Kinabukasan ay hindi pumasok si Chairman dahil masama daw ang pakiramdam kaya gulat na gulat ako nang madatnan si Gelo sa opisina. Hindi ko tuloy alam kung ano ang unang gagawin dahil hindi ko alam na papasok na kaagad s’ya. Akala ko ay magpapahinga pa s’ya ng mga ilang araw bago sumabak ulit sa trabaho! “Ah… good morning, S-sir…” bati ko at napalunok ng ilang beses. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa nangyari kahapon sa restaurant. Hanggang kagabi ay halos hindi ako nakatulog sa kakaisip sa pangyayaring ‘yon. Hiyang-hiya ako kahit na wala naman s’yang ibang sinabi tungkol doon! “Sir? Why are you calling me that?” tanong n’ya at nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakataas ang kilay n’ya at nakahalukipkip. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan ang kabuuan n’ya. Kahit nak