Chapter 8

1801 Words
Chapter 8 Morgan’s Pov PIKON NA PIKON talaga ako sa binigay ni Nisse na regalo sa ‘kin. Hindi ko tinanggap ay hinayaan ko lang sa kalsada yun. Inis na inis ako sa batang yun. Ang lakas ng trip sa buhay. Pumunta agad ako sa bahay ni Demetri upang magpalamig ng ulo. Baka kung ano pa ang magawa ko sa batang yun kapag hindi ako nakapagtimpi. Matapos kong tulungan sa adviser niya ay yun lang pala ang igaganti niya sa ‘kin. Nagsisisi tuloy ako na tinulungan ko siya. Dapat pinabayaan ko na at mamroblema siya sa buhay niya. Nandito ako sa sala ni Demetri habang hinihilot ang sintido ko. Pinapakalma ko ang aking sarili habang nakatulala. “May problema ka ba, pre? Bakit parang galit na galit ka?” Demetri asked me. “Wala,” tipid kong sagot. Makulit ang lahi nito. Kapag nagsalita ako at sinagot ko ang tanong niya ay mag follow up question agad. Para din ‘tong si Koa eh. Number 1 kasi din yun na tsimoso pero dahil nahanap na niya ang babaeng hinahanap niya ay hindi na siya tsismoso. Nagbagong buhay na. “Sus.. wala daw. Pero yung mukha mo kanina nong pumasok ka sa bahay ko ay halos umusok na yang ilong mo.” Saad ng kaibigan ko kaya napahaplos ako sa batok ko. “Anong gagawin ko, bud? Dapat na ba akong lumipat ng bahay?” Tanong ko at hinihingian siya ng opinion. “Yung bata parin ba? Ginugulo ka parin ba niya?” Tanong niya habang nakakunot ang noo. Tumango ako. “Yes. Lagi naman niya akong ginugulo. Araw-araw ko nakikita ang pagmumukha ng batang paslit na yun.” Nakasimangot kong sabi. “Ahh.. kaya ka ba tumawag sa ‘kin at sinasabi mo na magpapa check up ka. Dahil ba yun sa bata?” Natatawang tanong ng kaibigan ko na para bang may nakakatawa. “Wag ka ngang tumawa. Walang nakakatawa.” Saad ko habang nakasimangot. “Paanong hindi ako matatawa eh halatang may tama ka sa utak. Tusukan kita ng anesthesia eh para manahimik ka na.” Aniya saka tumayo sa kinauupuan niya. Napasunod ang tingin ko sa gago at kumunot ang noo dahil inaayos niya ang suot niyang damit. “May pupuntahan ka ba?” Tanong ko sa aking kaibigan. “Oo. May pupuntahan akong barangay kaya maiwan ka na muna dito at hahayan kitang mag emot. Basta pagkatapos mong mag emot ay pakainin mo ang alaga kong kambing ha!” Bilin niya sa ‘kin kaya nalukot ang mukha ko. “Sasama nalang ako sayo. Bored ako at wala akong magawa sa buhay.” Wika ko na ikinatigil ni Demetrius. “Sasama ka? Sigurado ka? Mag mo-motor lang ako dahil saglit lang ako do’n. May ihahatid lang ako.” Paninigurado niya. “Oo nga. Sasama ako. May isa ka pa naman yatang helmet kaya walang problema yan.” Saad ko sabay tayo sa kinauupuan ko. “Sigurado ka ha! Sige, sama ka na lang sa ‘kin para hindi ka na lonely dito.” Pag payag niya at agad na inakbayan ako ng gago. Hinayaan ko lang siya hanggang sa makalabas kami ng bahay niya. Lumapit siya sa big bike niya at kinuha ang dalawang helmet. Inabot niya sa ‘kin yun kaya tinanggap ko naman. Sumakay si Demetri sa motor at pinaandar niya ‘to. Isinuot ko naman ang helmet at agad akong sumakay sa motor niya. Pinaandar ng kaibigan ko at automatic na bumukas ang gate. Gusto ko lang alisin ang galit ko. Hindi ko matanggap na tinawag akong gurang ng batang yun. Hindi naman ako ganun dati. Nong una naman ay ako pa mismo