Chapter 5
Morgan’s Pov
NAKATULALA ako habang nakaupo ako sa kama. Hindi ako makatulog hanggang mag umaga na.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis ko sa aking sarili. “Putangina! Bakit hindi mawala sa isip ko ang mukha ng batang babae.” Saad ko sabay sampal sa pisngi ko. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Namaligno talaga ako dahil hindi naman ako ganito. Tangina talaga! Sumasakit ang ulo ko dahil wala akong tulog. May pupuntahan pa naman ako pero hindi yata ako makakapunta. Baka maginga lutang lang ako. Punyeta!
Tumingin ako sa nakabukas na terrace ko at nakitang bumukas ang kurtina ng kabilang bahay. Hindi niya mahahalata na may nakatingin sa kanya lalo na’t may kurtina na puti ngunit manipis. Kaya nakikita ko parin ang batang paslit na binubuksan ang bintana at terrace ng kwarto niya.
Mas lalo lang akong napasabunot sa buhok ko dahil nakikita ko na naman ang batang paslit. Bakit kasi sa dami-daming pwedeng maging kapitbahay ko ay siya pa.
Nakita kong naghihikab ang bata. Hindi maalis ang tingin ko sa bata dahil kahit bagong gising siya ay maganda parin.
Natigilan ako ng sabihin ko yun kaya sinampal kong muli ang mukha ko. “Bakit ka nagagandahan sa kanya ha?! Batang paslit yan, Morgan!” Inis kong sabi habang kinakausap ang sarili ko. Putangina talaga! Hindi na talaga ako ‘to.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Demetrius. Tinawagan ko agad ang kaibigan ko para makausap ko na siya tungkol sa nararamdaman ko. Ang tagal niyang sumagot kaya nainis na ako.
Ilang sandali pa ay sumagot si Demetri sa kabilang linya. “S-Sino ba ‘tong putanginang ‘to? Ang aga-aga..” he said in a grumpy voice. Halatang naistorbo ko ang tulog niya.
“Kailangan ko na yatang magpa check up sayo.” Saad ko sa seryosong boses.
“Bakit? May malubha ka bang sakit para istorbohin mo ako ng ganito ka aga?” Tanong niya kaya napabuga ako ng marahas na hangin.
“I’m serious, bud. This is urgent.” I said seriously.
“So, may sakit ka? Ano? Magpapa check up ka ba?” Sunod-sunod niyang tanong.
“Meron. Hindi na yata normal ‘to. May sakit na yata ako sa utak.” Saad ko sa aking kaibigan. Mahabang katahimikan ang nangyari dahil hindi nagsalita si Demetri.
“Ako ba talaga pinagloloko mong hayop ka?! Anong pinagsasabi mong may sakit ka sa utak? Magkakaroon ka talaga kapag nainis ako sayo at nasuntok kita sa ulo. Alam mo bang kakatulog ko lang. Punyeta ka!” Galit na galit na sabi ni Demetri ngunit hindi ko pinansin ang mga sinabi niya.
“May duwende na hindi matanggal sa isipan ko, bud. Kaya nasabi kong may sakit ako sa utak. Hindi kasi ako makatulog at nakikita ko ang mukha niya.” Pagkukwento ko sa nangyayari
sa ‘kin. Hindi talaga normal ang nararamdaman ko at kailangan ng malunasan bago pa lumala. Ayaw ko ng ganito. Mas gusto ko pang isipin ay negosyo o di kaya ay pera. Wag lang babae. Hindi katanggap-tanggap yun.
“Tarantado! Ginulo mo lang ako dahil dyan?! Pumunta ka nalang sa mental hospital. Doon ka magpa confine.” Inis na sabi ni Demetri at pinatayan ako ng tawag. Lokong yun. Hindi na naawa sa ‘kin. Parang hindi kaibigan ang gago. Nagtatanong lang naman ako upang magamot agad.
Napabuga ako ng hangin at tumingin na naman ako sa kabilang bahay. Nakita ko na naman siya kaya nalukot ang mukha ko at humiga na lamang para hindi na makita ang babaeng paslit.
Hindi magandang senyales ‘to. Kasalanan talaga ng babae kung bakit ako nagkakaganito. Sinumpa yata niya ako sa pamamagitan ng flying kiss niya.
Nisse’s Pov
MAAGA na naman akong nagising at panay lang ang silip ko sa kabilang bahay. Napanguso ako dahil hindi parin nagigising yata si kuya baby. Hindi pa kasi siya lumabas sa terrace niya. Gusto ko sanang masilayan ang gwapo niyang mukha pero mukhang tulog pa yata.
Naisipan ko nalang na humiga na naman sa kama. Wala naman akong pasok pero dahil sanay na ako gumising ng maaga ay kahit sabado ay maaga ako nagigising.
Balak ko sanang maglinis ng bahay lalo na’t ako lang naman mag isa.
Naisipan ko pang sumilip muli sa bintana at napansin na may naglalakad sa kwarto ni kuya baby. Mukhang gising na siya kaya dapat magpa cute ako sa kanya.
Lumabas ako sa terrace at kunwari na nag inat ng katawan. Sakto naman na lumabas si kuya baby sa terrace niya.
“Hi, kuya baby! Good morning!” Bati ko na punong puno ng energy.
“Anong maganda sa morning?” Tanong niya sa masungit na boses. Napaka sungit talaga ng lalaking ‘to. Kailan kaya yung time na hindi na siya magsusungit sa ‘kin.
“Anong maganda? Eh di ako.” Saad ko habang parang timang na nilugay lugay ang buhok.
“Ang pangit na agad ang araw ko. Mukha mo agad nakita ko.” Nakasimangot niyang sabi.
“Sus.. pakipot pa! Kaya ka naman lumabas ng terrace ay gusto mo akong makita eh. Kunwari ka pa!” Nakangisi kong sabi at mataas ang confident.
“Whatever!” Aniya na para bang sumuko na sa kakulitan ko.
“Anyway, kuya baby, doon ka parin ba sa bakeshop magbebenta?” Pag iiba ko sa usapan.
“Hindi. Bakit?” Tanong niya sa masungit na boses.
“Ahm.. wala naman. Akala ko lang na pupunta ka. Gusto ko sana ang cheesecake do’n eh. Magpapabili sana ako pero babayaran ko naman. Pero hindi ka naman pala pupunta kaya wag na pala.” Nahihiya kong sabi.
Hindi naman siya sumagot at nakatitig lang sa ‘kin. Bigla siyang tumalikod at pumasok na sa loob ng kwarto niya.
Napabuntong hininga ako dahll sinusubukan kong makipag usap sa kanya at magbukas ng topic pero wala talaga. Waley talaga ako sa kanya. Ang hirap niyang pasayahin. Kainis!
Naisipan ko nalang na pumasok sa kwarto at maglinis na lamang. Kailangan kong magpapawis at wag nalang pansinin ang masungit na kuya baby ko.
Nilinis ko ang kwarto ko. Balak kong isunod ang sala pati na din kusina. Malamang kasi maaga na naman umalis sila mommy at daddy. Wala namang pakialam yun sila sa ‘kin.
Ginawa ko ang lahat para pagpawisan ako. Nilinis ko ang sala pati na din ang kusina. Sa sobrang busy ko ay hindi ko namalayan na 10AM na pala. Nasobrahan ako ng kasipagan sa katawan.
Pawis na pawis akong umupo sa pang isahang upuan. Pagod na pagod ako sa ginawa ko. Pati hagdan ay nilinis ko din.
Ewan ko ba kung bakit pumasok ‘to sa isipan ko na maglinis ng bahay. Pinagod ko lang ang sarili ko.
Habang nakaupo ako ay nagulat ako ng biglang tumunog ang doorbell. Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa pinto ng main door.
Lumabas ako ng bahay at dali-daling lumapit sa gate. Bago ko binuksan ay sinilip ko muna kung sino yun sa maliit na silipan ng gate.
Nakita ko ang delivery boy kaya kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inorder. Alam ko din na hindi ang mommy ko dahil mag t-text yun kapag umorder.
Pinagbuksan ko ng gate ang delivery boy kaya agad na ngumiti ang lalaki sa ‘kin. “Delivery po, ma’am. Para po kay Nisse?” Sabi nya na para bang patanong.
“Ako po yun. Pero wala naman po akong maalala na may inorder ako.” Naguguluhan kong sabi.
“Wag ka po mag alala, ma’am, bayad na po ‘to. Cheesecake po ito.” Saad ng lalaki sabay inabot sa ‘kin ang puting box. Nagulat naman ako at hindi nakapagsalita.
Pinaperma lang ako ng lalaki saka siya nagpaalam at umalis. Ako naman ay kumunot ang noo kung sino ang nagpadala ng cheesecake.
Agad akong napangiti at kinilig na baka si Morgan ang nagbigay lalo na’t sinabi ko yun sa kanya kanina. Kinilig tuloy ako at hindi matigil ang pagtili ko.
Tinignan ko pa ang box at baka may note. Hindi naman ako nabigo kaya kinuha ko yun. Binasa ko at sinabing from Loki.
Agad nawala ang ngiti ko ng mabasa ko ang pangalan ni Loki. Ibig sabihin.. kay Loki pala galing ‘tong cake? Bakit naman niya ako bibigyan? Abnoy ba siya.
Nawala tuloy ang kilig ko ng malaman ko yun. Akala ko pa naman ay galing kay kuya baby. Panira talaga piste! Okay na sana eh. Humanda talaga sa ‘kin ang Loki na yun sa monday. Kaasar!