Chapter 4

1404 Words
Chapter 4 Morgan’s Pov ALAM KONG nag aaksaya ako ng oras dahil pumayag ako na maging tindero dito sa bakeshop na pagmamay ari ni Honey. Hindi lang naman ako ang nauto niya, maging sila Demetri, Sid, Koa ag Kevin ay nandito. Nangako kasi kasi kami na susuportahan namin ang negosyo niya. Hindi ko naman akalain na pagtitindahin pala niya kami. Kanina pa ako naiinis lalo na’t pa cute ng cute ang mga babaeng bumibili. Mas lalo lang akong nainis ng makita ko ang kapitbahay kong makulit. Sinundan na naman yata ako dito sa bakeshop at nagpapansin. Hindi pa yata sapat ang pang aasar niya sa ‘kin nong isang araw na pinatong ang pula niyang panty sa windshield ng sasakyan ko. Alam ko naman na sinadya niyang ipatong yun. Magsisinungaling na nga lang halata pa. Kainis na bata batuta. Panay ang siko ni Demetri sa ‘kin dahil inaasar niya ako sa batang kumakain ng cupcake. Sa inis ko ay malakas kong siniko si Demetri kaya napaubo ang gago. Si Koa naman ay panay ang tawa lang. Hindi ko siya masiko lalo na’t nasa gilid lang ang asawa niyang si Marilyn. Buntis pa naman at baka umiyak kapag nakita niyang siniko ko ang asawa niya. Pikon na pikon na ako lalo na ng dinidilaan ng batang paslit ang icing ng cupcake. Halatang nilalandi ako dahil nakatingin sa ‘kin. Kung ako lang talaga ang naging magulang nito ay baka pinaluhod ko na siya sa asin. Kabata-bata pa, kumekeringking na. Sinabi ng mag aral siya ng mabuti. Nakaka putangina siya. “Maganda pala ang sinasabi mong bata batuta, pre.” Bulong na sabi ni Demetri sa ‘kin. Agad nalukot ang mukha ko. “Maganda? Saan banda?” Tanong ko sa walang emosyong boses. “Gago! Maganda siya. Hindi mo lang makita dahil mainit ang ulo mo sa kanya.” Saad no Demetri. “Makulit din naman kasi ang batang yan. Mukhang type na type talaga ang masungit nating kaibigan. Ilabas mo na ang pangmalakasan mong pickup lines, bud.” Pang aasar sa ‘kin ni Koa na siniko pa ako ng mahina sa dibdib. Puro sila kalokohan. “At bakit ko naman gagawin yun? Baka pag nag pickup lines ako sa kanya ay pang iinsulto lang ang sasabihin ko.” Bored kong sabi. “Grabe ka naman. Wag naman ganun sa bata batuta. Crush ka lang niyan. Puppy love lang. Kaya hayaan mo na. Wag mo ng masyadong sungitan. Lilipas din yang pagkagusto niya sa’yo at ibabaling niya sa iba.” Saad ni Sid sabay abot ng paper bag sa customer. Ako naman ay hindi nakasagot sa sinabi ni Sid. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman sana akong pakialam sa batang yun. “O, bakit nakakunot ang noo mo? Hindi ka ba agree sa sinabi ko?” Tanong ni Sid sa ‘kin. “Agree. Pero hindi ba dapat ay mag aral siya at hindi mag crush-crush. Ano bang matututunan niya sa classroom kung puro crush lang din pala ang nasa isip niya.” Saad ko habang nagtitimpi ng galit. “Abay malay ko. Hindi ko naman siya ka ano-ano. At isa pa, bakit parang galit ka? Tito ka ba niya?” Sarkastikong sabi ni Sid kaya napabuga ako ng hangin. Naisipan kong hubarin ang suot kong apron at umalis. Magpapahangin nalang muna ako sa labas kaysa naman makipag sagutan sa mga pang asar kong kaibigan. Nang makalabas ako ay pumwesto ako sa gilid. Wala na yata akong ginawa kundi ang uminit ang ulo dahil sa batang yun. “Hi, kuya baby!” Nagulat ako ng sumulpot siya sa likuran ko. Nakakarindi na talaga ang pagtawag niya sa ‘kin ng kuya baby. Kinikilabutan ako sa batang ‘to. “What are you doing here?” I asked in an annoyed voice. “Buying cupcakes, duhh!” Sabi niya sa maarte na boses. “Stop lying, batang paslit. Nandito ka talaga para sundan ako. Pagod na pagod na akong makipag usap sa’yo at sawayin ka. Pero matigas pala ang ulo mo talagang bata ka. Nasa’n ba ang parents mo at hindi ka nila ma-disiplina ng maayos.” Seryoso kong sabi. Gusto kong masaktan siya sa mga sinasabi ko dahil hindi talaga niya sineseryoso. Dahil siguro sa bata pa siya kaya akala niya ay laro lang sa kanya ang lahat. Hindi tamang magkagusto ang isang batang katulad niya sa katulad ko. Para ko na siyang anak kong tutuusin. “Mga magulang ko?” Tanong niya at sumeryoso ang kanyang mukha. “Meron naman. Pero palagi silang wala. Kaya wag mo na silang tanungin pa.” Sagot niya habang nakatitig sa ‘kin. “Alam kong naiinis ka na sa ‘kin, kuya baby. Kasalanan mo naman kung bakit baliw na baliw ako sayo. Oo, gustong gusto kita kahit pa nga palagi mo nalang akong inaaway. Lagi mo akong sinasabihan ng masama. Pero, hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na nakita kita na ikaw ang nagbebenta sa bakeshop na ‘to. Masyado ka naman yatang feelingero na lahat nalang ng galaw mo ay susundan ko.” Mahaba niyang sabi kaya natahimik ako. “Bumili lang naman ako ng cupcake at oo, tinitignan na muna kita para naman masilayan lang kita saglit. Pero alam ko naman na badtrip ka na naman sa ‘kin dahil nakita mo ang pagmumukha ko.” Dagdag pa niyang sabi kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. “Buti alam mo. Akala mo ba nakalimutan ko na ang pang aasar mo sa ‘kin do’n sa panty mong pula. Kapag inulit mo pa rin yun ay mapipilitan akong kausapin ang may ari ng subdivision at patalsikin ang pamilya mo para mawala ka na sa landas ko.” Dire-diretso kong sabi sa batang paslit. Natahimik siya habang nakatitig parin sa ‘kin. Sinalubong ko ang titig niya para alam niya na hindi ako basta-basta umiiwas ng titig lalo na kapag walang kwenta ang kaharap ko. “Nisse!!” Agad akong umiwas ng tingin ng may sumigaw na boses ng lalaki. Lumingon din si bata sa gawi ng lalaki kaya alam kong siya ang tinatawag. “Sandali lang, Loki.” Saad ng batang paslit sa lalaki. Nakasuot din na uniform ang lalaki kaya sigurado ako na classmate niya. Humarap muli sa ‘kin ang batang paslit at masama akong tinignan. “Gaya ng sabi ko, hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na papunta kami sa bahay ng classmate kong si Loki, okay? Kaya solohin mo yang binebenta mong cupcake. Kainis ka!” Naiiritang sabi ng batang paslit at tinalikuran ako. Akmang maglalakad na sana siya ng huliin ko ang braso niya. Napahinto siya at bored na nilingon ako. “Bakit na naman? Akala ko na naiinis kang makita ang mukha ko. Bakit may pahawak-hawak ka dyan?!” Tamad na tamad niyang sabi. “Anong sabi mo kanina? Pupunta ka sa bahay ng classmate mo?” Tanong ko agad sa seryosong boses. “Eh ano naman ngayon?” Tanong niya habang nakakunot ang noo. Binaklas niya ang pagkakahawak ko sa braso niya. “Hindi ba dapat nag aaral ka ngayon? Oras ng pag aaral pero ikaw pagbubulakbol lang ang ginagawa mo at sasama ka pa talaga sa bahay ng classmate mong lalaki. Gawain ba talaga ng matinong babae ‘yan?” Saad ko at nakikipag titigan sa dalaga. “Whatever! Kung aawayin mo lang ako ay dapat hindi nalang ako makipag usap sa’yo. Napaghahalataan ka na talaga na isa kang gurang. Pero don’t worry, crush na crush parin kita.” Nakangisi niyang sabi sabay pisil sa pisngi ko. Hindi ako nakakilos sa ginawa niya at napasunod na lamang ang tingin sa batang paslit na tumakbo papunta sa classmate niyang lalaki. Nilingon pa niya akong muli at nag flying kiss ang batang paslit sa ‘kin. Napalunok ako ng laway dahil parang nag slow motion ang paligid nyang gawin niya yun. Namaligno yata ako sa batang paslit na yun. Sakto, maliit siya kaya baka nanuno sa punso na niya ako. Agad kong iniling ang ulo ko at dali-dali akong pumasok sa bakeshop na pagmamay ari ni Honey. Putangina talaga! Nag p-play sa isipan ko kung paano nag slow motion sa paningin ko ang batang paslit na yun at ang pag flying kiss niya. This is not good. Dapat pala hindi na ako lumabas upang hindi na kami nagkausap pa sa batang paslit na yun. Hindi na tuloy siya mawala sa isipan ko nong nag flying kiss siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD