Maghahating gabi na ng marating nya ang maliit na kwartong inuupahan nya sa may Marikina. Malayo sa Makati pero wala syang makating malapit lang sa Makati na gaya ng presyo na bigay sa kanya ng landlady nya. Mabait kasi ang may ari ng kwartong inuupahan nya bukod sa mura na ang bigay nya sa upa ko eh minsan binabigyan pa sya kapag naparami ang luto nyang ulam. Mahilig kasing magluto si Tita Joy, Tita Joy ang gusto nitong itawag ko sa kanya dahil nakakatanda daw pakinggan “Aling Joy”, pagluluto na ang naging libangan nito dahil madalas syang naiiwan sa bahay nila upang mag asikaso ng mga anak nila habang ang asawa naman nya ay namamahala ng pwesto nila sa palengke.
Matapos nyang maligo at magpalit ng damit ay nagtuloy tuloy na sya sa kanyang kama. Ayaw man yang isipin ngunit hindi nya maiwasang mabahala dahil sa nangyari kanina. Nagresign sya ng pabigla bigla dahil sa pagkapuno nya sa boss nya. Hindi na ganoong kalakihan ang naipon nya kaya kailangan na nyang makahanap agad ng malilipatang trabaho.
Makalipas ang isang oras nyang pagkahiga ay hindi pa din sya dalaw dalawin ng antok kaya naman agad na lamang nyang binuksan ang kanyang laptop at nag log in sa isang job searching site. Kailangan na nyang simulan ulit ang pag aapply dahil importante ang bawat araw. Buti na lang talaga at sadyang napakabait nitong si Tita Joy at hinahayaan siyang makikabit sa wifi nila ng libre alam nya din naman na bihira din syang nasa bahay kaya hindi na gaanong kalaking kabawasan sa kanila kung makigamit sya paminsan minsan.
Makalipas ang ilang saglit na paghahanap ng maaapplyan online ay nagsimula na syang maghanda sa pag tulog at siguradong magiging mahaba ang araw bukas para sa kanya.
*******
Kinabukasan ay maaga syang naghanda para maghanap ng maaapplayang trabaho. Nagdesisyon syang mag walk in sa mga kompanyang nakita nya kagabi online para sigurado na din na mababasa nila ang Curriculum Vitae nya.
Magtatanghalian na kaya nagdesisyon na syang maghanap ng murang kakainan. Napagdesisyonan nyang kumain na lamang sa isang fast food chain ng bigla na lamang syang mabangga ng isang may kapayatang babae. Magrereklamo na sana ito ng bigla ito magsalita.
"Ay sorry miss, pasensya ka na hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh medyo nagmamadali kasi ako dahil ihi ihing na ko.." ng bigla itong tumigil sa pagsasalita ng makita nya ang mukha ni Carrie.
"Carrie ikaw na ba yan?" tanong nito. Takang tinitigan ni Carrie ang babaeng kaharap pilit inaalala kung saan nya nga ba ito nakita.
"ah miss do I know you?" malumanay nyang sagot.
"Ano ka ba! Si Denise to yung classmate mo nung highschool. Nakakatampo ka naman hindi mo na ako nakilala." sabi pa nito. Nobody knows who she was in college, she chose it to be that way. Ever since she is craving for this kind of life, free and independent.
"Denise?...Denise! Yung anak nila mang Tonyo at Aling Pising! Kamusta ka na? Hindi na kita nakilala ang ganda ganda mo na at ang sexy pa!" wika nitong tuwang tuwa na makita ang kababata.
"Naku hindi naman masyado kailangan kasi eh. Medyo bawal kasi sa kompanyang pinapasukan ko ang itsurang hindi masyadong pleasing tingnan. Kamusta ka na? After college wala na akong balita sayo ah? Dinaig mo pa nag "Ghosting" bigla ka na lang hindi nagparamdam. San ka ba naglalagi?"
She went off the radar after highschool, that was when the time that she really wants to prove her worth and to accomplish something na walang tulong ng kung sino man. It was tough but she's striving.
"Ah, eh, ito naghahanap ng bagong trabaho. Nag-resign na kasi ako dun sa dati kong trabaho. Ang pangit kasi ng ugali ng boss ko dun, kumpare ata ni Lucifer yun." pabiro nyang kwento dito.
"Ganun ba? Alam mo sakto hiring sa amin ngayon. Actually bagay na bagay ka nga dun eh at sigurado akong mas matatalbugan mo pa mga tao dun dahil sa ganda mo." wika ni Denise.
"Wait lang Carrie mag CR lang ako tapos sabay na tayong mag lunch okay?" sabi nito sabay karipas ng takbo patungo sa CR na halatang halata mong kanina pa ito nagpipigil ng ihi.
Natatawa na lamang na naghanap ng mauupuan si Carrie para sa kanilang dalawa ni Denise. Meron siyang nakitang bakanteng lamesa sa may malapit sa dingding na salamin sa fast food chain. Yung tipong makikita mo yung kalsada at mga taong naglalakad sa kahabaan ng Paseo habang kumakain ka.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita na niyang nanghahaba ang ulo ni Denise kakahanap sa kinaroroonan nya. Agad niyang itinaas ang kanyang kanang kamay upang mas madali nitong makita kung saan sa pumuwesto.
Dali daling lumapit si Denise sa kinaroroonan ni Carrie.
"Tara order na tayo." wika ni Denise. Agad naman silang pumila upang umorder ing makakain. Iniwan na lang nila ang kanilang mga bag sa table upang hindi sila maagawan ng pwesto. Sinigurado din nilang walang mahalagang bagay na mawawala kung sakali mang may masamang loob na magtangkang nakawan ang kanilang mga gamit.
