Chapter 14 Morgan’s Pov NANDITO ako sa bahay ni Sid kasama ang mga kaibigan ko dahil nag aya sila ng inuman. Pumunta ako dahil wala naman akong gagawin ngayong gabi. Baka mabaliw lang ako kapag nando’n lang ako sa bahay. Lintik kasi yung duwende na batang paslit eh, ninakawan ba naman ako ng halik. Hindi ko lubos maisip na nanakawan niya ako. Naisahan talaga ako ng batang yun. “Hoy! Morgan!” Agad akong tumingin sa mga kaibigan ko ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag nila. “Bakit?” Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay. “Tangina ka! Kanina ka pa namin tinatawag at kinakausap, hindi ka naman pala nakikinig.” Saad pa ni Koa sa ‘kin. “Kanina pa din yan nakahawak sa labi yan habang tulala. Ano bang nangyayri sa’yo? Bakit parang wala ka sa sarili mo.” Sabat naman ni Sid na