"Don't worry, Lushia, I'm going to protect you," hindi kumukurap na pahayag ni Vlad. "Ha?" naguguluhan kong bulalas. Para akong nagising mula sa namumuong pantasya sa utak ko. Hindi ko kailangan ng proteksiyon dahil hindi naman ako iyong pakay ng mga nagkakagulong reporters. "This will make you the new target, next to Via." Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti kong maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin pero bago pa ako makapagprotesta o makapagbigay ng opinyon ay tuluyan na niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at nagpatiunang lumabas habang hindi binibitiwan ang kamya ko. Para tuloy akong hilong isda na napasunod sa kanya habang pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa reyalisasyon na kaya ako ngayon nandito kasama niya dahil ako ang magiging pain niya sa sinumang umatak