Kabanata 4

1967 Words
"Salamat." I looked at him after saying those words. I was thankful that he came to save me. Akala ko, walang magmamalasakit sa akin. But he did. I guess, his not that bad at all. Sinulyapan ko ulit siya. Wala pa rin siyang reaksyon. Napabuntong hininga ako. Para naman kasi akong nakikipag-usap sa hangin. "Zeus." Tiningnan niya lang ako pero wala pa rin siyang imik. Naiinis na ako dahil sa pakikitungo niya sa akin ngayon. Gayong kanina lang ay sobra ang pag-aalala niya sa akin. Sinimangutan ko siya at muling binalingan. Hinampas ko pa ang balikat niya ng bahagya para maagaw ang kaniyang atensiyon. "Kuya Zeus. Sorry na po." "What?" Sabi niya habang nakasimangot. Tiningnan niya ako at napailing. Pinahinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan at hinarap ako. Napangiti naman ako sa kaniyang ginawa. "Sorry na, Kuya." sabi ko sa kanya. "Ayaw mo kasi akong kausapin. Sana pala... hindi mo na lang ako hinanap." I pouted my lips. Alam kong nagmumukha akong bata sa paningin niya, pero wala akong pakialam. Gusto kong kausapin niya ako. Gusto kong malaman niya na nagpapasalamat ako sa ginawa niya para sa akin. "You're impossible. You should fight back! Look what they've done to you." Concerned was written on his face. Alam ko naman kasi kung gaano ka-nakakaawa ang hitsura ko ngayon. Napangiti ako sa kaniyang sinabi kahit mukha siyang galit na ewan. I bit my lower lip to suppress a smile. Imbes na magalit ako sa kaniya dahil sa paraan ng pagsasalita niya sa akin ay hinayaan ko na lang. Ayaw ko na lang makipagsagutan sa kanya. Masyado akong masaya sa hindi ko alam na dahilan. "Friends na tayo ahh. Salamat sa concern." sabi ko pa. He just stood there. He looked at me intently. Ni hindi man lang niya ako sinagot at saka napailing. Nag-aalangan ang kaniyang bawat kilos. I liked the first version of Zeus when we first met. Maloko at palangiti. Mukhang constipated kasi itong kasama ko ngayon. "And who said that I'm concern?" sabi niya habang hindi makatingin ng diretso sa akin. "Bakit hindi ba?" I teased. "Tsk... By the way, friends then." dagdag pa niya habang inilalahad ang kamay niya sa akin. I smiled even more. I accepted his right hand and hold it tight. We shake our hands as a sign of a new friendship. Masaya ako. Masaya ako dahil ito ang unang beses na magkakaroon ako ng kaibigan. And I love this kind of feeling. ---------------------- After last weeks incident. Lagi na kaming magkasama ni Kuya Zeus. Hindi ko masasabing close kami pero we're getting there. And I am happy. Minsan, sinasama ko siya kapag pumupunta ako sa taniman nila. Masyado kasi siyang reserved. Halatang walang alam sa buhay ng probinsiya. Ang arte pa sa putik. Hindi niya lang alam na may pera sa lupa. "Bilisan mo naman, Kuya!" Sigaw ko sa kaniya dahil nahuhuli na siya sa akin. Tulad ko ay nahihirapan din siyang maglakad sa pilapil ng bagong tanim na palayan. Sinama ko siya para makita niya kung paano ang buhay ng magsasaka at kung gaano ito kahirap. You can never tell something if you don't experienced it on hand. Kaya naman it's a step for him. At para mas mapamahal pa sa kaniya ang hacienda. "Can't you just wait?" Asar niyang tanong sa akin. Umiling ako at tumawa ng makita ang kaniyang hitsura. Nakabusangot na ang kaniyang mukha at halatang pikon. Lalo pa akong natawa ng mahulog siya sa loob mismo ng bagum-bagong kahon na may tanim na palay. Mabilis ko siyang sinilip sa ilalim niyon at ng makitang ayos lang siya ay nakahinga ako ng maluwag. Me hanging out with him means something unexplainable for me. Palagi akong masaya at tumatawa. Minsan kahit walang rason basta magkasama lang kami napapangiti na ako. Laging sinasabi ni Nanay sa akin noon na maghanap daw ako ng kaibigan. Ginagawa ko naman pero talagang ayaw nila sa akin. Wala naman akong problema roon. Mas maigi ng malaman mo kung sino sa mga kakilala mo ang plastic