Dahil sa sobrang inis dali dali syang tumungo sa pinakamalapit na coffee shop. Ito ang mas higit nyang kailangan sa mga oras na ito. Sa mga ganitong pagkakataon tanging kape at yosi lang ang nagiging karamay nya. Kahit alam nyang mas higit na kailangan nyang magtipid dahil wala na syang trabaho ngunit hindi na muna nya iniisip ang bukas dahil mas importante sa kanya ang kumalma.
Pagpasok na pagpasok nya sa coffee shop ay bumungad na sa kanya ang nakaiigayang amoy ng ginigiling na kape. Lumapit sya sa counter upang umorder. Isang frapuccino choco java chip flavor ang pinili nya, saktong pampalamig ng nag iinit nyang ulo. Matapos nyang umorder ay lumabas sya upang humanap ng upuan. Mas pinipili nyang tumambay sa labas ng coffee shop dahil doon maaari syang mag yosi habang nagkakape. Ever since stress reliever na nya ang combination ng kape at yosi. Ganun daw ata talaga pag stressfull ang trabaho mo hindi mo na talaga maiiwasang mag yosi.
Hindi pa nag iinit ang kanyang puwitan ay may bigla na lamang pumukaw sa kanyang atensyon. Isang lalaking nakaupos sa mesang hindi kalayuan sa kanya. Para syang natulala kay tagal na rin mula ng magkaron sya ng interes sa lalaki. Halos natuon ko ang lahat ng oras at atensyon ko sa trabaho ko dahil ka sa may gusto akong patunayan sa mga magulang ko.
Kahit nakaupo mapapansin mong may katangkaran ang lalaking kanina pa nya pinagmamasdan. Kung susumahin nasa 6'2" siguro ito. Mukhang may lahi dahil hindi mo mababakas sa kanya ng purong lahing pilipino. Maskulado ang kanyang katawan at masasabi mong alaga ito sa gym. At ang mga labi nya ay parang rosas na nang eenganyong halikan mo sya. Medyo nakadagdag pa ng s*x appeal nya ang manipis na balbas nya na parang kay Christian Grey sa Fifty Shades of Grey kapag nakakalimutan nyang mag ahit.
Dahil sa sobrang paghanga nya sa angking kakisigan ng lalaki ay hindi na nya napansing kanina pa din pala ito nakatitig sa kanya. Halos mahimatay sya sa hiya ng mapansin nya ito lalo na ng makita nyang napa half smile pa ito ng mapansin ang pagtitig nya.
Hindi alam ni Carrie ang gagawin dahil sa sobrang kahihiyan. Ngayon lang sya kinabahan ng ganito sa buong buhay nya, Sanay syang mga lalaki ang natatameme at natulala sa kagandahan nya.
Nakita itong tumayo sa kanyang kinauupuan. Kinabahan sya dahil inisip nya na baka lapitan sya nito at hindi nya alam ang kanyang gagawin. Ngunit nadismaya ito ng makitang tumayo ito upang umalis. Nakita nya itong sumakay sa isang magarang black Audi R8.
Hindi alam ni Carrie kung ano ang kanyang mararamdaman ngunit tila nakaramdam sya ng kakaibang lungkot dahil sa ideya na maaaring iyon na ang una at huling pagkikita nila ng tanging lalaking nagpabilis ng t***k ng kanyang dibdib. Naghahangad ang puso nya na sana magkita pa silang muli. Nararamdaman nya na maaaring sya na nga ang Mr. Right na matagal na nyang hinihintay.
It's been a couple of years since nung last na nagka boyfriend sya. Masyado syang nasaktan from her last break up. It was her first love, at kagaya nga ng sabi nila your first love will be the most painful. Nariyan na yung gagawin mo ang lahat para sa mahal mo kahit na suwayin mo ang mga magulang mo para lang patunayan sa kanya ang pagmamahal mo.
Ngunit katulad nga ng alam nating lahat na ang pag ibig kahit gaano pa kalalim kung ang isa hindi tapat hindi rin magtatagal at kahit anong paglaban mo para sa sinasabi mong pagmamahal wala yung patutunguhan kung niloloko ka lang. Dapat nga yata syang bigyan ng award dahil sa pagpapakamartir nya nun sa first love nya. Na kahit alam nyang niloloko lang sya nagbulag bulagan na lang sya.
Ngunit apat na taon na rin ang nakalipas mula noon kaya nasisiguro nya na nakabawi na puso nya mula sa masalimuot na first love nya. At ngayong nakita na nya ang lalaking muling bumuhay sa puso nya, this time sigurado na sya na siya na nga ang hinihintay nyang Mr. Right.
Siguro nga it was a "Love at first Sight"