Prologue

1416 Words
Prologue Morgan's Pov I'M AT the bar. Mag isang umiinom ng alak habang pinapanood ang mga taong lasing na din habang sumasayaw. I have a business meeting, ngunit hindi natuloy dahil naiinis ako sa pagmumukha ng ka meeting ko. Kung pwede ko lang burahin ang pagmumukha niya ay ginawa ko na. I really hate that woman. Siya lang naman ang babaeng nagpamukha sa 'kin na walang forever at lahat ng babae ay manloloko. Simula ng lokohin niya ako at paasahin ay hindi na ako ulit nagmahal o nagkagusto sa isang babae. So I went to Spain to move on. Bumalik lang ako dahil namiss ko na ang mga kaibigan ko. Matagal na din simula ng umalis ako sa Pilipinas at ang daming pinagbago. Pero yung isip ng mga kaibigan ko ay hindi parin nagbabago lalo na si Koa na kulang na yata sa untog sa ulo. I took another sip from the glass I was holding and listened to the loud music inside the bar. Kanina pa yata ako dito ngunit wala pa akong planong umuwi. Hindi ko inaasahan na ang makikita ko kanina ay ang babaeng yun. Hindi na tuloy ang meeting at ang nakakainis pa ay nag aksaya lang ako ng gasolina para sa pisteng meeting na 'to. Maglalasing nalang ako dahil sinampal na naman ako ng katotohanan na niloko ako ng ex ko. Naka move on naman na sana ako pero naiinis parin ako. Hindi na ako katulad dati na nagmakaawa pa para lang hindi niya ako iwanan. Mabuti nga at hindi ko iniyakan at baka habang buhay kong pagsisihan kapag naalala ko na iniyakan ko kung sakali. Dapat hindi na ako pumunta dito ngayon. Sayang sa gasolina. Inubos ko ulit ang alak na nasa loob ng baso at agad na inilapag yun sa table. Nakaka ilang bote na din ako ng whiskey dahil kanina pa naman ako dito 6PM. Magmamadaling araw na kaya hindi ko alam kung kaya ko pa magmaneho pauwi sa bahay. Gusto ko sanang tawagan si Koa para magpasundo sa kanya ngunit baka singilin lang niya ako ng 20k. Hayop na yun! Ang mahal ng singil. Naisipan ko ng tumayo mula sa kinauupuan kong stool at inilabas ang wallet sa likod ng pantalon ko. Kumuha ako ng pera at inilapag yun sa harap ng bartender na kanina pa ako pinipigilan uminom dahil lasing na daw ako. Hayp na yan! Mukha yata akong mahina sa paningin niya. Wala pang nagpapatumba sa 'kin sa inuman. Nauuna pang natutumba si Koa na sanay yun sa inuman at si Kevin. Kayang-kaya kong mag maneho kahit lasing na lasing ako. Alam ng mga paa ko ang uuwian ko. Pasuray-suray akong naglakad palabas ng bar at halos matumba dahil sa kalasingan. Tanginang buhay 'to.. bakit ba kasi ako naglasing. Eh hindi ko naman kailangan mag lasing sana. Na badtrip lang kasi ako sa pagmumukha ng ex ko na ang sarap suntukin. Kasama pa talaga niya ang asawa niya na matanda. Halatang pera ang habol ni Sabrina sa matanda. Tuluyan akong nakalabas ng bar at napapikit na lamang ng makalanghap ang hangin. Ngunit agad din akong napadilat ng mata ng marinig ko ang tawa ng babae. Kinusot ko pa ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako. Akala ko ay dahil lang sa kalasingan kaya ko nakikita ang babae na sumasayaw. Mukhang lasing din yata ang babae dahil may hawak siyang bote ng alak. Panay ang sayaw niya dahil dinig na dinig mula dito ang malakas na tugtog na galing sa bar. Hindi ko na papansinin ang dalaga dahil may sarili naman siyang mundo. Bahala na siya sa buhay niya dahil may sarili din akong mundo. Maglalakad na sana ako papunta sa kung saan ko ipinarada ang kotse ko. Tangina.. hindi ko nga alam kung uuwi ba ako o sa kotse nalang muna ako matutulog. "Hey! Kuyang naka suot ng suit!! Hi!!!" Napatigil ako sa paglalakad ng magsalita ang babaeng lasing at may hawak na bote. Nilingon ko siya at napansin na nakatitig nga siya sa 'kin. Kumunot ang noo ko dahil sa nakangiti siya sa 'kin. "Ikaw nga.. ikaw nga yung kapitbahay namin na pogi." Sabi niya habang nakangiti pa. What the hell! "And?" Masungit kong tanong sa kanya dahil ngayon ko lang naman siya nakilala. Naglakad papunta sa 'kin ang babae at hindi