ang nagsabi na uncle na niya ako kay wag na niya akong harutin. Pero bakit ngayon ay iritang irita ako sa binigay niyang regalo. Ganun na ba talaga ako katanda para sabihin niya yun sa ‘kin. Putangina talaga! Naiinis parin ako hanggang ngayon. Ngayon lang yat ako napikon sa pang aasar. Sa mga kaibigan ko nga ay hindi ako napipikon, pero sa kanya ay inis na inis ako. Hindi ko alam kung saan pupunta si Demetri. Sumama lang talaga ako para malibang ako. Isang oras din ang lumipas ay narating na namin ang pupuntahan ni Demetri. Bumaba kaming dalawa at hinayaan ko lang siya na gawin ang kailangan niya. Tinanggal ko ang helmet ko at si Demetri na ang pinapasok ko doon. Naghintay lang ako sa gilid ng kalsada habang panay ang tingin ko sa paligid. Hindi ko alam kung anong gagawin ng hayop kong kaibigan pero duda ko ay mga gamot ang dala niya. Isang doctor kasi si Demetri. Matulungin siya sa iba, pero kapag sa akin mumurahin na muna niya ako. Ilang sandali pa ay may dumaan na dalawang aso. Tinignan ko lang yun hanggang sa makita ko ang kaibigan ko na naglalakad na papunta sa ‘kin. Sa wakas ay natapos na din siya. “Are you done?” Tanong ko ng makalapit siya sa ‘kin. “Yes. Sabi ko sayo sumama ka sa loob eh, ayaw mo kasi.” Saad niya saka kinuha ang helmet. “Eh sa ayaw ko nga diba?!” Walang gana kong sabi saka sinuot ang helmet na hawak ko. “Gusto mo bang kumita ng pera kahit sideline lang, bud?” Tanong niya kaya kumunot ang noo ko. “Oo naman. Mukha akong pera eh. Paano ba yan?” Seryoso ko namang tanong. “Alam mo kasi, may pwede tayong gawin habang pauwi,” sabi niya sabay turo sa motor. “May motor tayo, may helmet. Pwede na tayo maging riding in tandem. Ayos ba? Ikaw ang taga hila ng bag, habang ako naman ang magmamaneho ng mabilis.” Sabi niya kaya masama ko siyang tinignan. Ang seryoso pa ng pagkakasabi niya pero puro kalokohan lang pala. “Ayaw ko! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pagpapasuot sa ‘kin ng itim na panty bilang bonnet. Sapakin kita dyan eh.” Sabi ko habang masamang nakatingin sa kanya. Natawa lang siya at sinuot na lamang ang helmet niya. Sumakay si Demetri at agad na pinaandar ang motor. Sumakay naman din ako kaya pinatakbo na niya. Ngunit sa kasamaang palad ay may nag abang na mga aso. Kasali ang aso na nakita kong dumaan kanina. “Hoy! Bilisan mo kaya ang pagmamaneho. Gago ka! Baka makagat ako ng aso.” Saad ko pa sa kaibigan ko. “Putangina ka! Wag kang malikot! Baka matumba tayo at kagatin ng aso. Mukha ka pa namang aso.” Sagot naman ni Demetri na pinapatakbo ang motor. Hinahabol kami ng mga aso. Ngayon ko lang nalaman na may tropa din pala ang mga aso. “Bilisan mo naman ang pagpapatakbo! Baka makagat ang paa ko.” Reklamo ko sa aking kaibigan. “Ayos lang yan, ikaw naman eh. Yung paa mo naman ang kakagatin at hindi sa ‘kin.” Sagot naman niya kaya sinuntok ko ang balikat niya kaya gumewang ang motor. Mapapamura nalang talaga ako sa kaibigan ko. Dapat pala hindi na ako sumama. Kapag sumemplang kami at nakagat ako ng aso ay sigurado ako na pagtatawanan ako ng batang paslit. Nisse’s Pov ANG SAYA ng buong araw ko dahil safe na ako sa adviser ko, naasar ko pa ang kuya baby ko. Panigurado ako ay inis na inis yun sa ‘kin. Baka nga puro mura na ang inabot ko sa isipan niya. Sinadya ko talaga na yun ang bilhin ko at ibigay para hindi niya ako makalimutan. Maaalala niya agad na ako ang babaeng nagbigay sa kanya ng gamot sa katawan. Tawang tawa ako sa reaskyon niya kanina pero kailangan ko lang talagang tumakbo at baka maihaw niya ako ng wala sa oras. Halata kasing iritang irita siya at para bang gusto na niya ako sakalin. Sigurado ako na malabo na akong makalimutan ni kuya baby. Ako lang ang babaeng nakagawa sa kanya ng ganun. Naligo agad ako pagkapasok ko sa kwarto ko. Pinagpawisan kasi ako sa pagtakbo ko kanina nong ihagis ni kuya baby ang mga binigay ko sa kanya. Napaka mainitin talaga ng ulo niya. Akala mo talaga nakakamatay ang binigay ko sa kanya. Pasalamat nga siya at nilalagay sa katawan ang binigay ko. Giginhawa pa ang katawan niya. Dapat nga may pau de arco yun eh. Yung hinahaplas din sa katawan. Kaso, naubusan eh kaya nga betet nalang ang binili ko. Sa susunod kapag nagbigay ako ulit ng regalo ay robust na. Tignan ko lang talaga kung hindi umusok ang ilong niya sa ‘kin. Natapos na akong maligo ay magbihis kaya naisipan ko ng humiga. Tinatamad na akong magluto ng pagkain ko kaya o-order nalang ako ng food. Iniisip ko nga kung anong masarap na pagkain. Puro nalang talaga ako sa restaurant nito. Nakakakain lang ako ng lutong bahay kapag nagluto ako. Pero hindi naman ako magaling kasi. Pinapanood ko lang din sa youtube at masasabi ko naman na pwede na din kainin kaysa naman sa wala. Nakahanap na ako ng pagkain na oorderin ko kaya umorder ako agad. Natatawa ako dahil para akong nag cecelebrate. Sino ba naman kasing hindi matutuwa kung ganito kaganda ang nangyari sa araw ko. Agad akong nagtipa ng message at sinend ko yun kay kuya baby. Tawang tawa ako dahil nakuha ko pang itanong kung uminom ba siya ng neobloc dahil sa highblood siya sa ‘kin. Hinihintay ko ang reply niya pero wala. Siguro ay pikon na pikon talaga sya sa ‘kin kaya ayaw na niyang sagutin ang text ko. Pangit talaga niya ka bonding. Napabuga ako ng hangin at nalungkot ako dahil hindi na naman niya ako pinapansin. Tapos na ang pagkukunwari nyang uncle sa ‘kin kaya wala na siyang dahilan para tulungan ako. Kaya siguro ay hindi na niya ako nire-replayan. “Ano ba yan.. balik na naman ako sa hindi niya pinapansin.” Nakanguso kong sabi habang nakatitig sa screen ng phone ko. Naka abang ako sa reply niya at umaasa ako na baka sakaling wala na ang galit niya sa ‘kin. Dapat talaga hindi ko na siya niregaluhan ng ganun. Siguro hindi sana siya nagalit sa ‘kin. Inilapag ko nalang ang phone sa kama at nakatitig lang ako sa kisame. Malungkot ako dahil kailangan ko na naman kunin ang atensyon niya para lang mapansin niya ako. Lagi nalang akong ganito. Laging papansin kay kuya baby. Ang hirap niyang landiin eh. Ganun talaga siguro kapag gurang na, hirap ng landiin at pasayahin. Hinintay ko nalang ang pagkain na inorder ko kaya bumangon ako sa kama at dumungaw sa bintana. Kunwari ang order ang inaabangan pero ang totoo ay inaabangan ko talaga ang crush ko na palaging galit sa ‘kin. Naniniwala ako na konting push ko nalang at magugustuhan na niya ako. Kailangan ko lang hindi sumuko. Kaya laban lang, Nisse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD