Chapter 13 Nisse’s Pov NAKANGITI ako habang inaayos ang niluto kong noodles. Natatawa kasi ako dahil nakasimangot si kuya baby habang nakaupo sa katapat kong upuan. Nagmamayabang kasi sa ‘kin na 1% pa lang daw ang pinapakita niya. Ewan ko kung ano pa kaya ang 99% niya. Baka 99% katangahan lang ang gagawin niya. Nagugutom na ako kanina pa kaya hindi ko mapigilan pumunta sa kusina kanina dahil ang tagal ni kuya baby. Noodles lang naman kasi ang niluluto niya pero natagalan pa. Kaya ayon, sinilip ko na siya at nakitang may kapalpakan din palang nagagawa ang isang Morgan Santamaría. Akala ko kasi perfect siya eh. “Can you please stop smiling? It’s annoying.” Sabi niya sa masungit na boses. “Ay sus.. ang sungit-sungit mo eh hindi naman kita inaano. Pasalamat ka nga tinulungan kita. P