"Buhol buhol na traffic every monday, ito na lang ba palagi ang eksena tuwing papasok ako sa opinsina." bulong sa sarili ni Carrie. Cassandra Marie Montenegro Altamiranda, Carrie for short. Masyado kasi syang nahahabaan sa pangalan nya. Tradisyon na sa pamilya nila ang magkaroon ng dalawa o higit pang pangalan. Maswerte pa nga sya at dalawa lang ang pangalang ibinigay sa kanya hindi katulad ng mga pinsan nyang halos ayaw atang magkaroon ng kapangalan sa NSO at NBI kaya ginawang apat o lima ang first name nila.
Kaunting oras na lamang ay malalate na sya sa kanyang pinapasukang trabaho. Ito ang halos araw araw na sinusuong ni Carrie sa pagpasok sa opisina. Kung hindi nga lang talaga kailangan nya ang trabahong ito eh matagal na nyang iniwan to dahil sa bukod sa napakalayo sa tinutuluyan nya eh napakaliit ng sahod. Ngunit ano nga bang magagawa nya mas mabuti na yung maliit kesa wala. Mag-isa na lang syang namumuhay, hindi dahil sa ulila na sya ngunit dahil na rin pag rerebelde nya sa kanyang mga magulang. Meron syang gustong patunayan sa kanila kaya pag tungtong nya kaya heto kahit hindi sanay pilit na pinagkakasya ang kakarampot na sahod para sa pang araw araw na gastos.
"Manong gateway lang po." aniya sabay baba sa jeep na sinasakyan nya. Naubusan sya ng shuttle mula Marikina papuntang Makati.
Mas mainam sana ang byahe nun dahil mula sa kanila ay isang sakay lang hanggang Makati. Ngunit kung mamalasin ka nga naman eh na-late pa sya ng gising kaya napilitan syang mag MRT kung hindi ay lagot na naman ako dahil late na sya.
Pagkatapos ng buwis buhay na byahe sa MRT sa wakas ay nakakarating na din sya sa kanilang opisina. Monday nga pala ngayon kaya may libreng pa breakfast nakasanayan na nila yun. Mabait ang may ari ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan. Naniniwala kasi ito na dapat simulan ang linggo ng positive vibes para maging productive ang mga tauhan nya at magkaroon ito ng magandang reflection sa ito sa kompanya.
"Oh Carrie buti umabot ka pa sa breakfast, kuha ka na sa big-con para sabay sabay na tayong kumain sa pantry" bati ni Isabel, isa sa mga director na syang malapit sa kanya.
"Oo nga po eh, sobrang traffic. Sige po sunod na ko kuha lang ako ng pagkain." at tuloy tuloy syang pumunta sa big conference kung saan nakahain ang free breakfast na naka-buffet style.
Matapos mag almusal ay sinimulan na ni Carrie ang kanyang trabaho. Medyo natambakan sya ng maraming trabaho dahil sunod sunod ang event na ng mga client nila. Nagtatrabaho sya bilang PR specialist sa isang Marketing and Communication company. Trabaho nyang pagandahin ang image ng mga clients nila. Kumbaga kailangan to the rescue agad sya kapag may lumalabas ng hindi magandang right ups na lumalabas tungkol sa mga clients. Kailangan todo tutok sya sa mga ito upang maagapan nya ang kung ano mang mga issues ang lumalabas na maaaring makasama sa kompanya nila.
"Carrie! Nabasa mo na ba yung bagong issues about sa Winston Construction?" sigaw ng director ko.
"Ah Yes boss! Ito na nga po eh gumagawa na po ang ng charity event na gagawin sa isa sa mga establishments nila para malayo sa bad image na na-bubuild up dahil sa issue ng pag mamalupit sa mga trabahodor nila." mabilis niyang sagot
"At kelan mo balak ipasa yan ha? Aba eh pinagpipiyestahan na yung kliyente mo eh wala pa din yang event na sinasabi mo! Ayusin mo nga ang trabaho mo! Hindi ka binabayaran dito ng malaki para mag lamierda lang sa air-con ng opisina!" napangiwi na lang sya sa tinuran nito. Binabayaran ng malaki eh halos kulang na kulang nga yung sahod nya para sa mga gastusin nya.
Mabilis nyang natapos ang gagawin nya kaya tuwang tuwa sya na maaga syang makakauwi ng biglang sumulpot ang boss nya.
"Carrie!! Ano ba namang klaseng proposal tong pinasa mo? Parang gawa lang to ng high school graduate ah! Ilang taon ka na ba? eh parang kayang kayang gawin to 10 years old eh! Ulitin mo yan gusto ko ng mas brief at detailed proposal para sa charity event ng Winston Construction. Pag hindi mo inayos yan agad, You're Fired" sabay hagis sa mukha nya ng mga papel at nagkalat ito sa kanyang table.
That was her last straw. Nag iinit ang ulong tumayo at nilamukos ang mga papel na hinagis sa kanya ng boss nya.
"Sir for your information, I am 25 years old, Graduate of Broadcast Communication in University of the East and took my Masters in Ateneo De Manila University. Para sabihin ko po sa inyo na pinagisipang mabuti ang proposal na yan, hindi ko na kasalanan kung masama talaga ang ugali ng mga taga Winston Construction kaya nahihirapan kayong lusutan ang kabulustugan nila at nahihirapan kayong ayusin ang sirang sira na nilang image. And you know what since I can't do anything for you, you don't have to fire me. I Quit!" sabay kuha kanyang bag at dire diretsong tinungo ang pintuan palabas ng kanilang opisina.