kaysa harap-harapan kang pina-plastic. Habang magkasama kami ni Zeus every moment was a bliss. Mabait siya at kung minsan arogante. Ang sarap din niyang e-bully. Natutuwa naman lage si Nanay dahil daw may kasa-kasama si Kuya Zeus. Kaso mukhang bad mood naman palagi si Don Fausto. Laging nakakunot ang kaniyang noo kapag nakikita kami ni Zeus na magkasama. Hindi ko na lang pinapansin ang ka-werduhan ng Don. Natigil ang pag-iisip ko ng may tumakip sa aking mga mata. Napangiti ako. Alam ko na naman kasi kong sino. Naaamoy ko ang pamilyar na pabango niya. Nakakaakit nga itong amuy-amoyin ngunit baka magtaka naman siya sa akin. "Kuya Zeus." sabi ko. Bigla naman niyang pinakawalan ang mga mata ko. Nilingon ko siya sabay ngiti. Ngunit bumungad kaagad sa akin ang nakasimangot niyang mukha. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya. Nitong mga nakaraan ay panay ayaw niyang tawagin ko siyang "kuya". Pangit daw kasi pakinggan. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na pinansin. Baka trip niya lang siguro. "Ano na namang nangyari sa iyo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso ngunit sinagot niya parin ako. "Stop calling me Kuya. It's annoying. Three years lang ang tanda ko sa'yo." Gusto kong matawa sa kaniyang hitsura. Namumula ang kaniyang pisngi at hindi mapirmi ang kaniyang mga mata. Nakakatuwa rin siyang pakinggan kapag nagsasalita ng Tagalog. Sobrang slang kasi. Hinawakan ko ang kamay niya at ginaya pasakay sa duyan malapit sa aming barn. Kanina pa ako dito pero ngayon ko lang naisipang maupo kasama siya. Sabay kaming sumakay doon at mahina namin itong niyuyugyog. Malamig ang hangin kaya masarap sa pakiramdam. Hindi ko rin alam kung ano ba ang masarap. Kung ang pagsakay sa duyan o ang pakiramdam na kasama siya? Nakakabaliw. Funny how Zeus turned my emotions everytime he was near. Nawawala lahat ng takot ko. Nawawala lahat ng insecurities ko. "What are you thinking?" tanong niya sa akin. "Ikaw" wala sa loob na sagot ko.  Nanlaki ang mga mata ko. Bigla ko siyang nilingon at tinitigan. Nakangisi lang siyang nakatitig sa akin habang napapakagat sa labi. He's eyes is twinkling, it was evident. "We're on the same boat, baby. I'm thinking of you too." Sagot niya sa akin sabay seryoso ang mukha. Kinabahan ako sa kaniyang sinabi ngunit may kakaibang damdamin ang lumukob sa aking pagkatao. I don't know, but I am very happy. "Ang landi mo. Huwag mo akong ginu-goodtime ng ganyan, Kuya." sabi ko sa kaniya sabay hampas sa kaniyang balikat. "I'm not joking." Tumaas ang kilay ko sa kaniyang tinuran ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. Bagkos ay sumeryoso ang aking mukha. I sighed. "May sasabihin ako sayo. There's this one guy..." pagku-kwento ko sa kanya. "Turn him down." sabi niya kahit hindi pa ako tapos magsalita. Nagkatinginan kami. No one wants to break the silence. And just like that, parang nagkakaintindihan na kami. Just like that, kaya na niyang baguhin ang nararamdaman ko. I was afraid if he would know about my secret feelings for him. What would he do? Na ang isang trabahante at paaral ng papa niya ay nagkagusto sa kaniya. Ano kaya ang mararamdaman niya? "I'm gonna be your escort Sofia... No one else but me." sabi niya sabay tayo at umalis. Naiwan akong nagtataka. Minsan ang hirap niyang espelingin. Nagwa-walkout na lang basta. Kapag ayaw niya lalyasan ka niya. Napailing ako. Alam kong galit siya. Pero bakit naman siya magagalit? Inaya lang naman ako ni Jerry na maging escort niya sa Prom. Tiningnan ko siya habang papalayo. Somehow, hindi ko mapigilang umasa. Napangiti ako habang tinatanaw ang papalayo niyang pigura. Mukhang magiging masaya ang last Prom ko. ---------- Nasa school ako ngayong araw. May practise kasi kami para sa gaganaping Prom. Kung tutuusin ay ayaw ko na sanang sumali, pero dahil last year ko na sa Senior High ay hindi ako exempted. Hindi ako mahilig sa ganito kaya tahimik lang ako sa gilid. As usual, bida na naman ang anak ng Governor sa lugar namin na si Aria. Maganda siya at mabait sabi ng iba. But I know better. Naputol ang pag-iisip ko ng maupo si Jerry sa aking tabi. Si Jerry ang school heartrob sa campus pero wala siyang appeal para sa akin. 'Iba naman kasi ang gusto mo. Gusto mo matanda sa'yo' Ipinilig ko ang aking ulo. Umaatake na naman ang mahadera kong utak. I smiled. Ano kaya ang ginagawa ng mokong na'yon ngayon? "Bakit naman kasi ayaw mong maging escort ko Sofia?" Sabi ni Jerry sa akin at prenteng nakaupo sa aking tabi. Wala nga yata itong balak umalis. Nginitian ko lang siya at umiling. Ayaw ko siyang sagutin. Napakakulit kasi niya. Ilang beses na siyang nagtanong sa araw na ito. Hindi ako obligadong sagutin siya kaya naiinis ako. "Hatid nga pala kita mamaya... You owe me one, Sofia." sabi pa niya. Tinanguan ko siya. Nakakahiya naman kasi kong tatanggi pa ako sa offer niya. Kasalanan ko rin naman. I listened to Zeus and I turned down Jerry's offer as his escort. Pagkatapos ng praktis ay sabay kaming lumabas ni Jerry. He press the car key and we enter inside. Hindi na ako lumingon kung saan-saan dahil alam ko, laman na naman ako ng chismis bukas. While we were in our way home, panay naman ang sulyap ni Jerry sa akin. Kumunot ang noo ko. There is something odd in here. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin. Binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan. Huli na ng mapagtanto kong hindi ito ang daan patungong Mansion Fausto. "Out of the way ka Jerry." sabi ko sa kaniya. Kinakabahan na ako dahil panay lang ang sulyap niya sa rearview mirror. Kumabog ang puso ko sa kaba. Anong gaggawin niya sa akin? Alam kong wala akong kawala dahil malayo na ang lugar na ito. Though, nasa highway pa rin kami... wala nang gaanong sasakyan sa lugar na ito. Inihinto niya ang sasakyan. Mabilis ang mga kilos niya kaya hindi ko napaghandaang hahalikan niya ako. He put his hands at the back of my head and grab me forcefully to kiss my lips. Mulat na mulat ang mga mata ko sa kaniyang kapangahasan. Pilit ko siyang nilalabanan ngunit mas malakas siya kumpara sa akin. Pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Nakakasuka ang lalaking ito. My lips were virgin. I may be clamsy and naughty pero hindi ako pakawala. I still believe in my perfect person in our perfect time. Kaya walang karapatan si Jerry na basta na lamang akong halikan. The audacity of this bastard. Nang tumigil siya ay pinangapusan pa siya ng hininga. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon at dali-daling binuksan ang pinto. And I did. Mabilis akong naglakad palayo sa kotse ni Jerry. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang makita ko si Zeus. Why is he here? He looked so mad. Kahit natatakot ay lumapit ako sa kaniya. He grabbed my hand and lead me, to go inside the car. He drove so fast. He was fuming mad. Napayoko ako sa kaniyang tabi. I can't help it, I let my tears fall. Ayaw kong nagagalit siya sa akin ng ganito. Ayaw kong hindi niya ako kinikibo. Ilang sandali pa ay pinahinto niya ang kotse sa gilid ng daan. Nakayuko akong umiiyak. Kasalanan ko naman kasi. Dapat hindi ako sumama kay Jerry. Inangat ko ang aking mukha at tiningnan ko siya. Nagtama kaagad ang aming paningin. Wala na ang galit sa kaniyang mga mata ngunit mababanaag naman dito ang pag-aalala. "What did he do to you? Why are you crying doll? f**k!" he said. Lumapit siya sa akin habang patuloy lang ako sa tahimik na paghikbi. Akala ko, yayakapin niya lamang ako ngunit iba ang kaniyang ginawa. Zeus cupped my face while he's looking through my eyes, and then he claimed my lips. I'm letting him kiss me, and I'm kissing him back too. His kisses just washed away my fear from what happened awhile ago. His kisses. It's just felt so good. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD