Hindi rin nagtagal ang mga magulang ni Vlad at nagpaalam ang mga ito kinahapunan. Masaya ako dahil maganda ang pagtanggap ng mga ito sa'kin. Kahit hindi direktahang sinabi ni Vlad ang relasyon namin ay naintindihan naman ito ng mga magulang niya sa pinapakita niyang pag-aasikaso sa'kin. Ang importante ay hindi sila katulad ng mga magulang ko na binabase sa estado ng kaharap ang binibigay na respeto. Napakalayo ng ugali ng mga magulang ko sa ugaling meron ang mga magulang ni Vlad. Sa kabila ng kayamanan nila ay kahit konti wala akong nararamdamang kayabangan o pagmamataas mula sa kanila, hindi katulad ng mga magulang ko na lagi iyong pinapangalandakan sa sinumang kaharap. Sa unang pagkakataon ay may mga taong gusto akong makilala nang lubusan, iyong ako mismo at hindi kasali ang pamily