Chapter 12 Morgan’s Pov HINDI KO alam kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit nag offer ako sa batang paslit ng maanghang na noodles. Putangina talaga ako. Kung hindi ba naman kalahating tanga ay pinigilan ko pa kasing umalis. Ngayon, pinoproblema ko kung paano lutuin ang hayop na noodles na ‘to. Kanina pa ako pabalik balik at hindi alam ang gagawin. Parang gusto ko nalang bawiin ang sinabi ko kay batang paslit at palayasin nalang siya sa bahay ko. Pero nakakahiya naman kung gawin ko yun. Tanginang buhay talaga ‘to! Napakamot ako sa likod ng ulo ko at sinubukan kong basahin ang instruction na nasa pack ng noodles. Pero wala akong tiwala at baka mapahiya pa ako kay batang paslit. Hindi pa naman ako sanay na napapahiya sa ibang tao. Ayos lang sa mga kaibigan ko dahil palpak din nama