katulad kanina na madilim kung saan siya nakatayo. Kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha niya kaya hindi ko alam kung nakita ko na ba ang mukha ng dalaga. Unti-unti kong nasisilayan ang mukha ng dalaga. Una kong masasabi ay isang bata ang isang 'to. Halata sa mukha niya. Lalo na sa katawan. "Ang gwapo mo pala sa malapitan, sir." Sabi ng dalaga habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko gusto ang sinabi niya dahil halatang nilalandi niya ako. Ayaw ko sa lahat ay nilalandi ako. "Lasing ka, miss. I think your a menor. Bakit ka umiinom ng alak?" Tanong ko sa kanya. Nawala yata ang kalasingan ko dahil sa dalagang 'to. Umiling naman ang dalaga. Ngumuso pa siya na parang bata. "Hindi na po ako menor, sir. 18 na po kaya ako ngayong araw. Kaya nga po ako naglasing eh.." sabi niya saka humagikhik ng tawa. Halatang lasing na talaga siya kaya nag-aalala ako sa kanya. Maraming hayok na mga lalaki sa paligid at pwede siyang mapahamak lalo na't lasing na lasing siya. Nasa'n ba mga magulang nito at hindi man lang nila hinahanap ang anak nila. "Where's your mom and dad? Alam ba nila na nasa labas ka pa hanggang ngayon?" Tanong ko sa batang babae ngunit tumawa lang siya. "No, sir. They are always busy. Kaya hindi po nila ako hahanapin kahit dalawang araw pa akong wala sa bahay." She said while smiling at me. "Sayo nalang po ako, sir. Pwede niyo po akong iuwi sa bahay mo." Dagdag niyang sabi kaya napamura ako ng ilang beses sa isipan ko. Tangina! Bakit ganito na ngayon ang mga kabataan. Dati nong nasa edad niya ako ay problema ko lang ay score ko sa test paper. "Tumigil ka, hija! Tito muna ako kaya wag mo akong harutin." Sabi ko dahil nakakakilabot ang sinasabi niya. "Ilang taon ka na po ba?" Tanong pa niya sa 'kin. "32," pagsasabi ko ng totoo. Namamangha niya akong tinignan mula ulo hanggang paa kaya mas lalo akong kinilabutan sa batang 'to. Ano bang nangyayari sa kabataan ngayon? Bakit parang mga mapusok sila. Ni hindi nag-iisip sa mga sinasabi nila at hindi maganda pakinggan yun. Pinagpawisan ako sa batang 'to kaya nawala ang kalasingan ko. Hindi ko alam kung paano siya pinalaki ng mga magulang niya at kung bakit ganito nalang kung magsalita. "Sige na kasi, sir.." nakanguso niyang sabi. "No! Tantanan mo akong bata ka!" Sabi ko sa inis na boses. Tumalikod na ako at baka kung ano pa ang masabi ko sa batang babae. Kanina pa ako kinikilabutan sa kanya kaya dapat na akong umalis. "Wait lang naman po, sir. Baka pwede mo po akong ihatid sa bahay ko. Ay.. hindi po pala.. makikisabay po pala ako dahil magkapitbahay lang naman po tayo." Sabi ng bata kaya napabuga ako ng hangin. Bakit ba ang malas ko ngayong araw? Nilingon ko ang batang babae at pinukol siya ng masamang tingin. "Magpasundo ka sa mama at papa mo para alam nila na nasa labas ka pa ng bahay." Sabi ko saka ako naglakad papunta sa kotse ko. Tumawid pa ako sa kabilang kalsada at hindi na nilingon pa ang batang babae. Kung ako lang ang daddy niya ay baka matagal ko na siyang binatukan. Pasaway na bata! Gusto pa akong landiin. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para pumatol sa mga bata. Never! Tinungo ko ang driver seat at agad na binuksan ang pintuan ng sasakyan. Pumasok ako at laking gulat ko ng makita kog bumukas ang passenger seat at pumasok ang batang babae. "What are you doing?" Tanong ko sa galit na boses. Nag beautiful eyes sa 'kin ang batang babae kaya mas lalo akong nairita. Tanginang yan! "Get out of my car now!" Galit kong sigaw sa batang babae habang nakaharap ako sa kanya. Hindi ko nasundan ang ginawa ng bata at agad na hinawakan ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. Huli ko ng napagtanto na nagdikit ang labi namin dalawa. Hinalikan ako ng batang babae at hindi ko nagawang ilayo ang mukha ko o itulak man lang siya. Masyadong mabilis ang kilos niya at maging ako ay hindi makapaniwala na hinalikan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD