Chapter 9 Nisse’s Pov MATAMLAY ako dahil ilang araw ko ng hindi nakikita si kuya baby ko. Mukhang wala siya sa bahay niya kaya hindi ko magawang malungkot. Pakiramdam ko kasi ay hindi kumpleto ang araw ko na hindi ko siya naasar. Wala akong pasok ngayon dahil sabado. Nasa terrace lang ako at inaabangan ang pagdating ni kuya baby. Masilayan ko lang ang mukha niya ay magiging masaya na talaga ako. Pero wala eh, hindi parin siya bumalik. Natatakot tuloy ako na baka naisipan na niyang umalis at lumipat ng bahay sa kakulitan ko. Last kasi naming pag uusap ay yung binigyan ko siya ng regalo. Simula no’n ay hindi ko na siya nakikita kaya natatakot ako. Napabuga ako ng hangin dahil bumili pa naman ako ng robust para ibigay sa kanya. Hindi ko alam kung para saan ‘to pero naririnig ko lang