Niccolo’s POV I smiled when he entered my car. Nakahinga ako nang maluwag. Tahimik lang siya habang nagmamaneho ako. Nakatingin siya sa kabilang bintana. “Danny, can I ask something?” Saglit siyang tumingin sa akin pero di siya nagsalita. Napabuntong-hininga ako. “Sorry kung pinauwi ko si Mang Roman.” Saad ko. “I hate men who are manipulative!” sagot naman niya. “Are you saying na pinapasunod kita sa gusto ko?” Napangiti ako. “You just did it, pinauwi mo ang driver para mapilitan akong sumakay sa kotse mo.” Naiinis niyang saad. “Don’t you think you’re a little judgmental?” Nakita kong gumuhit ulit ang pagkainis sa mukha niya. “What? So ako pa ang judgmental ngayon?!” “Pinauwi ko lang naman kasi ang driver dahil tinawagan daw siya ng asawa niya, naospital ang anak nila.” Pal