Chapter 5

1207 Words
Alas-onse na ng gabi nang matapos lahat ang mga ginawang floor plans ni Daniella para sa isang project na resort ng kumpanya. Nag-check din kasi siya ng ginawang plano ng mga junior engineers para sa iba pa nilang project. Pero ayos lang dahil medyo nabawasan na ngayon ang trabaho niya dahil nadagdagan pa sila ng isang senior engineer, si Niccolo.   Daniella’s POV Medyo late na. Sana makasakay ako agad. Magta-taxi nalang ako. Madalas naman talaga akong mag-taxi pauwi dahil late na ako umuuwi at hindi ko na naabutan ang MRT. Pero ayos lang kahit late ang uwi, madalas naman 10 or 11 A.M. ako pumapasok sa umaga. Hehe! At okay lang ‘yon as long as 8hours ang working time ko. Pag nag-exceed naman may overtime pay. Haha! I heard someone faked a cough. Lumingon ako. Si Engr. Alberto pala. Ilang araw ko na rin itong hindi nakikita kasi hindi naman ako pumupunta sa site. Siya ang madalas nandoon dahil gusto ni Sir Zach na andun siya to oversee the project. “Heading home?” nakangiti nitong tanong. Tumango nalang ako at ibinalik ang tingin sa daan. “Kung wala pang taxi, pwede kitang ihatid. Saan ka ba tumutuloy?” “Naku, wag na…Maaabala ka pa,” tugon ko. “Eh di samahan nalang muna kita.” “No, I can manage. Sanay naman ako mag-abang ng ganitong oras,” saad ko. I heard him chuckle. “Tomboy ka talaga noh?” “Why?” napataas ang kilay ko. Aasarin na naman ba ako nito? “Kasi yung tapang mo parang sa lalaki…” nakangiti niyang saad. Napailing nalang ako. “I just love doing things on my own,” saad ko. Napatango naman siya. “I see…but there are times when you have to admit you need someone,” saad niya. “So anong pinaglalaban mo?” naiirita kong tanong. Kasi naman ayoko lang magpahatid kung ano-ano nang sinasabi. “Sabi ko nga, kukunin ko na yung kotse, hintayin mo ako dito,” saad niya at tumalikod na. “Hey, wait!!” sigaw ko pero itinaas lang niya ang kamay niya at nagtuloy-tuloy na. Napailing nalang ako. Mahirap yatang tanggihan ang isang ito. Pagkatapos ng ilang sandali, nasa harap ko na ang sasakyan niya. “Hop in!” yaya niya. I stood there for a moment. Ayoko kasing magpahatid, kailan lang naman kami nagkakilala. Kilala ko na ang mga lalaki kapag pinagbigyan mo minsan, iisipin nila may gusto ka na sa kanila. Lumabas siya at binuksan ang passenger’s side ng kotse niya. “C’mon, let’s go! It’s not like liligawan kita, ihahatid lang kita pauwi.” He grinned. Feeling ko napahiya ako doon. Assuming yata ako masyado, baka nga mabait lang ang isang to. Pumasok nalang ako sa kotse. Napapailing siya habang inaandar ko ang sasakyan. “Relax, will you? Don’t worry I never hit on women I just met!” saad niya. Napasimangot ako, kanina pa niya sinasabing hindi niya ako liligawan. Kulang nalang yata sabihin niya na hindi niya ako type. Sabagay, guwapo rin ang isang ito. Maybe he’s married. But married or not, I’m not interested.   Niccolo’s POV “So, saan kita ihahatid?” tanong ko. Napatingin naman siya at sinabi ang address niya. I smiled. “Really? Nadadaanan ko ‘yan araw-araw.” saad ko. Napatango naman siya. Buti pumayag siyang ihatid ko. I’ve heard na hindi ito nagpapahatid sa kahit na sinong lalaki sa office. Siguro dahil lahat naman yata doonay  may pagnanasa sa kanya. Hehe! Well, she is a beauty at idagdag pa ang sexy at makinis niyang katawan. I saw her blushed noong sinabi kong hindi naman ako nanliligaw para tanggihan niya. At ‘yon nga pumayag siya, maybe she just don’t want any commitment or ayaw niya lang makipag-date sa katrabaho niya. I think I should respect that. “Nag-dinner ka na? Would you like to eat first bago kita ihatid?” “Kumain na ako kanina sa office,” saad niya. Napatango nalang ako. Wala kaming imikan hanggang makarating kami sa bahay nila. It’s a modern three-storey house. “Ganda naman ng bahay ninyo,” komento ko. Hindi naman siya umimik. “Tulog na yata sila.” Napansin ko kasing sarado lahat ng ilaw sa bahay. She smiled bitterly. “Walang ibang tao diyan.” Mahinang saad niya. Napatingin ako. She opened the car door. Lumabas na rin ako. “Would like to come in for a cup of coffee?” yaya niya. Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Tumango ako. Ngumiti naman siya. Sumunod nalang ako sa kanya. “So, mag-isa ka lang dito?” saad ko pagkapasok namin. Tumango naman siya. Maganda ang interior design ng bahay, oriental ang theme. “Hindi ka natatakot?” tanong ko. “Kasama ko yung pinsan ko dito pero umuwi muna siya ng probinsiya.” Saad niya. Napatango naman ako. Sumunod ako sa kusina. Ini-on naman niya ang coffee-maker. “Wala kang kapatid?” tanong ko. “I’m an only child.” She smiled bitterly. I don’t know but I feel something is bothering her. Pero ayoko namang itanong ng diretso and I doubt if she would trust me about it. Ilang araw pa lang naman kaming magkakilala. “How about your parents?” tanong ko matapos niyang iabot ang kape. Naglakad naman siya pabalik ng living room. Sumunod nalang din ako. “My mom died a year ago. Yung dad ko, iniwan kami nung bata pa ako at sumama sa ibang babae.” Malungkot niyang saad. “I’m sorry…” saad ko nalang. Ngumiti lang din siya ng tipid. “Kaya ba ilag ka sa mga lalaki because of what your father did?” “Siguro…but let’s not talk about it.” Saad niya. Di ko nalang din kinulit. Maswerte nga ako at nagkwento siya sa akin a little bit of her life. “So, kayo lang ng pinsan mo ang nakatira sa malaking bahay na to?” tanong ko habang inililibot ang tingin sa paligid. I looked at her dahil hindi siya nakasagot agad. Tumango naman siya nang mapansing naghihintay ako ng sagot niya. Maybe, I had asked too much. “Eh di ang mahal ng maintenance nito?” pag-iiba ko nalang ng usapan. Napatawa naman siya. “Yes, actually! Dito nga napupunta lahat ng sweldo kaya di ako makabili ng sasakyan.” She chuckled. Napangiti nalang din ako. “Ayoko namang ibenta dahil ito nalang ang natitirang ala-ala ni Mommy.” Dagdag niya. Napatingin naman ako sa kanya. “So, the tough engineer is sentimental after all.” Saad ko. Napangiti naman siya. “Hoy, wag mong ipagkakalat ha. Ikaw lang ang nakakaalam nito.” banta niya. Napatawa naman ako. “Of course not!” natatawa ko namang sagot. Kanino ko naman kaya sasabihin? “Sige na, it’s getting late. Umuwi ka na!” pagtataboy niya. Natawa nalang din ako at nagpaalam. “Good night!” saad ko bago niya tuluyang maisara ang gate. Whew! So the tigress is a woman after all!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD