Iniisip ko kung ano kaya ang pinag usapan nilang dalawa ni ma’am. Tatanungin ko talaga siya mamaya kapag hindi mainit ang ulo niya. Ilang sandali pa ay nakarating din ako sa subdivision kung saan ako nakatira. Hindi ko na pinapasok ang taxi at hanggang gate lang siya. Naglakad ako papasok habang iniisip kung anong magiging reaksyon ni Morgan mamaya. Nakarating ako sa tapat ng bahay namin at sakto naman na nakita ko si Morgan. Mukhang papasok siya sa gate kaya agad akong kumaway para makita niya. “Hi, kuya baby!” Bati ko sa kanya kaya napatigil siya at lumingon sa ‘kin. Naglakad ako papunta sa kanya habang nakangiti. Nakasimangot naman siya at hindi na ako magtataka kung bakit siya nakasimangot. Ganun kasi talaga ang mukha niya. “Ano na naman?” Masungit niyang tanong. “Ito oh.. regalo ko sayo. Tanggapin mo ‘to. Pasasalamat ko lang dahil pumayag ka sa hiling ko.” Dire-diretso kong sabi para hindi niya tanggihan. Inabot ko sa kanya ang dala kong box. Palipat-lipat naman ang tingin niya sa ‘kin at sa box. Kinuha niya kaya natuwa ako. “Hindi na kailangan ng gift. May hihilingin ako sayo kaya hindi mo na ako kailangan bigya.” Sabi niya pero tinanggap naman. “Hayaan mo na, kuya baby. Sige, buksan mo na.” Saad ko habang matamis siyang nginitian. Binuksan naman niya ang puting box na saktuhan lang ang laki at bumungad sa kanya ang mga binili ko. Napakurap kurap pa siya at para bang hindi makapaniwala sa binigay ko. Masama niya akong tinignan ng makabawi siya sa pagkagulat. “Bakit mo ako niregaluhan ng efficascent oil, betet, salonpas at neobloc ha?!” Galit na galit niyang tanong. Kulang nalang may lumabas na apoy sa ilong niya. “Kasi gurang ka na eh. Neobloc para kapag na highblood ka sa ‘kin ay may maiinom ka kaagad na gamot. Efficascent naman at betet para may magamit kang panghaplas kapag may sumakit sa katawan mo. Samahan mo ng salonpas para perfect.” Sagot ko habang nakangiti. Ngunit agad nawala ang ngiti ko ng itapon yun ni Morgan kaya napatakbo ako papunta sa gate ng bahay namin. Konting-konti nalang talaga ay titirisin na niya ako sa inis niya sa ‘kin. Ang pangit niya bigyan ng regalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD