Lunch break kinabukasan nang makareceived ako ng message galing kay Kira. Nandoon na raw ang Kuya n’ya at kasalukuyang nagpapahinga sa kwarto nito. Napangiwi ako dahil napapadalas ang pang-aasar n’ya sa akin sa Kuya n’ya. Baka mamaya ay may makaalam pa no’n at maging tsismis pa ‘yon dito sa opisina. Magiging Boss ko pa naman s’ya! Mahirap na! Baka kung ano pang isipin ng mga kasamahan ko lalo na at bago pa lang ako pero ako na ang kinuha n’yang maging apprentice n’ya. Inalis ko ang tingin kay Janice na sinasabihan ni Gelene dahil mukhang may balak nang mag-resign dahil hindi kinakaya ang kasungitan ni Engr. Liam. Mukhang mababaw pa naman ang luha n’ya at sensitive kaya baka mahirap talaga para sa kanya ang magkaroon ng Boss na katulad ni Engr. Liam. Namilog ang mga mata ko at napasapo sa