chapter 9

1828 Words

Pagkatapos kong pumayag sa offer na trabaho ni Vlad ay nagsimula agad ang trabaho ko. Wala nang orientation na nangyari. Kahit malabo iyong magiging responsibilidad ko bilang empleyado ay mukhang mapapasabak agad ako. Basta itinatak ko lang sa isip ko na sasamahan ko lang siya at wala na akong ibang gagawin. Magsisilbi lang akong anino niya, napakawalang kwentang trabaho pero malaki naman iyong sweldo kaya gooo! Dahil nga isinama ako ni Vlad ay natagpuan ko ang sarili na nakikinig sa isang meeting na hindi ko naman gaanong naiintindihan kung para saan pero pinilit kong huwag kumibo habang nakaupo sa kanyang tabi. Nararamdaman ko iyong nagtatanong na mga sulyap sa'kin ng mga ka-meeting niya at siguro ay nagtataka ang mga ito kung bakit ako nandoon pero walang naglakas-loob na magtanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD