Chapter 11 Nisse’s Pov PAUWI ako sa bahay namin. Pagod na pagod ako sa pisteng activity namin kanina kaya hindi na ako gumala pa. Dumiretso na ako uwi sa bahay para makapag pahinga na ako. Papalapit na ako sa gate at agad kong binuksan ang gate. Nang makapasok ako ay nagulat ako ng makita ko ang sasakyan ni daddy. Nandito na pala sila. Himala naman yata na umuwi ng maaga si mommy at daddy. Natuwa ako dahil sa wakas at umuwi sila ng maaga. Excited akong naglakad papunta sa main door at agad na pinihit ang siradura ng pinto. Binuksan ko ‘to at halos mapa atras ako ng marinig ko na naman ang sigawan ni daddy at mommy. Natigilan ako habang nakatitig sa kanilang dalawa. Halatang hindi nila narinig ang pagbukas ko ng pintuan dahil sa ingay ng ginagawa nila. Nagkalat sa sahig ang basag