Nang makabalik na sila sa kanilang mesa ay agad na silang nagsimulang kumain habang nagkukuwentuhan.
"Uy! Carrie kumusta ka na magkwento ka naman. Ano bang nangyari sayo? The last time na umuwi ako satin sa Quezon balita ko naglayas ka daw. Naku alam mo bang usap usapan satin ng mga makakating dila na tsismosa satin yung paglayas mo. Naku kung makapagsalita yung mga yun akala mo andun sila nung mangyari yung...." hindi na naituloy ni Denise and kanyang sasabihin dahil agad na itong pinutol ni Carrie.
"Kung pwede wag na lang natin iyong pag usapang. Isang taon na rin naman ang nakalipas simula nung mangyari yun. At matagal na din akong walang balita sa mommy at daddy." sambit nito sabay subo ng inorder nyang 1-pc chicken joy.
"Sorry...Ahmm so ano ngang balita sayo?" tanong ni Denise.
"Wala naman masyado. Gaya nga ng sabi ko nag wawalk in applicant ako dahil nagresign ako dun sa dati kong trabaho. Hopefully, swertehin. Medyo nagkaron kasi kami ng pagtatalo ng boss kaya ayun napilitan akong magresign. Saka matagal ko na din namang ayaw dun kaya yun na din yung naging last straw ko sa boss ko kaya tinarayan ko na para makabawi naman ako" natatawang sambit ni Carrie habang nagkukuwento at inaalala ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang dating boss.
"Naalala ko tuloy ikaw na ata ang pinakamasungit at pinakamataray na babaeng nakilala ko. Kaya nga halos lahat sa school takot sayo pati mga lalaki takot lumapit sayo. Para ka ngang leader ng gangster nung sa sobrang sikat at takot sayo ng mga tao dun" abot tengang ngiti nya habang kinukwento ang nakaraan.
Isang timid na ngiti lamang ang naitugon nya sa kaibagan habang naaalala ang dating Carrie na palaban at hindi nagpapatalo kahit kanino. Iyon nga din mismo ang dahilan kung bakit nya nagawang lumayas sa kanila dahil ayaw nyang patalo sa kanyang ama at sundin ang mga gusto nitong labag sa kanyang kalooban.
"Ang tanga tanga ko naman naturingan pa naman akong may kakilalang HR hindi ko agad naisip na ipasok ka dun. Masyado kasi akong na-excite nung makita kita eh." wika nito.
Biglang nabuhayan ng loob si Carrie sa narinig. Ngayon nya ipinagpasalamat na nakita nyang muli ang napakadaldal nyang kaibigan. Sya na ata ang milagrong hiningi nya sa diyos kagabi.
"Talaga? Naku tatanawin kong malaking utang na loob kung saka sakaling matulungan mo akong makapasok sa kompanya nyo." anito.
"Okay lang yun ano ka ba! Ano bang previous work mo para maihanap kita ng pwesto?" tanong nito.
"Isa akong PR Specialist sa isang Marketing and Communication Company." wika niya.
"Naku saktong sakto! Naghahanap ngayon ng PR Specialist yung boss namin. Buti na lamang talaga at nagkita tayo. Bigla ko tuloy naisip pa baka para sayo talaga tong trabahong to! Ibigay mo sa akin ang resume mo para maipasa ko sa HR bukas" wika nyang abot tenga ang ngiti.
"Naku! Sobrang salamat talaga! Ikaw na nga ata ang sagot sa lahat ng dalangin ko Denise! Salamat talaga! Maraming salamat." wika nito.
"Wala yun ano ka ba! Syempre kaibigan kita kaya tutulungan kita. Pero babalaan kita sa boss ko na yun ha medyo may pagkamasungit yun minsan. At minsan naman napakababaero ganun talaga ata pag mayaman." sabi nito habang umiiling iling.
"Okay lang yun pagtyatyagaan ko na lang. Ako na nga tong nangangailangan ng trabaho choosy pa ba ko?" natatawa nyang sagot.
"Oo nga naman pala. Pero basta ingat ka dun, basta galingan mo lang trabaho mo sigurado wala kang magiging problema. Maayos namang magpasweldo yung kompanya namin eh."
"Teka ano bang pangalan ng kompanya nyo?" tanong ni Carrie.
"WRIGHT Luxuries, Wright as in Wright with a W." paliwanag pa nito,
"Wright Luxuries? Di ba sila yung may ari ng mga luxury hotels and condominium here in the Philippines?" curious nyang tanong.
"Tumpak sila nga! At ang magiging boss mo kung saka saka ay ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa na walang iba kundi si Dominique Alexander Wright III." papaliwanag pa nito.
"Akin na yung number mo Carrie isasave ko para matawagan kita kung kelan iseset ni Sir yung interview mo"
"Ah Oh sige wait pahiram na lang ng phone mo para masave ko na" sabay kuha ng cellphone na inabot ni Denise
"Oh pano ba yan Carrie una na ko sayo medyo bad mood kasi si Mr. Wright ngayon kaya kailangan ko ng bumalik ng maaga"
"Ah walang problema yun Denise. Sige ingat ka ha! At salamat ulit ng marami. Bye!" wika pa nito at kumaway sa papaalis na kaibigan.
Naiwan syang mag isa sa table at wala sa sariling nabanggit ang pangalan ng soon to be boss nya
"Mr. Wright" bulong niya sa sarili.