Kabanata 3

1525 Words
Pebrero 2013 Zeus ang pangalan ng hambog na anak ni Don Fausto. Minsan minamasdan ko siya ng palihim, lage lang siyang nakasimangot. Dalawang buwan na siya sa lugar namin at mukhang bored palagi ang hitsura niya. Ayaw niya yata dito sa lugar. Hindi yata alam ng hambog na 'yon na mas masarap mamuhay sa probinsiya. Sariwa lahat pati na ang hangin. Ayon sa nalaman kong chismis kay Nanay ay matagal nang hiwalay ang parents ni Zeus. Sa kaniyang mommy siya nakatira at sa America ito nakabase. Nakakainis lang talaga ang hilaw na 'kano na 'yon. Panay English. Alam kong marunong siyang mag tagalog dahil ganoon niya kausapin ang Don. Pabebo lang talaga siya sa iba. 'Tssk. Spoiled brat talaga.' Sa isip-isip ko. Naaalala ko na naman kasi ang kahambugan niya. Nakakabadtrip siya para sa akin. Lalo na kapag tinitingnan niya ako kapag nagdidilig sa greenhouse. Nasa school ako sa araw na'to. Malapit na ang exam kaya sunog kilay na naman ako. Kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil scholar ako ng Don at last year ko na sa Senior High. Nabobore na ako. Sobrang tagal ng discussion. Nang tingnan ko ang aking relong pambisig ay napangiti ako. Ilang minuto na lang din naman ay end of class na. Saan na naman ako tatambay nito? Napabuntong hininga ako. Alam kong inaabangan ako ng grupo nina Helga, kaya magtatago na muna ako ngayon. Wala ako sa mood makipagsabunutan sa kanila. Ngumiti ako sa naisip. Tama. Uuwi ako nang maaga ngayon. Sakto namang nag-ring ang bell ng school. Dali-dali kong pinulot ang aking mga gamit sabay layas. Hindi ko na nilingon si teacher Monica. Nauna pa nga ako sa kanya. Ngiting-ngiti ako habang naglalakad sa pasilyo papuntang C.R ng school. Nang makapasok ako sa loob ay tiningnan ko ang aking hitsura sa salamin. Napangiti na naman ako. Napaka-ganda ko talaga. Walang duda. Kahit ang mga lalaking schoolmate ko ay laging sinasabi na higit akong maganda kaysa kay Aria-ang school princess. Princess kasi anak siya ng Governor. Ilang sandali pa akong nag-aayos nang mapalis ang aking ngiti. Napansin kong walang tao sa loob maliban sa akin. Kinakabahan ako. Usually marami ng estudyante kapag ganitong oras sa bathroom para mag-ayos sa kanilang sarili pero ngayon wala ni isa. Lalo pa akong kinabahan ng bumukas ang pinto at pumasok ang grupo nina Helga. Matapang ako pero hindi naman ako superhero. Marami sila at nag-iisa lang ako. Tiyak na pagtutulungan nila ako. Napakamot ako sa ulo. 'Daya' Gusto kong kutusan ang aking sarili. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Nasa bingit na nga ako ng bugbugan, nakakaisip pa ako ng kalokohan. "Ano na namang kailangan niyo?" tanong ko sa kanila. Kailangan kong magtapang-tapangan ngayon. Delaying tactics kumbaga. Humarap si Lyza sa akin. Kanang kamay siya ni Helga. Pinalibutan naman ako ng mga dala niyang alipores at hinawakan nila ang magkabilang kamay ko. "Matapang ka talaga Sofia. Hindi naman bagay sayo." sabi niya habang nakangisi. Kung hindi lang hawak ng mga alipores niya ang mga kamay ko ay baka nasuntok ko na siya. Kaso wala akong laban sa ngayon. Sometimes it is better to just stay still and don't fight back. Lalo na kapag alam mong talo ka na hindi pa man nagsisimula ang laban. It was easier that way. Nagulat pa ako ng biglang sinampal ako ni Helga. Masakit pero hinayaan ko lang siya. Sinabunutan niya rin ako. Parang gusto niya pa akong kalbuhin sa lakas ng pagsabunot niya sa akin. Minsan ay sinasampal pa niya ang magkabilaang pisngi ko. Lahat nang 'yon ay tinanggap ko. Namamanhid na nga ang pisngi ko sa kakasampal niya. Hindi ako makalaban. They were outnumbered unlike me. Nag-iisa lang ako. "Akala mo siguro hindi kita papatulan. Pwes, you're wrong b***h!" sabi pa niya. Gusto kong ipakita sa kanila na hindi ako apektado ngunit nagimbal ako ng may iaabot si Lyca sa kaniya. Nang makita ko iyon ay naiiyak ako. Anong gagawin nila sa akin? "Masyado ka kasing nagmamaganda. Lahat ng lalaki gusto mong magkagusto sayo." aniya. Bigla niyang inilabas ang gunting at ipinakita ito sa akin. Iwinagayway pa niya ito saka sila nagtawanan. Natakot ako sa nakita. Alam kong may masama siyang balak sa akin. "Anong gagawin mo?" Tanong ko kahit nanghihina. Natatakot ako sa pwede nilang gawin sabakin. Wala na akong lakas para lumaban dahil kanina pa nila ako sinasaktan. Mga duwag naman kasi ang mga 'to. Matapang lang kapag marami sila. Hindi ako sinagot ni Helga. Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. Naglakad siya ng dahan-dahan palapit sa akin. Alam kong may gagawin siyang hindi maganda. Nang tuluyan siyang makalapit ay una niyang ginupit ang aking blusa pababa. Sinadya pa niyang ipakita ang aking bra. Ngingisi-ngisi siya habang patuloy lang siya sa pag-gupit ng aking uniform. Maging ang aking palda ay hindi niya pinalampas. "Tama na!" Pakiusap ko sa kanila. Ngunit nanatili silang bingi sa aking pagtutol. "Sino pang magkakagusto sayo kong gagawin ko 'to?" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hawakan ang aking buhok. Mataas ang buhok ko at wavy na may natural na kulay blonde. Walang awa niyang ginugupitan ang aking buhok habang nakakaloko ang ngisi. Nagtatawanan at tila masayang masaya pa ang kaniyang mga alipores. Nang magsawa sila ay iniwan nila ako. Sobrang sakit ng puso ko. I love my hair so much pero ganoon na lang kung lapastanganin at gupitin ito ni Helga. Naninikip ang dibdib ko at tila kinukurot ang aking puso dahil sa nangyari sa akin. Nanghihina na ako ngunit kailangan kong tumayo. Nang tuluyan akong makatayo ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto ng banyo. Kumapit ako sa kahit anumang bagay na pwede kong makapitan para lamang suportahan ang aking sarili sa nagbabadyang pagkatumba. Sinubukan kong pihitin ang pinto ngunit nanlumo lamang ang aking pakiramdam. Lock. Napaupo ako sa sahig. Umiiyak ako sa aking sinapit. Napakalupit nila Helga para gawin sa akin ito. Wala naman akong kasalanan sa kanila. Hindi ko ginustong magkagusto sa akin ang boyfriend niya. Hindi ko alam kong papaano ako uuwi ngayon. Hindi ko rin alam kung may tao pa sa school. Nang matapos ako sa pag-iyak ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Lalong nanlumo ang aking pakiramdam ng makita ang aking hitsura. Sabog ang buhok ko at butas-butas ang aking uniform. Sinipat ko ang aking buhok at nakahinga ako ng maluwag. Kahit papaano ay pwede pa itong remedyohan. Ilang sandali pa ay inayos ko ang aking sarili. Kailangan kong mag-focus sa kung papaano ako makakalabas. Hindi ako pwedeng hindi makauwi. Mag-aalala panigurado si Nanay. Habang nag-iisip ng paraan ay hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari kanina. I wish, I fight. I wish, I had a chance to defend myself. But whether I fight against them if I knew I'm gonna lose. It's useless. Siguro nga may mga bagay na kailangan mo na lamang tanggapin dahil 'yon ang nararapat. Kinalampag ko ng ilang sandali ang pinto ng C.R. Umaasa ako na sana marinig ako ng guard. Ilang ulit kong ginawa 'yon hanggang sumuko na lamang ako. Gabi na. Impossibleng may tao pa sa school sa mga oras na 'to. I stay beside the door and hug myself tight. I cried more because I want to. I am praying and wishing in between my sob. I wish someone will come to save me. Pero, sino ba ang niloloko ko? Si Nanay Belen lang naman ang tangi kong pamilya. Wala rin akong kaibigan dahil alam kong galit halos lahat ng mga babae sa school sa akin. Tahimik akong umiiyak. Bakit kasi napaka-unfair ng buhay. Ako na gustong maramdaman ang pagmamahal ng mga magulang ay hindi man lang naranasan ang bagay na 'yon. Samantalang may mga taong binabalewala ang lahat ng magmamahal na para sa kanila. Kung tutuusin napaka-swerte ng mga taong nakakaranas ng totoong pagmamahal at pagpapahalaga. Someone that could give you love is someone that you need to cherish in your life. 'Yan ang paniniwala ko. I sighed. I just need to wait for the right time. Baka na-trafic pa. They said that love comes unexpected. Para sa akin, kailan pa kaya darating? Naputol ang pag-iisip ko ng biglang bumukas ang pinto. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses para kompirmahin ang aking nakikita. Kung totoong nasa harapan ko nga siya. Anong ginagawa ng hambog na 'to dito sa loob ng school? Mabilis ang lakad niya patungo sa akin. Uncertainty was written all over his face. The way he looked at me, alam kong naaawa siya sa akin. But there is something else in his eyes. Tumayo ako kahit nahihirapan. Nang makalapit siya sa akin ay walang kaabog-abog niya akong niyakap ng mahigpit. "Shh... It's okay." I cried louder this time. I cried in his shoulder like a kid. Wala na akong pakialam kong nababasa ng mga luha ko ang damit niya. Hindi kami close at alam kong nakakaawa ang hitsura ko ngayon. Pero wala akong pakialam. Iiyak ako kasi gusto ko. Kasi sobrang sakit ng dibdib ko. "Hush now, doll." he said softly. Tinapik-tapik pa niya ang likod ko. Oddly, I felt safe on Zeus's embrace. Ganito pala 'yong pakiramdam na may ibang taong magmamalasakit sa'yo. It was overwhelming. They said that love comes unexpected. And right now, I maybe not in love with Zeus but he touched a place in my heart. @SheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD