Matagal bago nakahuma si Daniella sa kinatatayuan niya nang sabihin ni Niccolo na manliligaw siya. Sa lahat ng lalaki sa opisina nila, siya lang ang tanging lalaking nagawa niyang kakwentuhan at aminin man niya o hindi malaki ang posibilidad na mahulog siya rito. Minsan naiinis siya rito dahil sa coolness nito pero kadalasan naman ay nakakabawi ito sa kabaitang pinapakita niya lalo na kung dinadalhan niya ito ng pagkain sa opisina kapag masyado siyang busy. Kung ibang lalaki ang gumagawa ng ganung kabutihan sa kanya madalas sinusungitan niya kaya napapaatras ang mga ito. Sabagay, naging masungit nga rin siya kay Niccolo pero parang wala lang sa lalaki ang pagsusungit niya. Niccolo’s POV When I told her that I’ll court her, I mean it! Alam kong walang nakapapasa sa kanya sa lahat n